Itinutuloy ang aming Mga Pagsisikap para Labanan ang Krisis ng Fentanyl sa U.S.
Oktubre 12, 2022
Itinutuloy ang aming Mga Pagsisikap para Labanan ang Krisis ng Fentanyl sa U.S.
Oktubre 12, 2022
Sa susunod na linggo, maglulunsad ang Snap ng isang walang kahalintulad na kampanya para sa kamalayan ng publikokasama ang Ad Council upang tumulong na turuan ang mga magulang at kabataan sa mga panganib ng mga pekeng tabletas na nilagyan ng fentanyl.Sa susunod na linggo, maglulunsad ang Snap ng isang walang kahalintulad na kampanya para sa kamalayan ng publiko kasama ang Ad Council upang tumulong na turuan ang mga magulang at kabataan sa mga panganib ng mga pekeng tabletas na nilagyan ng fentanyl. Noong nakaraang taon, ang fentanyl ay naging isa sa mga nangungunang sanhi ng kamatayn para sa mga nasa hustong gulang sa U.S. na may edad na 18-45 t at alam namin na ang mga kabataan ay lalong nasa panganib. Iyon ang dahilan kung bakit nakipagtulungan kami sa Ad Council nang mahigit sa isang taon upang magsama-sama sa pagsisikap na ito, na pinagtitipon ang Snap, YouTube, at iba pang mga kasosyo sa industriya sa kritikal na isyung ito.
Ang kampanyang ito ay bubuo sa gawaing ginawa namin sa nakalipas na 18 na buwan upang makatulong na itaas ang kabatiran sa mga panganib ng fentanyl nang direkta sa aming platform, sa pamamagitan ng mga video campaign, orihinal na nilalaman, at mga mapagkukunan mula sa mga dalubhasang organisasyon. Sa panahong ito, masigasig kaming nagtrabaho na pahusayin ang aming mga pagsusumikap na maagap na matukoy at maalis ang mga nagbebenta ng droga na sumusubok na pagsamantalahan ang Snapchat at pinataas ang aming suporta para sa mga pagsisiyasat sa pagpapatupad ng batas upang dalhin ang mga dealer na ito sa hustisya. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng mga regular na update tungkol sa aming pag-unlad at, bago ang paglulunsad ng kampanya sa susunod na linggo, ibinabahagi namin ang pinakabagong pangkalahatang-ideya ng aming patuloy na gawain upang labanan ang pambansang epidemya.
Pagpapalakas ng aming proactive detection: Patuloy naming pinapalakas ang aming AI at machine earning tool na tumutulong sa amin na maging proactive na makakita ng mapanganib na aktibidad ng droga sa Snapchat. Tintulungan na kami ngayon ng aming mga pinakabago na modelo na proactive na tukuyin ang humigit-kumulang 90% ng aktibidad ng ipinagbabawal na gamot bago magkaroon ng pagkakataon ang isang Snapchatter na iulat ito sa amin, at patuloy kaming nakakita ng pagbaba sa bilang ng mga ulat na nauugnay sa droga mula sa Snapchatter. Noong Setyembre 2021, mahigit 23% ng mga ulat na nauugnay sa droga mula sa mga Snapchatter ang naglalaman ng content na partikular na nauugnay sa mga benta; bilang resulta ng proactive detection work, ibinaba namin iyon sa 3.3% noong nakaraang buwan. Patuloy kaming magsusumikap upang bumaba pa ang bilang na ito hangga't maaari.
Paggawa sa iba't-ibang platform para mahanap ang mga nagbebenta ng droga: Dahil alam namin na ang mga nagbebenta ng droga ay tumatakbo sa iba't-ibang social media at mga platform ng komunikasyon, nakikipagtulungan din kami sa mga eksperto upang maghanap ng mga content na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot sa iba pang mga platform na ito na tumutukoy sa Snapchat, upang makahanap kami ng mga account sa Snapchat ng nagbebenta ng droga at isara ang mga ito. Kapag nakakita kami ng mga nagbebenta ng droga sa Snapchat, hindi lang namin bina-ban ang kanilang mga account ngunit nagsasagawa kami ng mga aktibong hakbang upang i-block sila sa paggawa ng mga bago. Ipinapagpatuloy din namin ang aming pakikipagtulungan sa Meta upang magbahagi ng mga pattern at senyales ng nilalaman at aktibidad na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot, at umaasa kaming sasama ang ibang mga platform sa ganitong pagsisikap.
Palawakin ang aming suporta para sa pagpapatupad ng batas: Kahit na humarap kami sa mga problem sa ekonomiya noong nakaraang taon, patuloy naming pinalaki ang aming pangkat na nagpapatupad ng batas na sumusuporta sa pagsisiyasat na ito, kasama ang maraming miyembro ng team na sumasali sa amin bilang mga prosecutor at mga opisyal ng pagpapatupad ng batas na may karanasan sa kaligtasan ng kabataan. Ang mga pamumuhunang ito ay nakatulong sa aming patuloy na palakasin ang aming suporta para sa pagtupad sa mga kahilingan sa pagpapatupad ng batas para sa impormasyon, na aming inuuna batay sa pagkaapurahan. Sa kaso ng mga kahilingan sa emergency disclosure - na may kasamang napipintong banta sa buhay at maaaring may kasamang insidente ng fentanyl - ang aming 24/7 team ay karaniwang tumutugon sa loob ng 30 minuto. Ipinagpatuloy din namin ang pagpapahusay sa aming mga oras ng pagtugon para sa mga kahilingang hindi nagsasangkot ng napipintong banta sa buhay.
