Snap Values

Bagong research: Mas maraming Gen Z ang umunlad online noong 2025 habang mas tumaas ang digital well-being

Pebrero 9, 2026

Halos anim sa 10 miyembro ng Generation Z ang nasiyahan sa "mataas" o "napakataas" na digital well-being noong 2025, tumaas nang higit pa sa isa sa 10 ang "Umuunlad" online – ang pinakamataas na porsyento na naabot ang mataas na marka, ayon sa bagong research.   

Apat na pu't limang porsyento ng mga sumagot na Gen Z ang "Matagumpay" online noong isang taon at 13% ang "Umuunlad," tumaas ng isa at tatlong porsyento, ayon sa pagkakasunod, kumpara sa mga resulta ng nakaraang taon. Ipinapahiwatig ng Flourishing reading ang "napaka-positibo" na pangkalahatang karanasan online, habang nagmumungkahi ng napaka-positibo na mga interaksyon at aktibidad ang Flourishing category. Bahagyang higit sa one-third (36%) ang nag-register sa Middling o mid-range na mga karanasan, at 6% ang itinuturing na Struggling, na nangangahulugang ni-report nila na madalas silang nakararanas ng mga negatibo na karanasan at resulta online. Bumaba ng isa at tatlong porsyento ang mga kategorya ng Middling at Struggling mula 2024.

"Nakakatuwang makita na mas maraming kabataan ang umuunlad online sa kabila ng patuloy na mga hamon at mga karaniwang 'doom at gloom' na kuwento," sabi ni Larry Magid, CEO ng ConnectSafely. "Kapansin-pansing ipinapakita ng research na kadalasang mas malalim ang pakikilahok sa digital na buhay ng mga Thriving. Sa tamang suporta at bukas na pag-uusap sa pagitan ng mga kabataan at magulang, kaya ng mga kabataan na mag-navigate ng ganitong mga space nang responsable at gawing positibo at healthy na karanasan ang kanilang mga online na interaksyon."

Sa nakalipas na apat na taon, nagsagawa ang Snap ng cross-platform na pag-aaral tungkol sa digital well-being at naglabas ng kumpletong resulta noong Safer Internet Day (SID). Nagsisilbing pangunahing kontribusyon ang mga resulta sa pangkalahatang technology ecosystem at idinagdag sa nakabatay sa ebidensya, na tumutulong sa aming lahat na gumawa ng mas ligtas, malusog at mas positibong digital na karanasan para sa lahat. Gagawin ng Snap ang partikular na pag-aaral na ito sa loob ng isa pang taon (2026) at ilalabas ang ikalima at huling taon ng mga resulta sa SID sa 2027 Sinasaklaw ng pag-aaral ang mga karanasan ng mga kabataang Gen Z at mga young adult sa lahat ng platform, serbisyo, at mga device, nang walang partikular na pagtutok sa Snapchat.        

Socia media: Isang pagkakapareho sa mga taong nasa Flourishing 

Ipinapakita ng mga resulta na mas bihasa sa pamamahala at pagharap sa panganib online ang mga Gen Z na may mataas na digital well-being. Halimbawa, 74% sa mga nasa kategoryang Flourishing ang nag-report na nakaranas ng ilang panganib onling noong isang taon, samantalang halos siyam sa 10 (88%) ng mga itinuturing na Struggling ang nakaranas ng ilang panganib online – 14 na porsyentong pagkakaiba. Lumawak ang gap na iyon sa 16 na porsyento kapag isinama ang potensyal na sexual extortion online. Ipinapakita ng graph sa ibaba ang mga nasa dalawang kategoryang ito at ang kanilang karanasan sa mga mapanganib na gawi na kilala bilang potensyal na gateway sa sexual extortion – gaya ng pag-hack, online grooming para sa mga sekswal na layunin at catfishing.

Bilang karagdagan, ipinapakita ng mga resulta na isang pangunahing katangian ng mga Flourishing online ang "ganap na pakikilahok" sa social media. Three-quarters ng mga respondent sa kategoryang "Flourishing" ang nag-report na lubos silang aktibo sa social media, kabilang ang mga oras na ginugol nila, antas ng pakikilahok, at ang kabuuang kahalagahan ng social media sa kanilang buhay. Para sa mga itinalaga bilang Struggling, one-quarter lamang (25%) ang nagsabi na lubos silang aktibo sa social media. Ipinapakita rin ang mga resultang ito sa graph sa ibaba.  

Bahagi ang mga resulta ng patuloy na pag-aaral ng Snap sa digital well-being ng mga Gen Z at kumakatawan sa pinakabagong bahagi ng Digital Well-Being Index (DWBI) namin, isang pangkalahatang sukatan kung paano nagkakaroon ng karanasan online ang mga kabataan (edad 13-17) at mga young adult (18-24) sa anim na bansa: Australia, France, Germany, India, UK, at U.S. Nag-survey din kami sa mga magulang ng mga kabataang 13-19 na taong gulang tungkol sa mga karanasan ng kanilang mga anak sa panganib online. Isinagawa ang pinakabagong poll na ito sa pagitan ng Abril 29 at Mayo 10, 2025 at nag-survey sa 9,037 na respondent mula sa tatlong demographics ng edad at anim na bansa. 

