Bagong Research: Tumaas ang bilang ng Online risk exposure noong 2024, gayundin ang mga Gen Z na humihingi ng tulong
Pebrero 10, 2025
Naging mas mapanganib ang online environment para sa Generation Z noong 2024, kung saan walo sa 10 teenager at young adult ang nag-report ng pagka-expose sa hindi bababa sa isang online risk. Nakakahikayat pa rin, sa kabila ng pagtaas ng risk exposure, maraming teenager ang nagsasabi na humingi sila ng tulong pagkatapos makaranas ng digital issue at maraming magulang ang nag-report na kinumusta ang kanilang mga teenager para tulungan silang mas ma-navigate ng mabuti ang mga online na experience. Pinagsama ang mga factor na ito para mapataas ang Snap Inc.'s Digital Well-being Index (DWBI) sa 63 sa Taong 3, na tumaas nang isang porsyento mula sa 62 sa Taong 1 at 2.
Walong porsyento ng mga kabataang edad 13 hanggang 24 na taong gulang sa anim na bansa ang nagsabi na naranasan nila ang online risk noong 2024, tumaas nang hanggang limang porsyento mula sa unang survey noong 2022. Panlilinlang ang karaniwan sa mga mapanganib na sitwasyon na ito na may 59% ng mga Gen Z na respondent ang nagsabing nakipag-ugnayan sila sa isang tao online na nagsinungaling tungkol sa kanilang pagkakakilanlan. (Iniutos ng Snap ang research, ngunit sinasaklaw nito ang mga karanasan ng mga Gen Z teenager at young adult sa lahat ng online platform at mga serbisyo na walang particular na focus sa Snapchat.)
"Nakakalungkot at minsan ay nakakapanlumo na ang sinuman — lalo na ang mga kabataan — ay kailangang maranasan ang panlilinlang at mga scam," ayon kay ConnectSafely CEO Larry Magid. "Sa kasamaang-palad, ito ang realidad para sa maraming tao sa email, mga text message, chat, social media at iba pang online experience. Pinatitibay nito ang pangangailangan para sa lahat ng stakeholder na pagbutihin ang kanilang hakbang pagdating sa edukasyon para palakasin ang media literacy at mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip pati na rin ang pinahusay na teknolohiya at makabuluhang batas para tulungang protektahan ang lahat ng user."
Ikinagagalak ng Snap na makasama ang ConnectSafely, ang opisyal na organizer ng Safer Internet Day (SID) sa U.S., sa pambansang kaganapan ngayong taon na nagdiriwang ng 21 taong anibersaryo ng SID kung saan ibabahagi namin ang ilan sa aming pinakahuling natuklasan sa research. Ipinagdiriwang sa higit 100 bansa, layunin ng SID na bigyang kapangyarihan ang mga kabataan at nasa hustong gulang na responsableng gamitin ang teknolohiya nang may paggalang, kritikal na pag-iisip, at malikhain. Sa nakalipas na tatlong taon, gumawa kami ng cross-platform na research tungkol sa digital well-being at inilabas ang buong resulta bilang patuloy na kontribusyon ng Snap sa SID. Nakakatulong ang mga resulta na ipaalam ang kabuuang ecosystem ng teknolohiya at nakadaragdag sa batayang ebidensiya na tumutulong sa ating lahat na lumikha at magtaguyod ng mas ligtas, mas healthy at mas positibong digital experience para sa lahat.
Ilang nakakahikayat na trend
Nakakapagbigay kumpiyansa, ipinapakita ng pinakahuling resulta na noong nakaraang taon, maraming Gen Z (kumpara sa mga nakalipas na taon) ang nagsabi na nakipag-usap sila sa isang tao o humingi ng tulong pagkatapos na makaranas ng online risk. Mahigit sa anim sa bawat 10 (59%) mga may edad 13-hanggang-24 ang nag-report na humihingi ng tulong, tumaas ng siyam na porsiyento mula noong 2023. Katulad nito, mahigit kalahati (51%) ng mga magulang ng 13 hanggang 19 taong gulang ang nagsabi na active silang nagche-check ng kanilang mga teenager tungkol sa buhay online, na tumaas din ng siyam na porsiyento mula Year 2. Samantala, bahagyang mas maraming magulang (45% v. 43% sa Year 2) ang nagsabi na pinagkakatiwalaan nila ang kanilang mga teenager na responsableng kumilos online at hindi kailangang active silang i-monitor.
