Snapchat, Privacy at Kaligtasan: Ang Mga Pangunahing Kaalaman
Abril 21, 2021

Maligayang Pagdating sa Safety & Impact Blog! Ako si Jen Stout, VP ng Public Policy, at nasasabik akong sundan ang introduksyon ni Evan ng post na ito ngayon na magpapalalim sa aming approach.
Dahil ang Snapchat ay talagang naiibang klase ng platform, kinikilala namin na maaaring maging mahirap itong kabisaduhin kung hindi mo pa ito nagagamit at wala kang planong gamitin ito (na ayos lang naman!). Sana makatulong ang blog na ito para sa kahit na sinong gustong mas maunawaan kung paano nararanasan ng mga kabataan ang aming produkto, o ang maraming stakeholder at advocate na gustong mas maunawaan kung paano namin hinaharap ang mahahalagang usapin kaugnay ng kaligtasan at tiwala.
Para sa amin, wala nang mas mahalaga pa sa kaligtasan ng ating komunidad sa Snapchat, at naniniwala kaming responsibilidad naming tulungan ang ating komunidad na malaman kung paano poprotektahan ang kanilang seguridad, privacy, at kapakanan sa tuwing ginagamit ang aming mga produkto. Mula noon, nagawa na namin ito sa pamamagitan ng online resources at mga pagsisikap para mag-educate sa loob ng app, at sa simula ng taong ito ay nagsimula ang mas malaganap na digital literacy campaign para madoble ang mga pagsisikap na ito. Mas nagpokus kami sa mas mahusay na pagsuporta sa mga Snapchatter, at gusto naming magpahusay sa pakikipag-usap sa kanilang support systems: sa mga magulang, kapamilya, mentor, at iba pang tao sa buhay na lubhang nag-aalala para sa kanila.
Para magsimula, tatalakayan namin ang higit pang detalye kung paanong naiiba ang disenyo ng Snapchat sa mga tradisyunal na social media platform. Kagaya ng binanggit ni Evan, ang aming layunin ay magdisenyo ng mga produkto at gumawa ng teknolohiyang magtataguyod at susuporta sa mga tunay na pagkakaibigan sa malusog, ligtas, at masayang kapaligiran. Ang layuning ito ang dahilan ng mga desisyong ginagawa namin kaugnay ng kung paano bubuuin at pagaganahin ang aming platform at paano kami gagawa ng mga bagong produkto, kung paano namin iniisip ang hinaharap at sa huli, kaugnay ng aming papel sa sektor ng teknolohiya.
Ang Arkitektura ng Snapchat
Gumagamit kami ng mga proseso sa pagbubuo ng produkto na nagsasaalang-alang sa privacy, kaligtasan, at mga etikal na implikasyon ng bagong feature sa unahan ng proseso ng pagdidisenyo -- at hindi kami naglalabas ng mga produktong hindi nakakapasa sa aming masinsing pagsusuri.
Wala kaming open newsfeed, kung saan pwedeng mag-broadcast ang kahit na sino ng hindi nasusuring content sa buong mundo. Sa katunayan, iba ang hitsura ng Snapchat kapag una mong sinubukan ang app dahil nagbubukas ito sa camera -- na isang blangkong canvas -- hindi isang feed na pwedeng i-scroll.
Hindi namin pinahihintulutang 'mag-viral' ang hindi pa nasusuring content sa Snapchat. Ang aming platform, ang Discover, ay nagtatampok lamang ng content mula sa mga kanais-nais na mga media publisher at content creator. Ang aming entertainment platform, ang Spotlight, ay proactive na pinapamahalaan gamit ang pagsusuri ng tao bago maabot ng content ng malawak na audience.
Sa Snapchat, limitado ang laki ng mga Group Chat. Hindi nadidiskubre ang mga Group na ito sa aming platform sa kahit na sinong hindi pa miyembro. Katulad ng mga 1:1 Chat, hindi ka pwedeng sumali sa isang Group Chat kung hindi pa kayo friends ng kahit isa sa isang Group.
Kaligtasan at Privacy
Walang mga public comment o browsable profile photos ang Snapchat -- isa ito sa mga paraan kung paano namin sinasadyang mas pahirapan ang mga hindi kilalang tao na maabot ang mga taong hindi nila dapat maabot sa app. Para tulungan ang mga Snapchatter, sa partikular iyong mga wala pang 18 taon, hindi namin sila pinahihintulutang gumawa ng Public Profiles, at kapag naghahanap ng bagong friends sa Snap, ipinakikita lamang namin ang bitmoji avatar at hindi ang aktwal na litrato ng user.
