Bagong research ng Snap: Nananatiling target ng online sextortion ang Gen Z, pero may mga palatandaan ng pagbabago
Oktubre 29, 2024
Sa nakalipas na tatlong taon, nakakita ang online risk landscape ng napakalaking pagtaas sa “sextortion” – mga scam na nanlilinlang lalo na ng mga teenager at young adult para magbahagi ng mga pribado at maseselang larawan na mabilis na nagiging pamba-blackmail. Habang nagpapakita ang bagong research sa industriya na patuloy ang panganib, may mga nakaka-encourage na senyales nagiging epektibo ang mga pagsisikap na pigilan ang mga salarin at turuan ang mga potensiyal na target. (Nakomisyon ng Snap Inc. ang research na ito, na nasa ikalawang taon na, pero sumasaklaw ito sa mga karanasan ng mga kabataan at young adult na Gen Z mula sa iba't ibang online platform nang walang partikular na focus sa Snapchat.)
Halos one-quarter (23%) 1ng 6,004 na may edad 13 hanggang 24 na na-survey sa anim na bansa 2mula sa iba't ibang platform at mga serbisyo ang nagsabi na naging biktima sila ng sextortion. Samantala, mahigit sa kalahati (51%) ang nag-ulat na naloko sila sa ilang online na sitwasyon o nasangkot sa mga mapanganib na digital na asal na posibleng humantong sa sextortion. Kabilang dito ang "grooming 3" (37%), "na-catfish" (30%), na-hack (26%), o pagbabahagi ng mga maseselang larawan online (17%). Mahalaga, ang patuloy na mga kampanya sa pagpapataas ng kamalayan at edukasyon ng iba't ibang grupo ay tila nagkakaroon ng epekto kung saan mas kaunting "targeted" na kabataan ang talagang nabibiktima ng mga ganitong pakana.
Nangyayari ang online na catfishing kapag ang mga kriminal ay nagpapanggap bilang ibang tao para mang-engganyo ng target sa pagbabahagi ng personal na impormasyon o gumawa ng mga sexual na larawan. Ang hacking ay karaniwang kinasasangkutan ng salarin na nakakakuha ng hindi awtorisadong access sa mga device ng target o mga online account para nakawin ang mga maseselang larawan o personal na impormasyon. Sa maraming pagkakataon, sa parehong sitwasyon, ang mga nakuhang video, larawan o iba pang personal na impormasyon ay ginagamit para i-blackmail ang biktima para pumayag sa mga gusto ng salarin kapalit diumano ng hindi paglalabas ng maseselang larawan sa pamilya at mga kaibigan ng biktima.
Ang kusang pagbabahagi ng mga digital na pribadong larawan sa mga kabataan ay karaniwang itinuturing na sexual na pag-explore sa 21st century at sinusuportahan ang pagtingin na ito ng research. Pero ang ganitong gawain ay nananatiling pangunahing panganib para sa sextortion at iba pang posibleng pinsala na nag-uugat mula sa maling representasyon o kasinungalingan. Ipinapakita ng pinakabagong resulta na sa 17% na respondent na umamin sa pagbabahagi o pamamahagi ng mga maseselang larawan, 63% ang nagsabi na pinagsinungalingan sila ng salarin at 58% ang nag-ulat na nawalan sila ng kontrol sa mga materyal pagkatapos itong ipadala. Ang mga may edad 18 pababa, na nagbahagi ng maselang larawan ang partikular na vulnerable: 76% ang nagsabi na pinagsinungalingan sila ng nang-aabuso at 66% ang nagsabi na nawalan sila ng kontrol sa larawan.
"Gusto ng mga kabataan ng mas mahigpit na regulasyon at mga sistema ng pagtutuwid para mapahusay ang kanilang kaligtasan online," sabi ni Professor Amanda Third, Co-Director ng Young and Resilient Research Center sa Western Sydney University, na nanguna sa isang parallel na pag-aaral 4sa pakikipagtulungan sa Save the Children na may pondo mula sa Tech Coalition. "Gusto nilang magkaroon ang mga bata at matatanda ng mas mabuting kaalaman. At nananawagan sila sa mga platform na gamitin ang kapangyarihan ng artificial intelligence at iba pang umuusbong na teknikal na kakayahan para masiguro na ang mga digital space na madalas nilang pinupuntahan ay malaya mula sa mga masasamang elemento, hindi angkop na content, at hindi lang ligtas kundi mainam para sa kanila."
