Nakasulat na Senate Congressional Testimony ni Evan Spiegel

Enero 31, 2024

Ngayong araw, sasamahan ng ating co-founder at CEO Evan Spiegel ang iba pang tech paltform para mag-testify sa United States Senate Committee on the Judiciary. Puwede mong basahin ang buong nakasulat na testimony ni Evan sa ibaba na isinumite nang maaga sa Committee.

***

Chairman Durbin, Ranking Member Graham, at sa mga miyembro ng Commitee na ito, salamat sa pag-imbita sa akin na dumalo ngayon para i-update kayo sa aming mga pagsisikap para protektahan ang kabataan sa Snapchat. Ako si Evan Spiegel, ang co-founder at CEO ng Snap. Ginagamit ang aming serbisyo, ang Snapchat, ng mahigit 100 milyong American, kasama ang mahigit 20 milyong teenager, para makipag-ugnayan sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Mayroon kaming malaking responsibilidad na panatilihing ligtas ang aming komunidad.

Alam namin na sa laki at lawak ng bilang ng gumagamit ng Snapchat, susubukan ng masasamang tao na abusuhan ang aming serbisyo at sasamantalahin ang aming komunidad. Ito ang dahilan kung bakit patuloy naming pinapahusay ang aming mga pangkaligtasang tool at nag-i-invest sa pagprotekta sa aming komunidad laban sa patuloy na nagbabagong anyo ng banta. Moral naming responsiilidad at napakahalaga sa aming negosyo ang pagprotekta sa mga Snapchatter. Gusto kong mag-share pa tungkol sa ilan sa pinakamalalaking banta na sinisikap naming labanan, pero usto ko munang magbigay ng kaunting background tungkol sa aming serbisyo dahil ito ang unang pagkakataon na humarap ako sa Committee na ito.

Kasama ang co-founder ko na si Bobby Murphy, binuo namin ang Snapchat noong 2011, dahil gusto naming gumawa ng kakaiba. Lumaki kaming naka-expose sa social media at hindi maganda ang pakiramdam namin tungkol dito—isang pampubliko at permanenteng popularity content na puno ng tuloy-tuloy na panghuhusga sa kapwa. Para sa mga perpektong larawan ang Social media, sa halip na magpakita ng mga pang-araw-araw na sandali na pinaniniwalaan naming nakakapagpatatag ng pagkakaibigan. 

Ginawa namin ang Snapchat para makapagbigay ng isang bagong paraan para makipag-ugnayan sa mga kaibigan at kapamilya, para mnag-share ng mga sandali, habang nasa sandaling iyon, at tulungan ang mga tao na maramdamang nagkakasama-sama sila kahit nila pisikal silang magkakalayo. Sa average, ginugugol ng mga tao ang karamihan ng kanilang oras sa Snapchat para makipag-usap sa kanilang mga kaibigan. Idinisenyo namin ang Snapchat para magbukas agad sa camera, sa halip na sa isang content feed, para hikayatin ang pagiging malikhain sa halip na passive consumption. Kapag ibinabahagi ng mga tao ang kanilang Story sa kanilang mga kaibigan sa Snapchat, walang pampublikong pagla-like o pagkokomento. 

Dahil panandalian lang at default na dine-delete ang mga mensahe, parang isa lang tawag sa telepono o face-to-face na pag-uusap ang Snapchat na hindi nire-record o hindi panghabambuhay na sine-save. Nakatulong ito sa milyon-milyong Amerikano na maging mas komportable sa pagpapahayag ng kanilang mga sarili at pagbabahagi sa kanilang mga kaibigan at kapamilya kung ano talaga ang kanilang nararamdaman. Kapag nag-sign up ang mga tao sa Snapchat, malinaw naming inihahayag na kahit pa default na dine-delete ang mga chat, madaling i-save ang mga message o puwede itong i-screenshot ng recepient. 

