Ang Pinakabagong Transparency Report ng Snap
Hulyo 2, 2021
Ang Pinakabagong Transparency Report ng Snap
Hulyo 2, 2021
Sa Snap, ang aming layunin ay magdisenyo ng mga produkto at bumuo ng teknolohiya na nagpapalaki at sumusuporta sa mga tunay na pagkakaibigan sa isang malusog, ligtas at masaya na kapaligiran. Patuloy kaming nagtatrabaho para pagbutihin ang mga paraan namin para gawin iyon — mula sa aming mga polisiya a Mga Patnubay sa Komunidad, sa aming mga tool para makaiwas, matukoy at makapagpatupad laban sa nakapipinsalang content, sa mga inisyatibang makakatulong na turuan at bigyang kapangyarihan ang aming komunidad.
Nakatuon kami sa pagbibigay ng higit na katapatan tungkol sa paglaganap ng content na lumalabag sa aming mga patnubay, kung paano namin ipinatutupad ang aming mga polisiya, paano kami tumutugon sa mga kahilingan ng tagapagpatupad ng batas at gobyerno para sa impormasyon, at kung saan kami naglalayong magbigay ng higit pang kaalaman sa hinaharap. Naglilimbag kami ng mga ulat sa katapatan dalawang beses sa isang taon para magbigay ng kaalaman sa mga pagsisikap na ito, at nakatuon kami na gawing mas kumprehensibo at nakatutulong sa maraming stakeholder na lubos na nagpapahalaga sa kaligtasan at katapatan sa online.
Ngayon ilalalaba a namin ang aming transparency report para sa ikalawang bahagi ng 2020, saklaw ang ika-1 ng Hulyo hanggang ika-31 ng Disyembre ng taong iyon, na maari ninyong mabasa ng buo dito. Tulad ng aming mga nakaraang ulat, nagbabahagi ito ng data tungkol sa kabuuang bilang ng mga paglabag sa patakaran sa buong mundo sa panahong ito; ang bilang ng content at mga account-level na ulat na aming natanggap at ipinatupad laban sa mga partikular na kategorya ng mga paglabag; kung paano kami tumugon sa mga kahilingan mula sa tagapagpatupad ng batas at mga pamahalaan; at ang aming mga aksyon sa pagpapatupad ay pinaghiwa-hiwalay ayon sa bansa.
Bilang bahagi ng aming patuloy na trabaho para sa mas maigting na transparency, naglalaman ang ulat na ito ng ilang bagong mga elemento. Sa unang pagkakataon, ibinabahagi namin ang aming Violative View Rate (VVR), na katumbas ng lahat ng Snap (o mga view) na naglalaman ng content na lumabag sa aming mga tuntunin. Sa loob ng panahong ito, ang aming VVR ay nasa 0.08 porsiyente, na ang ibig sabihin ay sa bawat 10,000 na mga view sa Snap, walong contained content ang lumabag sa aming guidelines. Araw-araw, mahigit sa limang bilyong Snap ang nililikha gamit ang aming Snapchat camera. Noong ikalawang bahagi ng 2020,
Bukod pa rito, nalalabas ng bagong impormasyon ang aming ulat tungko sa aming