Palagi kaming humihingi ng two-way contact authentication bilang default bago ka makapagpadala ng chat sa iba pang user, dahil naniniwala kaming mutwal at ligtas ang pagkakaibigan. Hindi ito isang tao na sumusunod na lang sa isa, o sa ibang mga hindi kakilala na pumapasok sa ating mga buhay ng walang permiso o imbitasyon. Totoo rin ito sa iba pang features sa Snapchat tulad ng aming Snap Map -- hindi mo makikita ang kahit na sino sa Map at hindi ka nila makikita maliban kung magkaibigan kayo at malinaw ninyong pinili na ibahagi ang inyong lokasyon.
Nakapokus kami sa paggagawang private-by-default ang aming features, dahil katulad ng sa totoong buhay, sa palagay namin ay kailangang piliin ng mga indibidwal na user kung anong impormasyon ang gusto nilang ibahagi at kailan. Halimbawa, naka-off bilang default ang location-sharing para sa lahat ng user kapag una nilang ginamit ang aming Snap Map. May opsyon silang pagpasyahan kung ishe-share ito sa kanilang mga kaibigan -- pero hindi sa mga hindi kakilala.
Nagdidisenyo kami ng mga produkto sa layuning mangolekta ng mas kaunting data mula sa aming users at panatilihin ang data na iyon nang mas maiksing panahon - dahil bagama't kailangan ang advertising para pahintulutan kaming ibigay nang libre ang aming serbisyo, napag-alaman namin na mabibigyan namin ng halaga ang mga business partner habang iginagalang pa rin ang privacy ng pagkakaibigan ng mga tao at hindi ipinararamdam sa kanilang ginagawa naming paninda ang kanilang mga relasyon.
Nag-aalok kami ng mabibilis at madadaling paraan para direktang makapag-report ang mga user ng content na direktang ipinag-aalala o ikinababahala nila sa amin, gamit ang in-app tools, para makapag-imbestiga at makaaksyon ang aming dedikadong Trust and Safety team.
Ang Aming Guidelines at Enforcement
Mula unang araw, dinisenyo namin ang Snapchat para iwasan ang mga incentive para sa mga nais magkalat ng nakasasamang content. Matagal nang ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang pambu-bully, hate speech, at ang pagkakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng pinsala, kabilang ang mga conspiracy theory, hindi totoong medical claims, at pagsusumikap na lusutan ang mga legal na proseso.
Hindi namin pinalalampas ang maling paggamit ng aming platform at mayroon kaming nakalaang imprastruktura para mabisang idisenyo at ipatupad ang aming Guidelines. Simple lang ang paraan na ginagawa namin: kapag may nagtatangkang lumabag sa aming mga patakaran, inaalis lang namin ang content. Hindi namin nile-label ang nakakainsultong content o pinalalampas ang mga kilalang tao -- pantay na pinatutupad ang aming Guidelines sa lahat ng Snapchatter.
Kung ang lumalabag na content ay nagsasangkot ng kaligtasan ng mga menor-de-edad, inire-report namin ito sa National Center for Mission and Exploited Children (NCMEC) at mayroon kaming mga partikular na proseso para sa pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga ahensya ng tagapagpatupad ng batas.
Hindi ito nangangahulugang perpekto kami, at anumang app na nangangasiwa ng komunikasyon ay posibleng abusuhin. Kailangang tuluy-tuloy naming pahusayin ang aming tools at tactics upang mapanatili ang mapaunlad ang kaligtasan ng Snapchat. Patuloy naming pinag-iisipan ang mga panganib at kung paano namin mapapaunlad ang aming mga kakayahan at kasanayan sa tech para mas maprotektahan ang aming komunidad. Bilang bahagi ng mga pagsisikap na ito, regular kaming humihingi ng gabay mula sa mga eksperto ng seguridad, intelihensya, at kaligtasan tungkol sa mga paraan kung paano kami mananatiling nauuna sa masasamang loob. Plano naming higit pang magpalalim sa marami sa mga paksang ito sa blog na ito, para maunawaan mo kung paano namin pinag-iisipan ang mga problemang ito at pinagsisikapang malutas ang mga ito.
Bilang magulang, marami akong iginugugol na oras sa pakikipag-usap tungkol dito sa mga anak ko, sa mga kaibigan kong nahihirapan sa papel ng teknolohiya at platforms sa buhay ng mga anak nila, at sa maraming stakeholder na kinakausap namin bilang bahagi ng trabaho namin sa Snap. Nawa'y makapagbigay ang post na ito ng kaalaman sa ilang basics, at mahikayat ang mga magulang at kapamilya na tingnan din ang aming Parents Guide para sa detalyadong paliwanag tungkol sa bawat isa sa aming mga produkto, at mga karagdagang sanggunian para matulungan ang mga Snapchatter na kumonekta sa isang malusog, ligtas, at masayang kapaligiran.
Jen