Kapag gumagawa kami ng mga bagong feature, nagsasagawa kami ng mga business trade-off para makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa aming komunidad at tulungang mapanatiling ligtas ang Snapchat. Halimbawa, nang ginawa namin ang aming content service, napagdesisyunan namin na proactive na kontrolin ang content bago pa ito maibahagi sa marami para pigilan ang pagkalat ng mapaminsalang content. Binabayaran din namin ang mga media publisher at creator ng bahagi ng aming kita bigyan sila ng incentive sa paggawa ng content na nakakaaliw at naaayos sa aming guidelines sa content. 

Idinisenyo namin ang aming serbisyo kung saan kailangang naka-opt in ang komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan. Ibig sabihin, kailangang proactive na piliin ng mga tao kung kanino sila makikipag-ugnayan, hindi kagaya ng text messaging, kung saan puwedeng magpadala ng message ang kahit na sino sa ibang tao kung alam nila phone number nito. Pribado ang listahan ng Friends sa Snapchat, na binabawasan ang social pressure pero nililimitahan din ang kakayahan ng mga predator na mahanap ang mga kaibigan ng isang tao sa Snapchat.

Gusto naming maging ligtas para sa lahat ang Snapchat, at nag-aalok kami ng mga karagdagang proteksyon para sa mga menoe-de-edad para tumulong na pigilan ang hindi gustong pakikipag-ugnayan at makapagbigay ng karanasan angkop sa edad. Naka-set lang sa friends at phone contacts ang default na settings ng "Makipag-ugnayan sa Akin, at hindi ito puwedeng i-expand. Kapag nakatanggap ng isang friend request ang isang menor-de-edad mula sa isang taong na wala siyang ka-mutual friend, nagbibigay kami ng babala bago simula ang kanilang pakikipag-ugnayan para matiyak na kakilala nila ito. Bilang resulta, tinatayang 90% ng mga friend request na natatanggap ng mga menor-de-edad sa Snapchat ay mula sa isang taong mayroon silang kahit 1 ka-mutual friend. Hangarin namin gawing hindi madali hangga't maaari sa mga tao na makaugnayan ng isang taong hindi talaga nila kakilala.

Hinihikayat namin ang mga Snapchatter na i-report ang mga hindi gustong pakikipag-ugnayan o paglabag sa content, at bina-block namin ang mga lumalabag na account. Para sa mga taong walang Snapchat account pero gustong mag-report, nag-aalok din kami ng mga reporting tool sa aming website. Kumpidensyal ang lahat ng report at nagtatrabaho ang aming Trust and Safety team 24 oras kada araw, pitong araw kada linggo, sa buong mundo para i-review ang bawat report at tuloy-tuloy na ipatupad ang aming mga tuntunin.

Kapag gumagawa kami ng aksyon sa mga ilegal o posibleng mapaminsalang content, itinatago namin ang ebidensya sa loob ng mas mahabang panahon. na pinapayagan kaming suportahan ang mga nagpapatupad ng batas sa kanilang mga imbestigasyon. Proactive din naming ine-escalate sa nagpapatupad ng batas ang anumang content na mukhang nagsasangkot ng napipintong panganib ng pagkamatay o lubhang pisikal na pinsala at karaniwang tumutugon sa mga request para sa pagbubunyag ng emergency data sa loob ng 30 minuto. Gusto naming maparusahan ng batas ang mga kriminal na umaabuso sa Snapchat.

May tatlong pangungahing bansa sa aming komunidad na sinisikap namin alisin sa aing serbisyo: pangingikil, pagpapakalat ng material kaugnay ng sekswal na pang-aabuso ng bata, at ipinagbabawal na gamot.

