Bukas ang Mga Application para sa Ikalawang U.S Teen Council for Digital Well-Being
Enero 21, 2026

Photo Credit: Opisyal na Larawan ng White House
Kapana-panabik na balita para sa mga kabataan sa buong United States! Bukasna ngayon ang mga application para sa ikalawang U.S. cohort ng Council para sa Digital Well-Being (CDWB) ng Snap, isang taong programa na ginawa para bigyan ng mas malakas na boses na boses ang mga kabataan sa kaligtasan online at digital well-being.
Bihasa digitally ang mga kabataang Gen Z, malikhain, at maalalahanin tungkol sa kung paano umaangkop ang teknolohiya sa kanilang buhay. Sa Snap, interesado kami na malaman ang kanilang mga ideya tungkol sa kung paano matutulungan ang mga kabataan na umunlad online at patuloy na gumawa ng mga platform gaya ng Snapchat para sa pagkamalikhain at pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya. Alam rin namin na puwedeng magdulot ng mga tunay na panganib ang pagiging online, lalo na ngayong patuloy na umuunlad ang artificial intelligence. Gusto naming tulungan ang mga kabataan na maintindihan ang mga panganib na iyon at bigyan sila ng mga kasanayan at mga tool para tugunan ang mga ito at matulungan ang iba sa kanilang komunidad.
Pagsasamahin ng CDWB ang mga kabataang edad 13-16 para sa buwanang virtual meeting, mga group project, at tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa mga team sa Snap at mga miyembro ng aming global Safety Advisory Board. Sa panahon ng programa, susuportahan ng Snap ang mga miyembro ng council para makapunta at makadalo sa dalawang araw na personal na summit, pati na rin sa capstone event na para sa publiko.
Ang mga inaugural Council namin
Inilunsad namin ang inaugural na cohort namin ng CDWB sa U.S. noong 2024. Sa buong programa, nagbigay ng napakahalagang insight ang grupong ito ng mga kabataan – at ang kanilang pamilya at naging mas epektibong ambassador ng kaligtasan online at well-being. Bilang pagtatapos ng kanilang karanasan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng Council na ibahagi ang kanilang mga natutunan sa mga pangunahing stakeholder sa komunidad para sa kaligtasan online at direktang makipag-usap sa Office of the First Lady ng United States.
Bilang resulta ng tagumpay ng programa, inilunsad namin ang mga "sister" council sa Australia at Europe noong 2025. Muling pinagtibay ng pakikipag-ugnayan at pamumunong ipinakita ng mga miyembro ng Council sa lahat ng tatlong rehiyon ang halaga ng pakikipag-ugnayan sa kabataan tungkol sa kanilang mga pananaw tungkol sa kaligtasan online at digital well-being. Batay sa nasabing momentum, nasasabik kaming i-welcome sa programa ang bagong grupo ng kabataan mula sa U.S.
Pag-apply para sumali sa U.S. CDWB
Inaanyayahang mag-apply ang mga teenager na edad na 13-16 na naninirahan sa U.S. sa pamamagitan ng pagkumpleto ng online na application na ito. Patuloy naming nire-review ang mga application at plano naming imbitahan ang mga napiling teenager na sumali sa Council sa unang bahagi ng spring.
Dagdag pa sa pangunahing impormasyon, hihingi rin ang application ng maikling sanaysay at video responses na nakatuon sa social media, AI, at digital life; mga inaasahan sa paglahok sa Council; at pagiging pamilyar sa at mga pananaw tungkol sa Snapchat. Hindi isasaalang-alang ang mga hindi kumpleto o nahuling application.
Para sa karagdagang katanungan tungkol sa CDWB o sa proseso ng application, paki-review ang application form o makipag-ugnayan sa platform-safety@snapchat.com. At para alamin pa ang tungkol sa mas pagpapalawig ng mga pagsisikap ng Snap para sa kaligtasan online, pumunta sa aming Hub sa Privacy at Kaligtasan. Umaasa kaming ipakilala ang bago naming Council sa mga darating na buwan.
-Viraj Doshi, Platform Safety Lead