Paglulunsad ng Walang Katulad na Kampanya sa Kamalayan ng Publiko sa Mga Panganib ng Fentanyl
Oktubre 18, 2022
Paglulunsad ng Walang Katulad na Kampanya sa Kamalayan ng Publiko sa Mga Panganib ng Fentanyl
Oktubre 18, 2022
Ngayon, nalulugod kaming tumulong sa paglulunsad ng bagong public awareness campaign kasama ang Ad Council, na pinondohan din ng YouTube, upang makatulong na turuan ang mga kabataan tungkol sa mga panganib ng mga pekeng tabletas...
Ang mga pagkamatay na may kinalaman sa overdose ng droga ay nagsitaasan noong mga nakaraang taon, kung saan noong 2021 ay makakakita ng 52 porsiyento ng pagtaas ng bilang sa nakaraang dalawang taon. Base sa pananaliksik ng Morning Consult na aming ipinakomisyon noong isang taon para higit na maunawaan ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa fentanyl, hindi lang namin natuklasan na lubhang kaunti ang kaalaman ng mga kabataan sa mga kakaibang panganib ng fentanyl, nabigyang pansin din ang matatag na kaugnatan ng pangkalahatang krisis sa pangkalusugang mental at ang pagtaas ng pag-abuso sa mga resetang gamot. Bilang plataporma na ginagamit ng maraming mga kabataan para makipagbalitaan sa kanilang kaibigan, nangangako kaming tumulong upang protektahan ang ating komunidad, at naniniwala kami na mayroon kaming kakaibang pagkakataon na magbigay-alam sa mga Snapchatters ukol sa nakakamamatay na katotohanan sa likod ng mga tabletang naglalaman ng fentanyl. Habang nakatuon ang aming pansin sa aming kontribusyon para itaas ang kamalayan at bigyan ng tamang kaalaman ang mga Snapchatters sa aming app, naniniwala rin kami na kailangan ng holistikong estratehiya. Kaya naman nakipagtulungan kami sa Ad Council noong nakaraang taon para bumuo ng suporta para sa mahalang kampanyang pang-edukasyong ito, at nagagalak kaming ilunsad ang punyaging ito kasama ang Ad Council at ang aming mga katambal sa industriya.
Ang kampanyangReal Deal on Fentanyl ay naglalayong bigyan ng tamang kaalaman ang mga kabataang nakatira sa Estados Unidos tungkol sa mga panganib ng fentanyl at ang pagiging laganap nito sa mga pekeng prescription pills at mga ipinagbabawal na droga. Sa bagong patalastas na panserbisyo publiko, marininig ng mga manonood ang kuwento ng mga dating drug dealer habang ibinabahagi nila sa mga estudyante ng hayskul ang tungkol sa krisis ng fentanyl bilang bahagi ng kanilang karaniwang asignatura. Ang Shatterproof, isang national nonprofit na nakalaan para kontrahin ang krisis ng adiksyon sa Estados Unidos, ay nagsilbing tagapayo sa produksyon ng kampanya. Song for Charlie, isang pambansang family-run na nonprofit na nakatuon sa pagtataas ng kamalayan ukol sa 'fentapills' — mga pekeng tabletang gawa sa fentanyl, ay nagsisilbi ring mga tagapayo kasama ang isang panel ng mga experto at organisasyon sa larangan ng kalusugang pampubliko, para magbigay ng mahahalagang kaalaman at datos at sinisiguradong ang lahat ng aspekto ng mga inisyatibong ito ay tama at nakabase sa medisina. Maaring makahanap ng karagdang impormasyon ukol sa kampanya at makapag-akses ng mga karagdagang materyales at social graphics dito.
Bilang bahahi ng proyektong ito, maglulunsad rin ang Snapchat ng mga bagong Augmented Reality Lenses, Filters, Stickers, at content na pagtitibayin ang mensahe ng kumpanya sa kabuuan ng aming plataporma, na makikita rin sa aming in-app na drug education portal, ang Heads Up. Bukod pa rito, magkakaloob ang snap ng $1 milyong ad credits sa Ad Council at makikipagtulungan sa isang grupo ng Snap Stars para ikalat ang balita sa aming komunidad.
Nakaangkla ang kampanya sa trabaho na aming ginugol noong nakaraang 18 buwan upang labanan ang epidemya ng fentanyl, sa pakikipagtulungan sa mga mga magulang, eksperto sa counternarcotics lalo na ang krisis ng fentanyl at mga organisasyong may kinalaman sa pagpapatupad ng batas. Habang nagtutulungan, nakabuto kami ng mga bagong in-app tools at content para hayagang bigyang kaalaman ang mga Snapchatters ukol sa panganib ng fentanul at inilunsad na rin ang Family Center, ang aming in-app parental tool na binibigyan ang mga magulang ng kaalaman ukol sa kung kanino nakikipagkomunikasyon ang kanilang mga teenager sa Snapchat. Labis na rin naming napabuti ang aming mga gawain upang maagap na matunton at matanggal ang mga drug dealers na nais samantalahin ang Snapchat at dinagdagan rin namin ang suporta sa mga law enforcement investigation para humarap sa batas ang mga dealer na ito. Maaring magbasa ng aming pinakabagong balita ukol sa aming kasalukuyang progresorito.
Habang naniniwala kami na ang kampanyang ito para imulat ang publiko ay isang mahalagang hakbang upang magbigay ng tamang kaalaman sa mga kabataan at bigyan sila ng mga mahalagang mapagkukunan ng materyales at impomasyon, batid namin na marami pang kailangang gawin. Patuloy naming bibigyang priyoridad ang kalusugan at kapakanan ng aming komunidad, magpursigi para bumuo pa ng mga kasangkapang pangkaligrasan upang protektahan ang mga Snapchatters sa aming plataforma, at makipagtulungan sa sektor ng gobyerno, teknolohiya, at kalusugang pampubliko ukol sa kritikal na pambansang krisis na ito.