Ang una ay ang nakakabahalang pagdami ng financially-motivated sextortion, isang anyo ng blackmail kung saan nagpapanggal ang mga kriminal na isang posibleng maging karelasyon at kinukumbinsi ang mga biktima na padalhan sila ng maseselang larawan. Pagkatapos at magbabanta ang masasamang taong ito na ipakalat ang mga larawan at humingi ng bayad, na madalas ay mga gift card, na puwedeng kunan ng litrato at i-share sa chat. Marami sa mga ito ay kaso kung saan ang sangkot na predator ay nasa labas ng United States, kung saan nagiging mas mahirap ang pagpapatupad ng batas gamit ang legal na proseso. 

Bilang tugon sa lumalaking krisis na ito. gumawa kami ng mg bagong tool para proactive na matukoy ang masasamang taong ito sa aming serbisyo at humanap ng paraan na mamagitan bago mapunta ang chat sa extortion. Kapag ni-report sa amin ng aming komunidad ang pagnha-harass o sekswal na content, mabilis na umaaksyon ang aming team na karaniwang umaaksyon sa loob ng 15 minuto. 

Pangalawa, tinutukoy rin namin ang mga kriminal na naghahangad na muling mambiktima ng mga bata na dati nang nakaranas ng sekswal na pang-aabuso sa pamamagitan ng pagbabahagi sa aming serbisyo ng mga larawan at video ng pang-aabuso. Sina-scan namin ang mga na-upload na larawan at video sa Snapchat para sa mga natukoy na material kaugnay ng sekswal na pang-aabuso ng bata at nire-report ito sa National Center for Missing and Exploited Children. Noong 2023, mayroon kaming 690,000 report na nagdulot ng mahigit sa 1,000 pag-aresto. Hindi namin inaasahan ang pagpapatupad ng encryption sa paraang mapipigilan kaming mag-scan ng mga na-upload para sa mga natukoy na larawan kaugnay ng sekswal na pang-aabuso ng bata.

Pangatlo ay ang kasalukuyan at nakakapinsalang fentanyl epidemic na sumira sa buhay ng mahigit 100,000 American noong nakaraang taon. Determinado kaming tanggalin sa aming serbisyo ang drug dealer at content na nauugnay sa drugs. Proactive naming sina-scan ang aming serbisyo para matukoy ang content kaugnay ng ilegal na drugs, i-disable ang mga account ng mga drug dealer, at i-ban ang kanilang mga device sa pag-access sa aming serbisyo, itago ang ebidensya, at i-report ang mga ito sa mga nagpapatupad ng batas, kasama na ang Drug Enforcement Administration. Noong 2023, inalis namin ang mahigit sa 2.2 milyong content na nauugnay sa drugs, na-disable ang 705,000 account na nauugnay rito, at na-block sa paggamit ng Snapchat ang mga device na nauugnay sa mga account na iyon. 

Bina-block namin ang search terms na nauugnay sa drugs at nire-redirect ang mga taong naghahanp ng drugs sa mga educational material sa aming serbisyo. Nagsusulot ng isang natatanging banta ang Fentanyl, dahil talaga namang nakamamatay ito at pinagsama-sama ang halos lahat ng uri ng drugs at mga counterfeit pill na available sa kalsada. Iyon ang dahilan kaya naniniwala kaming napakahalaga ng edukasyon at nag-invest kami sa mga pampublikong awareness campaign, gaya ng One Pill Can Kill, na nakita nang mahigit 260 milyong beses sa Snapchat, at sa Real Deal on Fentanyl ng Ad Council para bigyang kaalaman ang aming komunidad tungkol sa mga panganib na dulot ng mga counterfeit pill.

Dagdag pa sa mga kontrol ng magulang na available bilang bahagi ng mga operating system ng iOS at Android, sinikap din namin mabigyan ng kakayahan ang mga magulang sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba pang tool para tulungan para pangasiwaan kung paano ginagamit ng kanilang mga teenager. Puwedeng gamitin ng mga magulang ang Family Center para tingnan ang listahan ng mga tao na nakikipag-ugnayan sa kanilang teenager gamit ang aming serbisyo. Katulad ito ng sa palagay namin ay paraan ng pagsubaybay ng mga magulang sa mga aktibidad ng kanilang mga teenager sa totoong buhay—kung saan gustong malaman ng mga magulang kung sino ang nakakasama ng kanilang mga teenager pero hindi kailangang makinig sa bawat pribadong chat. Dahil sa Family Center, nagagawa ring i-review ng mga magulang ang mga setting ng privacy at mag-set ng mga kontrol sa content.