Isa pang positibong resulta ang nagpakita na patuloy na lumaki ang "mga support asset" sa mga kabataan sa nakalipas na taon. Tinutukoy ang mga support asset bilang mga tao sa buhay ng isang kabataan, sa bahay, paaralan o sa komunidad man, na maaaring kausapin ng mga Gen Z tungkol sa mga problema, na makikinig sa kanila at maniniwala na magtatagumpay sila. Hindi nakakagulat, patuloy na ipinapakita ng research na mas nae-enjoy ng mga kabataan na may mataas na bilang ng mga support asset na available ang mas masiglang digital well-being. Kaya kailangan nating lahat na gawin ang ating bahagi para suportahan ang mga teenager at young adult sa online at offline.
Nasa ibaba ang ilan sa dagdag na high-level na resulta mula sa Year 3:
23% ng 6,004 na GenZ na na-survey sa anim na bansa ang nagsabi na naging biktima sila ng sextortion. Samantala, mahigit sa kalahati (51%) ang nag-ulat na naloko sila sa ilang online na sitwasyon o nasangkot sa mga mapanganib na digital na asal na posibleng humantong sa sextortion. Kabilang sa mga ito ang "na-groom" (37%), ang "na-catfish" (30%), ang na-hack (26%), o nagbabahagi ng mga maseselang larawan online (17%). (Inilabas namin ang ilan sa mga resulta na ito noong Oktubre.)
Nanatiling blindspot para sa mga magulang ang pagkakasangkot ng mga Gen Z tungkol sa maseselang larawan online. Isa lang sa limang (21%) magulang ng mga teenager ang nagsabi na iniisip nilang nasangkot ang kanilang teenager sa maseselang larawan online. Sa katunayan, mahigit sa 1/3 (36%) ng mga teenager ang umamin na nasangkot sila sa ganoon — may 15 porsiyento na gap.
24% ng mga Gen Z na respondent ang nagsabing nakakita sila ng mga AI-generated na larawan o video na may sekswal na katangian. Sa mga nag-claim na nakakita ng ganitong uri ng content, 2% ang nagsabi na naniniwala silang menor de edad ang nasa larawan. (Inilabas namin ang ilan sa mga data na ito noong Nobyembre.)
Ang mga resulta ay bahagi ng patuloy na research ng Snap tungkol sa well-being ng mga Gen Z at tanda ito ng pinakabagong installment ng aming DWBI, isang sukatan kung paano nakikisalamuha ang mga teenager (edad 13-17) at mga young adult (edad 18-24) online sa anim na bansa: Australia, France, Germany, India, UK at U.S. Nag-survey din kami sa mga magulang ng 13 hanggang 19 na taong gulang tungkol sa exposure ng kanilang mga teenager sa online risk. Isinagawa ang pool sa pagitan ng Hunyo 3 at Hunyo 19, 2024 at nag-poll ng 9,007 na respondent sa tatlong magkaibang age demographics at anim na geography.
Year 3 DWBI
Nagtatalaga ang DWBI ng score sa pagitan ng 0 at 100 sa bawat respondent batay sa kanilang pagsang-ayon sa iba't ibang pahayag ng opinyon. Ang mga score ng indibidwal na respondent ay nagiging bahagi ng mga score ng partikular na bansa at average ng anim na bansa. Kapag ini-average sa lahat ng anim na geography, tumaas ng isang porsyento ang 2024 DWBI mula sa parehong 62 noong 2022 at 2023, naging 63. Sa kabuuan, nanatili itong average na resulta, pero positibo pa rin ito kung ikokonsidera ang pagtaas ng risk exposure para sa parehong mga teenager at young adult. Sa tatlong magkakasunod na taon, nagtala ang India ng pinakamataas na DWBI na nasa 67, na muling pinataas ng matibay na kultura ng support ng magulang, pero hindi nagbago mula 2023. Tumaas ng isang porsyento ang mga marka sa parehong UK at U.S. na naging 63 at 65 ayon sa pagkakasunod-sunod, habang nanatiling hindi nagbago sa France at Germany na nasa 59 at 60. Ang Australia lang ang bansang bumaba ang DWBI ng isang porsyento at naging 62.
