Balik-Eskwela at Pagbibigay ng Priyoridad sa Online na Kaligtasan
Setyembre 13, 2022
Balik-Eskwela at Pagbibigay ng Priyoridad sa Online na Kaligtasan
Setyembre 13, 2022
Ang mga kabataan sa buong mundo ay babalik na sa paaralan at dahil ang pandaigdigang pandemya ay mukhang nakalipas na, muli silang papasok sa silid-aralan at makikihalubilo sa mga kaibigan at kaklase nang madalas — kapwa sa personal at online. Dahil dito, mukhang ito na ang tamang oras para paalalahanan ang mga pamilya at kabataan na manatiling alerto sa mga panganib online, patuloy na gawin ang maayos na paggawi at mga kaugalian online, at makipag-ugnayan kung may anumang bagay na nagpaparamdam sa iyo ng pagiging hindi ligtas o hindi komportable.
Ang pag-promote ng isang mas ligtas at mas matiwasay na karanasan sa Snapchat ay isang pangunahing priyoridad para sa amin sa Snap, at wala ng mas mahalaga kaysa sa seguridad at kapakanan ng aming komunidad. Ang mas mahusay na pag-unawa sa mga saloobin at pag-uugali ng mga Snapchatter at ang mga gumagamit ng mas tradisyunal na mga platform ng social media ay isang kritikal na bahagi nito.
Sa unang bahagi ng taong ito, nagsagawa kami ng bagong pananaliksik sa iba't-ibang aspeto ng online na buhay na nag-aambag sa pangkalahatang digital na kapakanan. Nagpoll kami ng kabuuang 9,003 na mga indibidiwal, partikular na ang mga kabataan (may edad 13-17), young adult (edad 18-24), at mga magulang ng mga kabataan na may edad na 13-19 sa anim na bansa (Australia, France, Germany, India, UK, at ang U.S.) tungkol sa limang dimensyon ng digital na kapakanan. Ang mga detalye* at ang buong resulta, kabilang na ang aming Digital Well-Being Index para sa bawat bansa at sa anim na pinagsama-sama, ay ilalabas kasabay ng internasyonal na Safer Internet Day 2023 sa Pebrero. Kami, gayunpaman, ay nagbabahagi ng ilang mga unang natuklasan sa panahon ng pagbabalik eskwela at sa aming bagong Family Center na mga tool para sa mga magulang at tagapag-alaga ay patuloy na inilalabas sa buong mundo - lahat sa pagsisikap na paalalahanan ang mga pamilya tungkol sa kahalagahan ng pananatiling ligtas.
Pagsusuri sa mga panganib online
Upang makatulong na matukoy kung ang mga kabataan at youg adult ay umuunlad, nahihirapan, o nasa pagitan ng dalawa online, kinakailangang maunawaan ang kanilang antas ng pagkakalantad sa panganib. Hindi nakakagulat, kinukumpirma ng aming pananaliksik na kapag ang mga panganib sa online ay naging mas personal, ang pagkakalantad ay may negatibong epekto sa digital well-being.
Ang iba't-ibang anyo ng online na pambubully at pangha-harass, kabilang ang panunukso, name-calling, sinasadyang pagpapahiya at "flaming", lahat ay negatibong nakaapekto sa digital well-being ng mga kabataan, ayon sa aming pag-aaral. Ito rin ang maaarig sabihin para sa pagkakaroon ng seksuwal at pinsala sa sarili na nauugnay sa online na mga panganib tulad ng seksuwal na pangangalap o pagkakaroon ng saloobin na magpakamatay o pananakit sa sarili.
Ang maaaring nakakagulat, gayunpaman, ay ang maliwanag na "pagiging normal" ng iba pang mga online na panganib sa mga kabataan at mga young adult. Ang pagpapanggap bilang ibang tao online, pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon, at pagkakalantad sa hindi kanais-nais o hindi magandang pakikipag-ugnayan ay ilan lamang sa mga uri ng panganib na may mahinang kaugnayan sa digital well-being, ayon sa pananaliksik. Marahil ang mas nakakabahala ay ang mga tugon ng mga kabataan. Halos dalawang-katlo ng mga respondent (64%) ang nagsabing binalewala o tinanggal nila ang masamang paggawi online - kumpara sa pag-uulat nito sa nauugnay na platform o serbisyo. Sinasabi nila na ang gayong pag-uugali ay "hindi malaking bagay" at ito ay sinasabi sa isang tao na "nagpapahayag lamang ng opinyon." Kasama riyan ang may higit sa isa pang quarter (27%), sa karaniwan, na nagsabing ang mga masasamang aktor ay malamang na hindi makakaranas ng malubhang parusa, at 9 sa 10 respondent sa pananaliksik na ito ay nagbahagi ng ilang mga walang halagang dahilan para hindi iulat ang pag-uugaling lumalabag sa patakaran sa online na mga platform at serbisyo.
Kahalagahan ng pag-uulat
Ang kawalang-interes sa pag-uulat ay nananatilingpaulit-ulit na tema sa mga platform ng teknolohiya, ngunit kailangan nating ibahin ito at hikayatin ang mga kabataan at pamilya na sabihin sa amin kung kailan nagbahagi ng content o gumawi ang isa na lumalabag sa aming Mga Alituntunin sa Komunidad. Hindi lang ito ang tamang gawin, kundi ito ay isang paraan ng pagkuha ng aktibong paninindigan sa pagtulong na protektahan ang mga kapwa Snapchatter. Sa katunayan, ang pag-uulat ng mapang-abuso o nakakapinsalang nilalaman at pag-uugali - upang matugunan natin ito - ay nakakatulong na mapabuti ang karanasan sa komunidad para sa lahat.
Ang mga Snapchatter ay maaaring mag-ulat ng in-app sa pamamagitan lamang ng pagpindot ng matagal sa isang content o sa pamamagitan ng pagsagot dito sa webform sa aming Support Site. (Tingnan ang pag-uulat na ito sa Fact Sheet para matuto ng higit.) Ang mga magulang at tagapag-alaga na gumagamit ng aming mga bagong Family Center tool na kasalukuyang available sa Australia, Canada, New Zealand, UK, at sa U.S., ay maaaring ding mag-ulat ng mga account na nakakabahala - at magagawa nila ito ng direkta sa app. Magiging available ang Family Center sa iba pang mga internasyonal na market sa mga susunod na linggo, at ang mga karagdagang update sa Family Center ay pinaplano para sa huling bahagi ng taong ito. Isasama nito ang kakayahan ng mga kabataan na ipaalam sa kanilang magulang o tagapag-alaga na gumawa sila ng ulat sa Snapchat.
Inaasahan naming magbahagi ng higit pang mga resulta mula sa aming pananaliksik sa digital well-being sa mga buwan bago ang - at sa - Safer Internet Day 2023, Pebrero 7. Pansamantala, narito ang pagbabalik sa paaralan nang ginagawang priyoridad sa isip ang online na kaligtasan at digital well-being!
-Jacqueline Beauchere, Snap Global Head of Platform Safety
*Ang laki ng sample para sa mga teenager at mga kabataan ay 6,002, kabilang ang 4,654, na kinilala bilang gumagamit ng Snapchat. May kabuuang 6,087 respondent na kinilala bilang mga user ng Snapchat (kabilang ang mga magulang). Ang mga tanong ay hindi nakatuon sa anumang partikular na platform ng social media at sa halip ay nagtanong tungkol sa mga pangkalahatang online na pakikipag-ugnayan.