Snap Values

Patuloy ang Snapchat sa Pakikipagtulungan sa mga Tagapagpatupad ng Batas sa Ika-4 na Taunang Summit

Disyembre 18, 2024

Noong Disyembre 11, ginanap namin ang aming ika-apat na taunang U.S. Law Enforcement Summit, na pinagsama-sama ang libu-libong lokal, estado, at federal na opisyal ng pagpapatupad ng batas mula sa buong bansa upang mas matutunan kung paano sinusuportahan ng Snap ang mga imbestigasyon at paano nito pinananatiling ligtas ang mga Snapchatter. Mahigit 6500 na miyembro ng komunidad ng pagpapatupad ng batas sa U.S. ang nagparehistro para sa kapaganapan.

Sinimulan ng aming CEO, si Evan Spiegel, ang kaganapan sa pagkilala sa mahalagang misyon ng komunidad ng pagpapatupad ng batas sa U.S., pagpapahayag ng dedikasyon ng Snap sa pakikipagtulungan, at pagbabahagi ng kanyang pananaw para sa Snapchat.    

Sa loob ng dalawang oras na summit, nakatuon kami sa pagbabahagi ng mga operational tool at mapagkukunan na maaaring gamitin ng mga tagapagpatupad ng batas upang maprotektahan ang ating komunidad. Tinalakay ng mga miyembro ng Snap team ang: 1) mga mapagkukunan at proseso na mayroon kami, 2) mga pagbabago sa produkto na ginawa namin noong 2024 upang gawing mas ligtas ang Snapchat, at 3) ang aming pakikipag-ugnayan sa iba't ibang sektor. 

Sa pamamagitan ng summit, layunin naming maabot ang pinakamalawak na bahagi ng komunidad ng pagpapatupad ng batas sa U.S., magtaguyod ng bagong ugnayan, at magbigay ng praktikal na impormasyon tungkol sa aming mga polisiya, proseso, at mga tool para sa kaligtasan.  

Ang Aming Safety Operations Teams 

Ipinakilala namin sa mga kalahok ang ilang mga miyembro ng team at mga mapagkukunan na mayroon kami upang matulungang protektahan ang aming komunidad. Kasama sa aming Safety Operations team ang Trust and Safety at Law Enforcement Operations, na parehong nakikipag-ugnayan sa mga tagapagpatupad ng batas at tumutugon sa mga report ng alalahaning pangkaligtasan mula sa mga Snapchatter at third-party na mga reporter. 

Ang Trust and Safety team — na kinabibilangan ng dating mga miyembro ng tagapagpatupad ng batas, gobyerno, at National Center for Missing and Exploited Children — ay nakatuon sa pagpigil at pagtanggal ng mga masasamang aktor sa Snapchat sa pamamagitan ng pagiimbestiga ng mga report at paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng machine learning upang maagap na matukoy ang ilegal na content.

Ang Law Enforcement Operations team, na kilala rin bilang LEO, ang team na pinakamalapit na nakikipag-ugnayan sa mga tagapagpatupad ng batas. Ang LEO ay nakatuon sa pagtuon sa mga legal na kahilingan mula sa mga tagapagpatupad ng batas, pagbibigay ng data sa mga tagapagpatupad ng batas sa mga sitwasyong pang-emergency, at pangkalahatang pakikipag-ugnayan at pagsagot sa mga tanong mula sa mga tagapagpatupad ng batas tungkol sa kaligtasan sa Snapchat. 

Ang Safety Operations ng Snapchat ay nagtatrabaho 24/7 kasama ang mga miyembro ng team na nakabase sa buong mundo. Sa nakalipas na limang taon, ang aming Law Enforcement Operations team ay dumoble, at ang aming Trust and Safety team ay lumago ng halos 150% upang mapabilis ang aming pagtugon sa mga pangangailangan ng aming komunidad.  

Bagong mga feature para sa kaligtasan 

Bagama't mayroon kaming malalakas na proteksyon na nakapaloob, patuloy kaming naghahanap ng mga bagong paraan upang gawing mas ligtas ang aming platform. Ginagawa na naming pribado ang aming mga friend list upang mabawasan ang social pressure. Hindi namin pinapayagan ang sinuman na makatanggap ng mensahe mula sa mga taong hindi pa nila idinagdag bilang kaibigan o hindi kasama sa mga kanilang phone contact. At ang mga pangunahing privacy setting, kabilang ang pagbabahagi ng lokasyon, ay naka-set sa pinakamahigpit na pamantayan bilang default. 

Ngayong taon, naglunsad kami ng karagdagang proteksyon para sa mga tinedyer, na aming itinampok sa summit. Pinahusay namin ang mga blocking tool at in-app warnings upang gawing mas mahirap para sa mga estranghero na makipag-ugnayan sa mga tinedyer. Ang aming mga in-app warnings ngayon ay naglalaman ng mga bagong at advanced na signals. Halimbawa, maaaring makakita ang mga tinedyer ng warning message kung makakatanggap sila ng chat mula sa isang tao na nai-block o na-report ng iba, o mula sa isang rehiyon kung saan hindi karaniwang matatagpuan ang network ng tinedyer.

Inanunsyo rin namin ang mga bagong feature sa pagbabahagi ng lokasyon sa Family Center, ang in-app hub ng Snapchat na nag-aalok ng mga tool at mapagkukunan para sa mga magulang. Kasama ng iba pang mga update, maaari na ngayong hilingin ng mga magulang sa kanilang mga tinedyer na ibahagi ang kanilang lokasyon sa Snap Map.

Mga Pakikipagtulungan

Bilang karagdagan sa pakikipagtulungan sa mga tagapagpatupad ng batas, naniniwala kami na ang isang multi-sector, partnership-based na approach ay isang epektibong paraan upang mapanatiling ligtas at may impormasyon ang mga Snapchatter. Sa summit tinalakay namin ang aming mga pakikipagtulungan sa Safe and Sound Schools upang bumuo ng educator toolkit at sa Department of Homeland Security para sa kanilang "Know2Protect" campaign upang matulungan ang mga tinedyer na magkaroon ng kamalayan tungkol sa kaligtasan online. Umaasa kami na magpatuloy ang aming pagtutulungan sa mga cross-sector partner upang magturo at protektahan ang aming komunidad.

Tumingin kami sa hinaharap ng 2025, at alam namin na mas marami pang trabaho ang naghihintay. Ang aming pasasalamat sa mga kalahok ng summit para sa kanilang aktibong pakikilahok at pakikisalamuha habang patuloy naming binubuo ang isang produktibong relasyon sa mga tagapagpatupad ng batas sa buong mundo upang protektahan ang aming komunidad. 

– Rachel Hochhauser, Pinuno ng Safety Operations Outreach

Bumalik sa Mga Balita