Nasa ibaba ang ilang karagdagang high-level na resulta mula sa Ika-4 na Taon:

  • Sa anim na bansa, patuloy na tumaas ang exposure sa panganib online ng mga Gen Z noong 2025, walo sa 10 na respondent (81%) ang nagsabi na nakaranas sila ng ilang panganib – tumaas ng isang porsyento mula 2024 (80%) at limang porsyento (76%) mula nang magsimula ang research na ito noong 2022.     

  • Exposure sa pekeng balita 1/maling impormasyon (54%), mga banta ng karahasan (47%), at hindi gustong pakikipag-ugnayan (35%) ang tatlo sa pinakanaranasang digital na panganib noong 2025, hindi nagbabago sa mga resulta sa nakalipas na tatlong taon. Kasama sa limang pinakanaranasan na panganib ang online na pagpapanggap (30%) at mga sekswal na panganib (29%)

  • Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magsimula ang pag-aaral, tinanong namin ang mga Gen Z tungkol sa kanilang mga karanasan kung meron man sa recruitment ng lokal na gang at mga crew. Apat na porsyento ng respondent sa anim na bansa ang nagsabi na naranasan nila ang panganib na ito, pinakamababang uri ng panganib na naranasan sa 15 na kasama sa pag-aaral.   

  • Nakakatuwa na mas marami pang kabataan ang humingi ng tulong pagkatapos maranasan ang panganib online. Mahigit pito sa 10 (71%) ang nagsabi na nakipag-usap sila sa isang tao o humingi ng tulong, tumaas mula sa 68% noong 2022 at pinakamababang 59% noong 2021. Halos siyam sa 10 magulang (88%) ang nagsabi na sinabi sa kanila ng kabataang anak nila ang tungkol sa panganib, tumaas ng dalawang porsyento mula sa nakaraang tatlong taon (86%). Gayunpaman, mas kaunti pa rin ang mga kabataang lumalapit para pag-usapan ang mga seryosong panganib tulad ng pananakit sa sarili at exposure sa marahas na extremist o terrorist na content. (Halos walang pagbabago sa karanasan ng mga kabataan sa mga ganitong seryosong panganib.)

  • Gaya ng mga naunang pag-aaral, patuloy na pinapakita ng pinakabagong resulta na nagtatamasa ng mas malakas na digital well-being ang mga Gen Z na may mas maraming support asset na available sa kanila. Tinutukoy ang support asset bilang isang tao sa bahay, paaralan, trabaho, o sa mas malawak na komunidad na puwedeng lapitan ng mga kabataan na may problema o alalahanin, na makikinig sa kanila, o naniniwalang magiging matagumpay sa buhay ang mga kabataan. Sa mga Gen Z na may siyam hanggang 12 support asset (pinakamataas na bilang), halos two-third ang mula sa kategoryang Flourishing (64%). Sa mga may zero hanggang apat na support asset (pinakamababang bilang) three-fourth (77%) ang mula sa grupo ng Struggling.      

Tila nagpapahiwatig ang ilan sa mga resultang ito na sa kabila ng tumaas na exposure sa panganib, maraming Gen Z ang mas nagiging matatag at gumagamit ng iba't ibang tool at mapagkukunan para tulungan silang harapin ang mga isyu online. Pinapakita ng mga palatandaang ito na patuloy na kailangan ang digital at social media literacy at mas bigyang-diin at palakasin ang mga analytical at critical-thinking na kasanayan.   

Ika-4 na Taon ng DWBI 

Binibigyan ng Digital Well-Being Index ang bawat respondent ng score mula 0 hanggang 100 batay sa kung gaano sila sumasang-ayon sa iba't ibang pahayag ng damdamin. Ang mga score ng indibidwal na respondent ay nagiging bahagi ng mga score ng partikular na bansa at average ng anim na bansa. Sa average ng anim na bansa, tumaas ng isa ang 2025 DWBI sa 64 mula 63 noong 2024. Sa kabuuan, nananatili itong average na resulta, pero positibo naman dahil tumaas ang exposure sa panganib ng mga kabataan. (Three-fourth (76%) ng mga kabataan ang nagsabi na nakaranas sila ng panganib noong 2025 kumpara sa 73% ng nakaraang taon: samantalang bumaba sa 86% mula sa 87% noong 2024 ang exposure sa panganib ng mga young adult. 