Paglulunsad ng mga bagong tool ng magulang: Kamakailan naming ipinakilala ang Family Center, ang aming unang in-app na tool ng magulang na makita ang isang listahan ng lahat ng mga taong nakikipag-ugnayan sa kanilang mga teen sa Snapchat. Kung ang isang magulang ay nakakita ng isang nakakabahala o hindi pamilyar na account, kabilang ang isa na pinaghihinalaan nilang sangkot sa aktibidad na may kaugnayan sa droga, madali at kumpidensyal nilang maiuulat ito sa aming mga Trust and Safety Team. Umaasa kaming makakatulong ang mga tool na ito na bigyang kapangyarihan ang mga magulang na simulan ang mahahalagang pag-uusap sa kanilang mga teen tungkol sa online na kaligtasan at ang kahalagahan ng pag-alam kung kanino sila nakikipag-ugnayan. Maaari kang magbasa ng higit pa tungkol sa Family Center, kabilang ang kung paano mag-sign up,dito.
Pag-streamline ng aming proseso ng pag-uulat: In-update namin ang aming proseso ng pag-uulat sa in-app upang bawasan ang bilang ng mga hakbang at magdagdag ng higit pang mga kategorya ng pag-uulat, kabilang ang isang kategorya para sa mga droga, upang makapag-ulat ang mga Snapchatter ng mapaminsalang nilalaman o mga account nang mas mabilis at tumpak. Bukod pa rito, bilang bahagi ng aming patuloy na pagtuon sa pagpapabuti ng aming mga transparency report na inilalathala namin dalawang beses sa isang taon, nagsimula kami kamakailan na hatiin ang mga droga sa sarili nitong kategorya upang makapagbigay nkami ng karagdagang detalye tungkol sa aming mga pagsisikap sa pagpapatupad.
Pagbibigay ng mga karagdagang pag-iingat para sa mga kabataan: Bagama't gusto naming maging ligtas ang Snapchat para sa lahat, mayroon kaming mga karagdagang proteksyon na inilalagay upang mas mahirap para sa mga kabataan na makontak ng mga taong hindi nila kakilala. Bilang default, ang mga Snapchatter na wala pang 18 taong gulang ay kailangang maging mutual friend bago sila makapagsimulang makipag-usap sa isa't-isa. Ang mga kabataan ay maaari lamang magpakita bilang isang iminungkahing kaibigan sa isa pang user kung marami silang magkaparehong kaibigan, at hindi namin sila pinapayagan na magkaroon ng mga pampublikong profile.
Direktang pagpapataas ng kabatiran sa mga Snapchatter:Bina-block namin ang mga resulta ng paghahanap para sa mga keyword at slang ng droga; kung hahanapin ng mga Snapchatter ang mga keyword na iyon, ididirekta namin sila sa nilalaman tungkol sa mga panganib ng fentanyl na ginawa ng mga ekspertong kasosyo sa pamamagitan ng aming nakatuong in-app na portal, na tinatawag na "Heads Up." Sa nakalipas na taon, patuloy kaming nagdaragdag ng mga bagong mapagkukunan mula sa mga nangungunang organisasyon tulad ng Song for Charle, ang Centers for Disese Control and Preventio (CDC), ang Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA), Community Anti-Drug Coalitions of America (CADCA), Truth Initiative, at ang SAFE Project. Mula nang ilunsad ang Heads Up, mahigit 2.5 milyong Snapchatter ang aktibong naihatid ang content mula sa mga organisasyong ito. Ang aming palabas sa balita, Good Luck America, na itinampok sa aming platform ng nilalaman ng Discover, ay nagtalaga rin ng isang espesyal na serye upang turuan ang mga Snapchatter tungkol sa fentanyl na napanood nang mahigit 900,000 beses.
Pagbabago ng aming Safety Advisory Board:Kamakailan ay itinayo namin ang aming Safety Advisory Board (SAB), na may layuning magdagdag ng mga miyembro na kumakatawan sa maraming heograpiya ng aming pandaigdigang komunidad, mga disiplinang nauugnay sa kaligtasan, at mga larangan ng kadalubhasaan. Kasama na ngayon sa aming bagong Board ang mga eksperto sa mga online na panganib, kabilang ang mga nakamamatay na gamot, ganun rin ang mga magulang at mga nakaligtas. Papayuhan tayo ng bagong board tungkol sa malawak na hanay ng mga isyu at magpupulong sa unang pagkakataon sa huling bahagi ng buwang ito. Maaari kang magbasa tungkol sa bagong SAB dito.
Habang nagsisimula ang kampanya ng Ad Council, patuloy kaming makikipagtulungan sa mga dalubhasang organisasyon upag bumuo ng mga karagdagang mapagkukunan para sa mga magulang tungko sa epidemya ng fentanyl, ang ugat na sanhi nito, at kung ano ang dapat abangan. At nananatili kaming lubos na nakatuon sa pagbuo sa aming gawaing pagpapatakbo at pang-edukasyon upang labanan ang krisis na ito, kapwa sa Snapchat at sa buong industriya ng tech.