Ang Paraan ng Snapchat sa Pagpapanatili ng Kaligtasan ng Komunidad Sa panahon ng Paris 2024 Olympics at Paralympic Games
Ika-23 ng Hulyo 2024
Nangangako ngayong tag-araw na mapupuno ng enerhiya, pakikipagkaibigan, at mga di malilimutang sandali habang ipinagdiriwang natin ang diwa ng palakasan at pagkakaisa. Binabago ng Snapchat kung paano nararanasan, ipinagdiriwang, at pinapanood ng mga fans ang isports — nilalapit pa silang lalo sa mga Games, sa kanilang mga koponan, at sa kanilang paboritong mga atleta at manlalaro.
Sa Snap, ang aming misyon ay maghandog ng ligtas at masayang lugar kung saan malaya ang mga Snapchatters na ipahayag ang kanilag sarili, manatiling konektado sa kanilang mga totoong kaibigan, at magsaya nang magkasama sa pamamagitan ng nakakaengganyong content.
Ngayon, ibinabahagi namin kung paano kami nangangako na pamatilihin ang isang positibo at ligtas na espasyo para sa aming komunidad sa panahon ng Paris 2024 Olympics at Paralympics.
Privacy at Kaligtasan ayon sa Disenyo Noong una pa man, gumagawa na kami ng mga produkto na prayoridad ang privacy, kaligtasan, at kapakanan ng aming komunidad. Ang Snapchat ay isang alternatibo sa tradisyonal na social media—isang biswal na messaging app na tumutulong na mapaigting ang iyong relasyon sa iyong mga kaibigan, kapamilya, at sa mundo. Kaya direktang nagbubukas ang Snapchat sa isang camera, sa halip na sa isang content feed, at nakatuon sa pagkonekta sa mga taong magkaibigan na sa totoong buhay. Binibigyan ka ng kapangyarihan ng Snapchat na ipahayag ang iyong sarili at magsaya kasama ang mga kaibigan nang hindi pinipilit na magkaroon ng mga followers o makipagkumpitensya para sa mga likes.
Mga Alituntunin ng Komunidad Sinusuportahan ng ating mga Alituntunin ng Komunidad ang ating misyon sa pamamagitan ng paghihikayat ng malawak at iba't-ibang pamamaraan ng pagpapahayag ng sarili, habang nagsisikap na siguraduhing maaaming gamitin ng mga Snapchatters nang ligtas ang ating mga serbisyo araw-araw. Ang mga alituntuning ito ay sumasaklaw sa lahat ng nilalaman at sa lahat ng pakikitungo sa Snapchat — at sa lahat ng mga Snapchatters.
Proaktibong Pagbabantay sa Nilalaman. Sa kabuuan ng Snapchat, nililimitahan namin ang kakayahan para sa hindi na-moderate na content na maabot ang isang malaking audience at tinitiyak na sumusunod ito sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad at Mga Alituntunin sa Content para sa Pagiging Kwalipikado sa Rekomendasyon bago ito malawak na maipamahagi. Gumagamit kami ng kombinasyon ng mga awtomatikong kasangkapan at pagsusuri ng tao para bantayan ang aming public content surfaces (tulad ng Spotlight, Public Stories, at Maps) – kasama ang mga kasangkapan ng machine learning at dedikadong grupo ng mga totoong tao — para magrebyu ng mga content na maaring hindi angkop sa mga pampublikong post.
Ang aming in-app na gamit sa pag-uulat: Sa lahat ng aming mga surface ng produkto, maaaring mag-ulat ang Snapchatters ng mga account at content para sa mga potensyal na paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Ginagawa naming madali para sa Mga Snapchatter na mag-submit ng kumpidensyal na ulat direkta sa aming Trust at Safety Team, na sinanay para i-evaluate ang ulat; gumawa ng akmang aksyon ayon sa aming mga patakaran, at abisuhan ang nag-ulat na partido ng kinalabasan––karaniwan sa loob ng ilang oras. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-uulat ng mapaminsalang content o ugali, bisitahin ang rekursong ito sa aming Site ng Support. Pwede ka ring matuto nang higit pa tungkol sa mga pagsisikap na tukuyin at alisin ang mapaminsalang content, at i-promote ang kagalingan at kaligtasan sa Snapchat, dito.
Pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas: Nangangako ang Snap na makikipagtulungan sa mga alagad ng batas habang nirerespeto ang pribasidad at karapatan ng mga Snapchatter. Kapag nakatanggap na kami ng may bisang legal na kahilingan para sa mga record ng Snapchat account, tumutugon kami bilang pagsunod sa mga naaangkop na batas at kinakailangan sa privacy. Para sa karagdagang impormasyon maaring bisitahin ang aming Sentro ng Pribasidad at Kaligtasan.
Pakikipag-ugnayan sa mga eksperto ng industriya at NGO: Nakikipag-ugnayan kami sa mga eksperto ng industriya at mga Organisasyong di-pampamahalaan (NGO) para suportahan ang mga Snapchatter na nangangailangan at mabilis na makatugon sa anumang ulat ng cyberharassment, hate speech, at iba pang nakakapinsalang sitwasyon na ipinagbabawal sa Snapchat. Para sa karagdagan, mangyaring bisitahin ang aming Here For You (Nandito Para Sa Iyo) in-app portal o sa mga karagdagang rekurso sa ibaba.
Edukasyon at Suporta sa mga atleta: Nagbuo kami ng mga direktang linya para bigyang kaalaman ang mga atleta ukol sa kaligtasan online at mabilis na tugunan ay anumang masamang kilos na inulat ng mga atleta o sa ngalan nila.
Sa aming patuloy na pagsisikap na itaguyod ang kaligtasan, hinihikayat namin ang aming komunidad na gamitin ang mga sumusunod na mahahalagang mapagkukunan sa France:
Thésée: Naghahandog ng suporta laban sa mga scam sa internet.
018/E-Enfance: Nakatuon sa protekson ng mga menor de edad sa internet.
Ma Sécurité: Maari kang tulungan ng pulisya and gendarmeria sa iyong mga katangunan.
Pharos: Para iluat ang ilegal na content.
Call 15: Pang-emerhensiyang tulong sa oras ng napipintong panganib.
Nakatuon kaming gampanan ang aming bahagi upang matiyak na ang Snapchat ay isang lugar kung saan ligtas na maipagdiwang at makilahok ang mga tao sa Paris 2024 Olympic at Paralympic Games. Para sa karagdagang impormasyon sa aming diskarte sa kaligtasan, pakibisita ang aming Sentro ng Pribasidad, Kaligtasan, at Polisiya.