Umaasa akong kinakatawan ng pagdinig na ito ang oportunidad na magsulong ng mahahalang batas gaya ng Kids Online Safety Act at Cooper Davis Act. Sinusuportahan namin ang legislation na ito, hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa, at sinisikap naming matiyak na nakakatugon ang aming serbisyo sa mga kinakailangan ng batas bago pa naging pormal at legal na pananagutan. Kasama rito ang paglilimita sa kung sino ang puwedeng makipag-ugnayan sa mga teenager—mula sa mga kaibigan at contact lamang, na nag-aalok ng mga in-app na parental tool, habang proactive na tinutukoy at inaalis ang mapaminsalang content, at pag-refer ng content kaugnay ng nakamamatay na drug sa nagpapatupad ng batas. Patuloy kaming nakikipagtulungan sa Committee on the Stop CSAM Act, na pinaniniwalaan naming kumakatawan sa pambihirang progress tungkol sa pag-aalis ng sekswal na pananamanta ng bata sa mga online na serbisyo.. 

Marami sa mga pinakamalaki at pinaka-succesful na Internet company ngayon ay nagsimula rito sa United States of America, at kailangan nating magdulot ng hindi lang techical innovation kundi pati na rin sa smart regulation. Ito ang dahilan kaya sinusuportahan namin ang isang komprehensibong federal privacy bill na poprotekta sa data privacy ng lahat ng American at gagawa ng tuloy-tuloy na mga pamantayan sa privacy para sa lahat ng online na serbisyo.

Gusto kong kunin ang oportunidad na ito na ihayag ang aming lubos na pasasalamat sa lahat ng pambihirang partner at collaborator na nakasama namin sa buong industriya, sa pamahalaan, at sa mga nonprofit at NGO, na katulad natin ang hangaring mapanating ligtas ang aming komunidad, lalo na ang kabataan. Partikular kaming nagpapasalamat sa nagpapatupad ng batas at sa mga first responder na mahalaga sa ganitong mga pagsisikap. Para maging maikli at ayaw kong may hindi mabangit, hindi ko babangitin ang lahat nang paisa-isa, pero tanggapin niyo sana ang aming marubdob na pasasamalat at pagkilala. 

Patuloy naming naririnig sa aming komunidad na masaya silang gamitin ang Snapchat at alam naming mahalaga para sa mental health at kapakanan ng isang tao ang pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at kapamilya. Kamakailan kaming nag-commission ng research mula sa National Opinion Research Center sa University of Chicago kung saan nalaman namin na nagre-report ang mga respondent na gumagamit ng Snapchat ng mas mataas na satisfaction sa kalidad ng kanilang pagkakaibigan at ugnayan sa pamilya kaysa sa mga hindi Snapchatter. Dahil sa matindi naming kagustuhan na gumawa ng positibong impact sa mundo, namo-motivate kami araw-araw na siguraduhing ginagamit ang aming serbisyo sa isang ligtas at malusog na paraan. 

HIgit pa, naniniwala kaming dapat na mas ligtas ang online interaction kaysa sa offline interaction. Bagama't kinikilala namin na posibleng virtually impossible an alisin ang lahat ng panganib na sangkot sa paggamit ng mga online na serbisyo, determinado kaming gawn ang lahat ng aming makakaya para maging kinatawan ng komunidad ng Snapchat. Kinakatawan ng kabataan ang kinabukasan ng ating bansa at kailangan nating magtulungan para protektahan sila. 

Salamat.

Bumalik sa Mga Balita