Pumili si Snap ng 18 Teens para sa Unang Konseho para sa Digital Well-Being
Mayo 15, 2024
Nasasabik kaming ipahayag ang mga miyembro ng kauna-unahang Council for Digital Well-Being ng Snap, ang aming 18-buwang pilot program para sa mga kabataan sa U.S.! Inaabangan naming makatrabaho ang grupo ng mga kabataang ito upang mapakinggan ang kanilang mga pananaw sa estado ng kanilang digital na buhay ngayon, pati na rin ang kanilang mga pag-asa at mithiin para sa mas positibo at kapaki-pakinabang na mga karanasan sa online.
Mula nang unang inanunsyo ang programang ito sa simula ng taon, nakatanggap kami ng higit na 150 na mga aplikasyon, kasama sa kanilang isinumite ang relasyon ng mga aplikante sa kanilang mga telepono, mga halimbawa ng mga pagbabago na gusto nilang makita sa mga platform na kanilang ginagamit, at ang kanilang mga inaasahan para sa pakikilahok sa konseho. Ang pagpili ng unang pangkat ay hindi madaling gawin, dahil maraming mga kahanga-hangang kandidato. Ang proseso ng pagpili ay nagresulta sa magkakaibang grupo na may hanay ng mga karanasan at ideya.
Sa mga aplikanteng hindi napili ngayong taon, sana'y malaman mong lubos naming pinahahalagahan ang oras at pagsisikap na inilaan mo sa iyong mga aplikasyon. Umaasa kami na patuloy kang nakatuon sa pagtataguyod ng mabuting pag-uugali online, at isaalang-alang ang pag-apply sa hinaharap o pakikilahok sa iba pang katulad na mga programa.
Ang inaugural council ay binubuo ng 18 na miyembro na nage-edad ng 13 hanggang 16 years old mula sa 11 na mga state sa U.S. Nasa ibaba ang mga sipi mula sa ilan sa mga aplikasyon ng mga napiling miyembro, na nagpapakita kung ano ang inaasahan nilang makuha mula sa pakikilahok sa programa.
"Umaasa ako sa pagkakaroon ng mahahalagang kaunawaan, kasanayan, at kaalaman na sa katagalan, ay magpapabago sa akin at maging mahusay na tagapagtaguyod. Nangangahulugan ito ng pagtataguyod para sa mga pananaw at pangangailangan ng aking kapwa kabataan, pagpapalakas sa kanilang mga boses at pagtutulak ng mga hakbangin na inuuna ang kanilang kaligtasan, privacy, at pangkalahatang kagalingan sa online na espasyo" - 15 taong gulang mula sa California
"Ako ay masigasig tungkol sa pagkakataong makapaglingkod bilang isang ambassador para sa digital na kaayusan sa aking paaralan at komunidad... Naniniwala ako na ang pagbabahagi ng kaalaman at mga karanasang natamo mula sa konsehong ito ay makakahikayat sa iba na mag-navigate sa online na mundo nang ligtas at responsable dahil kung minsan ay kinakailangang marinig ito mula sa isang kaedad upang lubos na munawaan." - 15 taong gulang mula sa Florida
"Ako ay nasasabik sa posibilidad na makagawa ng nasasalat na epekto, sa pamamagitan man ng mga proyekto ng komunidad, mga rekomendasyon sa patakaran, o mga kampanya ng kamalayan at nag-iiwan ng positibong marka na sumasalamin sa sama-samang pagsisikap ng Konseho. Ang pinaka-inaasahan ko sa karanasang ito ay maging hindi lamang isang mas matalino at may empatiya na indibidwal kundi bilang isang masigasig sa paggawa ng pagbabago na handang humarap sa darating na mga hamon." - 16 taong gulang mula sa Vermont
Sa lalong madaling panahon, iho-host namin ang aming virtual na kick-off bago magsama-sama para sa isang personal na summit sa Snap HQ sa Santa Monica ngayong tag-init. Sa summit, magkakaroon tayo ng small-group at full-council na mga talakayan sa iba't-ibang online na mga paksa sa kaligtasan at kaayusan, isang hiwalay na "parent track" para sa mga tagapag-alaga at tagabantay, mga interactive na session kasama ang mga guest speaker, pati na rin ang ilang masasayang aktibidad. Umaasa kaming makahandog sa mga kabataan ng mga pagkakataong palalimin ang kanilang kaalaman sa kaligtasan sa online at mga isyu sa digital citizenship, mahasa ang kanilang mga kasanayan sa pamumuno at adbokasiya, lumago ang kakayahang makipagtulungan at maging tagapayo sa kapwa, at magkaroon ng kaunawaan sa mga posibleng landas sa karera sa isang pandaigdigang kumpanya ng teknolohiya.
Ang internet, gaya ng sinabi ng mga miyembro ng council, ay parang "isang malawak na aklatan na puno ng mga archive na naghihintay na tuklasin," at "walang nakayayamot na sandali" kapag online ka dahil "walang hangganan ang pagkakataon para sa komunikasyon, pagkamalikhain, at pag-aaral." Alam din namin na may mga totoong panganib para sa mga kabataan sa online ngayon. Regular naming ibabahagi ang kaalaman at kaunawaan ng konseho kung paano makakalapit ang mga kabataan sa mga online na espasyo, na gumagamit ng mga diskarte na nagtataguyod ng kaligtasan at mas malakas na digital na kaayusan. Tulad ng sinabi ng isa pang miyembro, "Talagang naniniwala ako na napakaraming kagandahan" sa mga online platform... "kailangan lang nating matutong pamahalaan ito"
Binabati namin ang mga napiling miyembro, at salamat muli sa lahat ng nagsumite ng aplikasyon. Para sa isang matagumpay at produktibong programa!
Upang matuto nang higit pa tungkol sa pangako ng Snap, trabaho, online na kaligtasan, bisitahin ang aming Privacy & Safety Hub, kung saan kamakailan lang inilabas ang aming pinakabagong pananaliksik sa digital na kaayusan sa U.S. at sa iba pang mga bansa.