Sa loob ng apat na magkakasunod na taon, India ang may pinakamataas na DWBI na 69, tumaas ng dalawa mula noong 2024 at pinakamataas na resulta para sa kahit anong bansa hanggang ngayon. Patuloy na mataas ang mga DWBI reading ng India dahil sa kultura ng aktibo at tuloy-tuloy na suporta ng magulang. Umabot ang DWBI ng U.S. sa 67, at ito rin ang pinakamataas para sa bansa mula nang magsimula ang pag-aaral at tumaas ng dalawa mula noong 2024. Tumaas ng kaunti ang reading ng lahat ng bansa mula sa naunang taon. 64, 60, at 61 ang reading ng U.K., France. at Germany ayon sa pagkakasunod. Bumawi ang DWBI ng Australia at umabot sa 63, matapos itong maging nag-iisang bansa na bahagyang bumaba noong 2024. 

Ginagamit ng index ang PERNA model, isang adaptation ng isang naitaguyod na teorya 2, na binubuo ng 20 pahayag ng damdamin sa limang kategorya: Positive Emotion Engagement, Relationships, Negative Emotion, at Achievement. Isinasaalang-alang ang lahat ng kanilang online na karanasan sa anumang device o app —hindi lang Snapchat — sa naunang tatlong buwan, hiniling sa mga respondent na ipahayag ang kanilang antas ng pagsang-ayon sa bawat isa sa 20 pahayag. Halimbawa, “Kadalasang naramdaman ko na mahalaga at kapaki-pakinabang ang mga ginawa ko online,” sa Positive Emotion na kategorya, at “May mga kaibigan ako na talagang nakikinig sa akin kapag may sasabihin ako online,” sa ilalim ng Relationships. (Tingnan ang dito para sa listahan ng 20 pahayag ng damdamin ng DWBI.) 

Mga kabataan sa U.S.: Mag-apply para sumali sa ikalawang cohort ng aming Council para sa Digital Well-Being 

Dalawang taon na ang nakalipas, para buhayin ang research na ito at ipakita ang patuloy naming suporta sa mga kabataan online, inilunsad namin ang kauna-unahang Council para sa Digital Well-Being (CDWB), isang pilot program para sa mga kabataang may edad 13-16 sa U.S. Noong Agosto, natapos namin ang kauna-unahang council, at dahil dito, nagkaroon ng dalawang aktibong "sister" council sa Australia at buong Europe at U.K. Sabik kaming magkaroon ng ikalawang cohort sa U.S., kaya sinimulan namin ang application na iyon noong nakaraang buwan. Kung ikaw o may kilala kang batang tin-edyer na masigasig sa pagpapabuti ng digital na karanasan para sa lahat, mag-apply ka! Makikita ang mga detalye dito.   

Sa wakas, ikinagagalak ng Snap na makasama ulit ang ConnectSafely, ang opisyal na organizer ng SID sa U.S., sa national event ngayong taon sa Sacramento, California. Ipinagdiriwang sa mahigit 100 bansa, tungkol ang SID sa pagbibigay kakayahan sa mga kabataan at adult na gamitin ang teknolohiya nang responsable, may paggalang, mahalaga at malikhain, at plano naming ibahagi ang ilan sa mga pinakabagong resulta ng research na ito para makatulong sa patuloy na mabigyang kaaalaman ang global na talakayan.     

Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa pinakabagong DWBI at research, tingnan ang aming website, ang updated na explainer, ang buong resulta ng research, at ang anim na localized country infographics: Australia, France, Germany, India, United Kingdom, at United States.

— Jacqueline Beauchere, Global Head ng Platform Safety

Bumalik sa Mga Balita

Mga Sanggunian

1

Ang mga sumusunod ang 15 uri ng panganib ng DWBI: Account hijacking, pekeng balita/maling impormasyon, mapanakit na salita, ilegal na gawain na may kinalaman sa droga, pagbebenta ng armas, pambu-bully at pangha-harass, pagpapanggap, walang pahintulot na pribadong larawan, naiisip na saktan ang sarili, naiisip na magpakamatay, banta ng karahasan, hindi gustong pakikipag-ugnayan, hindi gustong sekswal na atensyon, marahas na extremism o terrorism, content/mga mensahe, at recruitment ng lokal na gang.

2

Ang umiiral na research theory ay ang modelong PERMA, na nahahati bilang: Positive Emotion (P), Engagement (E), Relationships (R), Meaning (M) at Accomplishment (A).

Mga Sanggunian
1

Ang mga sumusunod ang 15 uri ng panganib ng DWBI: Account hijacking, pekeng balita/maling impormasyon, mapanakit na salita, ilegal na gawain na may kinalaman sa droga, pagbebenta ng armas, pambu-bully at pangha-harass, pagpapanggap, walang pahintulot na pribadong larawan, naiisip na saktan ang sarili, naiisip na magpakamatay, banta ng karahasan, hindi gustong pakikipag-ugnayan, hindi gustong sekswal na atensyon, marahas na extremism o terrorism, content/mga mensahe, at recruitment ng lokal na gang.

2

Ang umiiral na research theory ay ang modelong PERMA, na nahahati bilang: Positive Emotion (P), Engagement (E), Relationships (R), Meaning (M) at Accomplishment (A).