Pagsuporta sa Gobyerno ng UK sa pambansang kampanya nito sa pagbabakuna
Hulyo 6, 2021
Pagsuporta sa Gobyerno ng UK sa pambansang kampanya nito sa pagbabakuna
Hulyo 6, 2021
Napakagandang ibahagi ang aming trabaho kasama ang gobyerno ng United Kingdom (UK) upang suportahan ang kampanya ng UK National Health Service (NHS) na ‘Ang Bawat Pagbabakuna ay Nagbibigay ng Pag-asa’.
Ang Snapchat ay umabot sa mahigit 90% ng 13 hanggang 24 taong gulang sa UK, at dahil ang aming komunidad ay gumaganap ng isang malaking bahagi ng buhay ng mga kabataan, mahalaga na ito ay isang mapagkukunan ng tumpak at mapagkakatiwalaang mga resources upang manatiling ligtas, malusog at may-alam.
Dahil available na ang COVID-19 na bakuna sa lahat ng nasa hustong gulang na higit 18 anyos sa UK, mahalaga para sa mga Snapchatter na magkaroon ng access sa mapagkakatiwalaan at tumpak na impormasyon Dahil doon, pinalawak namin ang "Nandito Para sa Iyo" - ang aming in-app para sa pangkaisipan na kalusugan at wellbeing na resource - nakatuon sa pinakabagong gabay tungkol sa Coronavirus na isasama ang mga ekspertong resource mula sa NHS tungkol sa bakuna.
Bilang karagdagan, naglunsan kami ng mga creative na tool sa pakikipagtulungan sa Pamahalaan ng UK - kabilang ang mga sticker, mga lens at filter - magagamit ng mga Snapchatter na nagbibigay-daan sa kanila na ibahagi ang pinakabagong gabay mula sa NHS at hikayatin ang mga Snapchatter na ibahagi ang kanilang status ng bakuna sa kanilang mga kaibigan at pamilya.
Panghuli, mula sa Snap Star account ni Prime Minister Boris Johnson, nagsumite ang mga Snapchatter ng mga tanong na sasagutin ng mga eksperto sa medikal na si Dr. Kiren Collison, ang interim Deputy Medical Director para sa Primary Care sa NHS England at Dr. Karen Raj, isang doktor sa NHS. Ang mga Q&A sesyon ay mapapanood sa profile ng Prime Minister.
Patuloy kaming naghahanap ng mga bagong paraan na maaari kaming makipagtulungan sa mga mapagkakatiwalaang kasosyo para makatulong sa pagsuporta sa kalusugan at wellbeing ng aming komunidad sa Snapchat.
Upang matuto ng higit tungkol sa bakuna sa U.K, pakisuyong bisitahin ang: www.nhs.uk/covidvaccine
- Stephen Collins, Sr. Direktor ng Public Policy