Bukas ang mga Aplikasyon para sa Unang Konseho ng Snap para sa Digital Well-Being!

Enero 9, 2024

Tinatawagan ang mga teenager sa U.S.! Narito ang isang natatanging pagkakataon para marinig ang inyong boses tungkol sa mga isyung pangkaligtasan at buhay sa online. Simula ngayon, tumatanggap na ang Snap ng mga application para sa aming unang Council for Digital Well-being, isang 18-month na pilot program para sa kabataan sa U.S. na may edad 13 hanggang 16 na taon.

Digital na nakikipag-ugnayan, matatalino, at mapamaraan ang Gen Z, at interesado kami sa Snap sa kanilang mga diskarte para magtagumpay online at magsulong ng malakas na digital well-being. Gusto rin naming marinig ang kanilang mga ideya para patuloy na gawing isang mas ligtas, mas malusog, at mas nakaka-enjoy na lugar ang Snapchat para sa pagiging malikhain at pakikipag-ugnayan sa friends. Alam naming puwedeng magdulot ng mga totoong panganib ang pagiging online, at gusto naming siguraduhin na nauunawaan, nakikilala, at may kasanayan ang kabataan para tulungan silang maiwasan ang mga panganib na iyon. Kaya pina-pilot namin ang council na ito: para makakuha ng magkakaibang pananaw mula sa kabataan sa buong bansa tungkol sa kalagayan ng online na buhay ngayon, pati na rin ang kanilang mga hangarin at mithiin para magkaroon ng mga mas positibo at kasiya-siyang karanasan.

Kasama sa programa ang buwanang tawag, paggawa ng proyekto, at pakikipag-ugnayan sa aming pandaigdigang Safety Advisory Board. Sa una nitong taon, iimbitahan ang mga piling miyembro ng council sa headquarters ng Snap sa Santa Monica, California, para sa dalawang araw na summit at, sa Ikalawang Taon, mayroon kaming mga plano para sa isang mas pampublikong event na sasalihan ng mga miyembro ng council at magpapakita ng kanilang kaalaman at mga natutunan.

Mag-apply na at sumali sa aming Council for Digital Well-Being

Dapat sagutan at i-submit ng mga interesadong teenager na may edad 13 hanggang 16 na taon na nakatira sa United States ang online application na ito hanggang sa pagtatapos ng business hours (5:00 PM Pacific Time) sa Biyernes, Marso 22.

Bukod pa sa ilang pangunahing impormasyon, kailangan sa application ang isang essay o maikling video kung saan sinasagot ang mga tanong tungkol sa paggamit ng social media at online life sa pangkalahatan, pati na rin sa mga inaasahang mararanasan sa council at pagiging pamilyar sa at views ng Snapchat app at Snap bilang isang kompanya.

Dalawang araw na summit sa Unang Taon

Pagkatapos i-review ang mga application at kapag nakapili na ng mga kalahok ang aming in-house committee, iimbitahan namin ang tinatayang 15 kabataan mula sa buong U.S. para sumali sa inaugural council, na magku-culminate sa Unang Taon sa isang two-day trip ng bawat miyembro ng council at isang magulang, tagapangalaga, o chaperone para umattend sa council summit sa aming company headquarters. Snap ang magbabayad sa pamasahe sa eroplano, matutuluyan, mga pagkain, at mga gastos kaugnay ng pagbibiyahe. 

Inaasahang kasama sa summit ang mga talakayan ng small-group at buong council, isang hiwalay na 'track para sa magulang' para sa mga tagapag-alaga at chaperone, mga interactive session kasama ang mga guest speaker, pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng Snap, at masasayang aktibidad. Pagkatapos ng summit, umaasa kaming magsisilbing mga ambassador para sa digital well-being at positibong pakikipag-ugnayan sa Snapchat ang mga miyembro ng council at kanilang mga sponsor na nasa hustong gulang sa kani-kanilang paaralan at komunidad. Para sa mga tanong tungkol sa council at mga nakaplanong aktibidad, makipag-ugnayan sa platform-safety@snapchat.com

Para alamin pa ang tungkol sa pagsisikap ng Snap na, at magpatakbo sa, kailgtasan sa online sa pangkalahatan, pumunta sa aming Privacy & Safety Hub, at siguraduhing tingnan ang aming pinakabagong global research tungkol sa digital well-being sa U.S. at sa lima pang bansa na nakatakdang ilunsad sa Safer Internet Day 2024, Pebrero 6. Nasasabik kaming magbahagi ng balita tungkol sa mga napiling miyembro ng council ngayong tagsibol!

- Jacqueline Beauchere, Global Head ng Kaligtasan sa Platform

Bumalik sa Mga Balita