Ayon sa bagong pananaliksik, mas marami pang kabataan ang nagsasalita pagkatapos makaranas ng online na panganib.
Nobyembre 13, 2025
Ayon sa bagong pananaliksik, nakikipag-ugnayan ang karamihan sa mga teenager sa kanilang mga magulang, kaibigan, kapatid, at iba pang pinagkakatiwalaang tao sa kanilang mga buhay pagkatapos nilang makaranas ng online na panganib—na isang napakapositibong pag-unlad. Ngunit ipinapakita rin ng mga natuklasang nananatiling hindi gaanong nagsasalita ang mga kabataan kapag nahaharap sa mas personal na hamon online, kabilang ang mga sekswal na panganib at pananakit sa sarili.
Pito sa 10 teenager (71%) na may edad na 13 hanggang sa 17 sa anim na bansa ang nagsabing humingi sila ng tulong o nakipag-usap sila sa isang tao pagkatapos nilang malantad sa isang online na panganib, gaya ng hindi gustong pakikipag-ugnayan o online na pambu-bully. Ikukumpara iyan sa 68% nagsabing nakipag-ugnayan sila pagkatapos ng isang online na insidente noong nakaraang taon, at pinakamababa sa 59% noong 2023. At, kapag ang pagkalantad sa panganib ay may kinalaman sa mga banta mula sa iba, gaya ng catfishing 1 at grooming 2, mas mataas na porsiyento ng mga teenager (84%) ang nagsabing nakipag-usap sila sa isang tao, 10 porsiyento ang itinaas nito mula noong 2024. Bilang karagdagan, halos siyam sa 10 magulang ng mga 13 hanggang sa 19 na taong gulang (88%) ang nagsabing direktang lumapit sa kanila ang kanilang mga teenager tungkol sa mga digital na hamon, mula sa 86% sa bawat isa sa naunang tatlong taon. Gayunpaman, kapag nahaharap sa mga sekswal na panganib, marahas na extremist na content, at pananakit sa sarili, mas kaunting teenager ang lumalapit sa kanilang mga magulang, kaya ang mga nasa hustong gulang mismo ang nakakatuklas sa mga ganitong uri ng problema ng mga teenager o nalalaman nila ito mula sa iba.
Ang mga natuklasan ay bahagi ng limang taong pag-aaral na isinasagawa ng Snap sa digital well-being sa Generation Z sa Australia, France, Germany, India, UK, at U.S. Nagpo-poll kami sa mga teenager (may edad na 13-17), mas batang nasa hustong gulang (may edad na 18-24), at mga magulang ng mga 13 hanggang sa 19 na taong gulang tungkol sa pagkalantad sa online na panganib ng mga kabataan. Isinagawa ang 2025 survey sa pagitan ng Abril 29 at Mayo 1, at mayroon itong 9,037 tagatugon sa tatlong demograpiko ng edad at anim na heograpiya. Ginagastusan ng Snap ang pananaliksik na ito kada taon, pero sinasasaklaw nito ang mga karanasan ng Gen Z sa lahat ng online na platform at serbisyo, nang walang partikular na pagtutuon sa Snapchat.
Inilalabas namin ang mga resultang ito kasabay ng World Kindness Day 2025 para hikayatin ang mga magulang, tagapag-alaga, at iba pang pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang na magsagawa ng mga regular at digital na pangungumusta sa mga Gen Z sa buhay ng mga ito. Magtanong tungkol sa mga online na kaibigan at aktibidad; magsimula ng mga pag-uusap na nagtatampok ng magagandang digital na gawi at kasanayan; tuklasin ang bago at interactive na online na kurso sa pag-aaral ng kaligtasan ng Snap, ang The Keys (Mga Susi); at, para tumulong na pangasiwaan ang mga online na aktibidad ng mga mas batang teenager, mag-sign up para sa Family Center ng Snapchat.