Gumagamit ng PERNA model ang index, isang variation ng na-establish na well-being theory 1, na binubuo ng 20 pahayag ng damdamin sa limang kategorya: Positive Emotion Engagement, Relationships, Negative Emotion, at Achievement. Isinasaalang-alang ang lahat ng kanilang online na karanasan sa anumang device o app —hindi lang Snapchat — sa naunang tatlong buwan, hiniling sa mga respondent na ipahayag ang kanilang antas ng pagsang-ayon sa bawat isa sa 20 pahayag. Halimbawa, “Kadalasang naramdaman ko na mahalaga at kapaki-pakinabang ang mga ginawa ko online,” sa Positive Emotion na kategorya, at “May mga kaibigan ako na talagang nakikinig sa akin kapag may sasabihin ako online,” sa ilalim ng Relationships. (Tingnan ang link na ito para sa listahan ng lahat ng 20 DWBI na pahayag.)
Mga teenager sa Australia at Europe: Mag-apply sa aming bagong Councils for Digital Well-Being
Noong nakaraang taon, para makatulong na i-animate ang aming pinakabagong research at ang aming kasalukuyang commitment sa mga teenager online, inilunsad namin ang kauna-unahang Council for Digital Well-being (CDWG), isang pilot program para sa mga teenager sa U.S., na nakatutok sa pakikinig, pagkatuto at pagpapabuti ng mga digital experience para sa mga 13 hanggang 16 na taong gulang. Sa madaling salita, nakakapagbigay-linaw, rewarding at talagang masaya ang programang ito — kaya sa taong ito, palalawakin namin ito at magdadagdag ng dalawang panibagong "sister" council sa Australia at Europe, kabilang ang UK. Inaasahan namin na magsisimula ang mga proseso ng aplikasyon sa mga geography na ito sa madaling panahon.
Samantala, kasabay ng SID 2025, nakipagtulungan ang ilan sa aming naka base sa U.S. na council member sa Family Online Safety Institute para ibahagi ang kanilang mga opinyon sa mga pangunahing paksa tungkol sa key digital safety para sa mga teenager at magulang. Tingnan ang blog na ito sa FOSI website para marinig ang mga pananaw mula sa aming mga CDWG member tungkol sa ligtas na pag-navigate sa social media, ang kahalagahan ng pagre-report ng mga alalahanin sa mga platform at iba pa, mga suhestiyon para makipag-usap sa mga magulang tungkol sa mga isyu ng kaligtasan at marami pa. Nagpapasalamat kami sa FOSI para sa natatanging pagkakataon na ito at umaasa na maramdaman ng mga pamilya sa buong mundo ang mga gabay at pointer na ito.
Nasasabik kaming magbigay ng mga kahalintulad na pagkakataon para sa mga kabataan sa ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aming CDWG program. Bago iyon, hinihikayat namin ang lahat na gawin ang kanilang bahagi para sa digital na kaligtasan ngayon sa SID at sa buong 2025!
Nagbunga ng mga resulta ang aming Digital Well-Being research tungkol sa exposure ng mga Gen Z sa mga online risk, sa kanilang mga relasyon at kanilang mga pagninilay tungkol sa kanilang online activity sa nakalipas na mga buwan. Napakarami pang bagay ang tungkol sa research kumpara sa kung ano lang ang naibahagi sa isang blog post. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Digital Well-Being Index at research, tingnan ang aming website, gayundin ang na-update na explainer, ang buong resulta ng research, mga infographic ng bawat isa sa anim na naka-localize na bansa: Australia, France, Germany, India, ang United Kingdom at ang United States, at ang bagong dokumento, “Voices for Digital Well-Being,” na tinipon ang mga pananaw sa kahalagahan ng research na ito mula sa ilan sa aming partner at collaborator.
— Jacqueline Beauchere, Global Head of Platform Safety