Policy sa Monetization ng Creator
Nais naming i-reward ng pinansyal ang mga creator na patuloy na nagpu-publish ng mataas na kalidad na content sa Snapchat. Ang mga layunin ng programa sa monetization ng content ay ang:
Nararamdaman ng mga Snapchatter na sulit ang oras nila sa panonood ng iyong content, at
Ang mga advertiser ay sabik na iugnay ang kanilang mga brand sa iyong content.
Para maging eligible para sa monetization, ang content ay dapat sumunod sa mga patakaran sa pahinang ito, pati na rin sa aming:
Ang mga terms ng anumang kasunduan sa content sa pagitan mo at ng Snap, kung naaangkop.
Tip: Para makarating ang iyong content sa mas malawak na audience na lampas sa iyong mga follower, kailangang sumunod ito sa Content Guidelines para sa Recommendation Eligibility.
Naiiba ang mga patakaran sa monetization sa page na ito sa Patakaran sa Komersyal na Content, na ina-apply sa within-context advertising, hal. sponsored content.