The Keys: Isang Gabay sa Digital na Kaligtasan
Inilunsad nitong Setyembre, ang The Keys ay isang interaktibo at online na programa sa pagkatuto ng kaligtasan na partikular na idinisenyo para sa mga teenager at kanilang mga magulang. Natatangi ang programa dahil hindi lang ito nagbibigay ng kamalayan, at tumutulong din ito sa mga teenager na bumuo ng mga praktikal na kasanayan sa pamamagitan ng pagharap sa ilan sa mga pinakamahirap na sitwasyong posible nilang makaharap online – gaya ng pambu-bully at pangha-harass, ipinagbabawal na aktibidad ng droga, mga hubad at malaswang imahe, at sekswal na pangingikil.
Ang aming layunin para sa The Keys ay hangga't maaari, maraming teenager ang mag-aral ng kurso at mangakong gumawa ng mga matalinong pasiya online para sa kanilang mga sarili at sa iba. Sa ideal na sitwasyon, pag-aaralan nila ang kurso kasama ang isang magulang, tagapag-alaga, o iba pang pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang para magsimula ng makabuluhang pag-uusap at talakayin ang ilang sensitibong isyu nang magkasama. Gusto naming tumulong na bigyan ang mga teenager ng kaalaman at mga kasanayan para makilala ang mga panganib at bigyan sila ng kumpiyansang kailangan nila para kumilos para tumulong na protektahan ang kanilang mga sarili. Matuto pa sa thekeys.snapchat.com.
Family Center
Ang Family Center ay ang hanay ng mga tool ng magulang ng Snapchat na nag-aalok sa mga magulang, tagapag-alaga, at iba pang pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang ng insight sa mga kaibigan at aktibidad ng kanilang mga teenager sa Snapchat, habang pinapanatiling pribado ang aktwal na mensahe ng mga teenager. Inilunsad noong 2022 ang Family Center at nagbibigay-daan ito sa mga magulang na makita kung sino ang mga kaibigan ng kanilang mga teenager sa Snapchat at kung sino ang kanilang nakakausap sa nakalipas na pitong araw, nang hindi ibinubunyag ang content ng mga mensahe ng bata. Ang isang pangunahing layunin ng Family Center ay ang balanse – ang pagbabalanse sa pangangailangan ng mga teenager para sa privacy sa kritikal na bahagi ng kanilang personal na pag-unlad, habang binibigyan ang mga magulang ng pananaw sa mga kaibigan ng Snapchat ng kanilang mga teenager at ang pagiging bago ng mga komunikasyon.
Magmula noong inilunsad ang Family Center, patuloy kaming nagdaragdag ng mga bagong feature at functionality kabilang ang kakayahan ng mga nasa hustong gulang na i-disable ang kakayahan ng mga teenager na makipag-ugnayan sa My AI, ang chatbot ng Snapchat sa pakikipag-usap; hilingin at tingnan ang lokasyon ng isang teenager sa Snap Map; at tingnan ang petsa at taon ng kapanganakang inilagay ng teenager noong nagparehistro siya para sa Snapchat. Binaba pa namin ang pinakamababang edad sa 18 para makipag-ugnayan ang isang nasa hustong gulang sa isang teenager sa Snapchat, na nagbibigay-daan sa mga mas nakatatandang kapatid, pinsan, at iba pang miyembro ng pamilya (na posibleng mas komportable sa Snapchat) para "protektahan ang teenager" sa app.
Mula sa World Kindness Day hanggang sa Safer Internet Day
Halos tatlong buwan na lang at ipagdiriwang na natin ang ika-22 anibersaryo ng pandaigdigang Safer Internet Day (SID). Sa SID 2026, ilalabas namin ang buong resulta ng aming 2025 na pag-aaral sa digital na well-being. Hanggang sa panahong iyon, hinihikayat namin ang mga teenager, magulang, at iba pang nasa hustong gulang na gamitin ang mga tool at mapagkukunang ibinibigay namin – sa app at online – para tumulong na magtaguyod ng pandaigdigang kultura ng online na kaligtasan, pagkamalikhain, at koneksyon sa Snapchat at sa mga digital na espasyo.
-Jacqueline Beauchere, Pandaigdigang Pinuno ng Kaligtasan sa Platform