Nagsagawa ang Snap ng Brussels NGO Roundtable tungkol sa Kaligtasan

Marso 5, 2024

Noong nakaraang linggo, nagpa-host ang Snap ng roundtable sa Brussels ng 32 kinatawan mula sa mga non-governmental organization (NGOs) para sa kaligtasan ng bata at mga digital na karapatan para i-share ang aming natatanging approach sa kaligtasan sa Snapchat at para marinig ang kanilang feedback para sa tuloy-tuloy na pagpapahusay. 

Kasabay ng aming paglahok sa pinakahuling Ministerial Meeting ng EU Internet Forum (EUIF), at kasama ng aking mga colleague sa Europe, nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na magsalita sa harap ng kagalang-galang na grupong ito. Gusto kong pasalamatan ang mga taong dumalo para makilahok at magbahagi ng kanilang mahahalagang pananaw.

Mahalaga sa Snap ang pagprotekta sa mga teenager at lahat ng miyembro ng aming komunidad. Sa aming pagpupulong, ibinalangkas namin ang masaklaw na pilosopiya sa kaligtasan, ang aming matagal na pagsunod sa mga Safety-by-Design product development process, at mga kasalukuyang pagsisikap para magsagawa ng pananaliksik at bumuo ng mga feature, functionality, tool, at resource na nakakatulong na protektahan ang mga Snapchatter sa buong mundo.

Ipinakita namin ang aming bagong “Less social media, more Snapchat” campaign, na nagdedetalye kung paano idinisenyo ang Snapchat, mula sa simula, bilang alternatibo sa tradisyunal na social media. Binalikan namin ang aming pinakabagong six-country Digital Well-Being Index at pananaliksik, at tinalakay ang Family Center, ang aming lumalaking suite ng mga in-app tool para sa magulang at tagapangalaga. Dahil napakaraming NGO ang nakatuon sa iba't ibang dimensiyon ng child sexual exploitation and abuse (CSEA), na-highlight din namin kung paano—sa pamamagitan ng mga proactive at responsive na hakbang—nilalabanan ng Snap ang ganitong mga kasuklam-suklam na krimen araw-araw. Kung gayon, sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagsisikap, inalis ng aming mga Trust and Safety team ang halos 1.6 milyong content na lumalabag sa CSEA content noong nakaraang taon, nag-disable ng mga account, at nag-report ng mga lumalabag sa U.S. National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC). Kinuha rin ang aming Snap team ang iba pang ideya at opinyon para lalo pang mapasimple at mapaganda ang aming karanasan sa support, mag-communicate sa app gamit ang wikang mas mauunawaan ng mga teenager, at isaalang-alang ang ilang partikular na opt-in feature para sa mga mas nakakatandang teenager at young adult.

Muling na-highlight ng talakayang ito ang kasalukuyang challenge sa seguridad para sa lahat ng pandaigdigang stakeholder: pagtiyak sa edad at pag-verify ng edad. Para ipagpatuloy ang talakayan, umaasa kaming makapagsagawa ng mga katulad na event sa Brussels at nagpaplano ng partikular na follow-up tungkol sa mga paksang ito. Gusto rin naming palawakin ang programa para masaklaw ang iba pang kapital sa Europe at malalaking kapital sa ibang bansa. 

Sa buong tech ecosystem, marami kaming puwedeng i-share at matutunan mula sa isa't isa, at handa kaming palakihin ang hanay ng aming mga partner at collaborator, lahat para sa kaligtasan sa Snap.

— Jacqueline Beauchere, Global Head of Platform Safety

Bumalik sa Mga Balita