"Kinakailangan ng pinag-isipan, angkop sa edad na disenyo na makakatulong sa mga bata na makilala ang mga masasamang elemento, magbigay ng real-time na mungkahi kung paano tutugon sa mga hindi angkop na interaksyon, at ikonekta sila sa mga may kalidad na impormasyon at agarang kailangan ang mga puwedeng puntahan para sa paghingi ng tulong para tumulong na labanan ang mabilis na pagtaas ng sextortion online," dagdag niya. Miyembro rin si Prof. Third ng Snap Safety Advisory Board.
Iba pang mahahalagang mga resulta
Halos kalahati ng (47%) ng mga Gen Z na respondent ang nagsasabi na napasangkot sila sa maseselang larawan sa ilang pagkakataon: 35% ang hinilingan na magbahagi ng mga sexual na larawan o video at 39% ang nagsabi na nakatanggap sila ng ganoong larawan.
Tumaas ang bilang ng mga napasangkot sa sexual imagery sa mga Gen Z na edad.
Sa mga may edad 13 hanggang 15, humigit kumulang isang quarter ang hinilingan na magbahagi (23%) o tumanggap (26%) ng maseselang larawan. Nasa 13% lang ang umamin na nagbahagi sila nito.
Sa mga may edad 16 at 17, tumaas sa 31% ang porsiyento (mga hinilingan) at 35% (nakatanggap), habang 13% pa rin ang mga umamin na nagbahagi sia ng sexual na larawan.
Muling tumaas ang mga porsiyento sa mga may edad 18 at 19 na taong gulang at 20 hanggang 24 na taong gulang, na umabot sa 43% (mga hinilingan) at 49% (nakatanggap) sa pinakamatandang cohort na ito. (Tingnan ang chart para sa mga detalye).

Kabahagi ang research na ito ng nagpapatuloy na pag-aaral ng Snap sa digital na well-being – isang sukatan ng online psychological health ng mga Gen Z. Ini-sponsor man ng Snap ang research, tinitingnan nito ang lahat ng platform, mga serbisyo, at mga device na walang particular na focus sa Snapchat. Isinagawa ito mula Hunyo 3 hanggang Hunyo 19 sa Australia, France, Germany, India, sa UK at sa U.S., may kabuuang bilang na 9,007 na tao ang nakilahok sa pananaliksik, kabilang ang 3,003 na magulang ng mga may edad 13 hanggang sa 19 na taong gulang, na tinanong tungkol sa pagkalantad ng kanilang mga teenager sa mga online na panganib. Ilalabas namin ang mga bagong finding mula ngayon hanggang Pebrero kapag inilabas na namin ang buong resulta kaalinsabay ng Safer Internet Day 2025. Sa panahong iyon, ia-announce rin namin ang Year Three reading ng Digital Well-Being Index ng Snap.
Ipinapahayag namin ngayon ang pinakabagong resulta ng aming malalim na pag-aaral tungkol sa sextortion para tumugma sa aming pakikilahok sa virtual Multi-Stakeholder Forum ng Technology Coalition tungkol sa financial sextortion na nakakaapekto sa mga menor de edad. Tulad ng ipinaliliwanag sa ibaba, nakikipaglaban ang Snap sa sextortion mula pa noong 2022. Ang pagsasagawa ng ganitong cross-platform na research ay isang paraan para maunawaan at tugunan ang mga panganib.
"Nagbibigay ng mahahalagang pananaw ang ganitong research tungkol sa mga panganib na kinakaharap ng mga kabataan online, gayundin din ang pagbibigay diin sa kapangyarihan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng industriya, mga gobyerno, at civil society para tugunan ang mga hamong ito," sabi ni Sean Litton, Presidente at CEO ng The Tech Coalition "Ikinararangal namin na ipahayag ng Snap ang bagong research na ito sa Global Multi-Stakeholder Forum on Financial Sextortion ng Tech Coalition. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan at sama-samang pagkilos, makakalikha tayo ng mas ligtas na mga digital space para sa mga bata sa buong mundo."
Mga hinihingi ng mga salarin at mga aksyon ng mga biktima
Sa mga kabataan at young adult ng Gen Z na naging biktima ng sextortion, (23%) sexual na larawan / video at pera ang dalawang nangungunang hinihingi ng mga nang-eextort, na halos kalahati ang nangungulit para sa marami pang sexual na larawan, pera, o mga gift card. Tugma sa mga natuklasan noong nakaraan taon, kabilang sa iba pang hinihingi ang pagnanais na personal na makipagkita (39%), kagustuhang magkaroon ng sexual na relasyon (39%), paghihingi ng access sa personal na impormasyon (36%) o sa mga account ng biktima (35%), at paghingi ng access sa mga kaibigan ng biktima at mga listahan ng contact (25%). Sa halos isa sa tatlong beses na pagkakataon, pinagbabantaan ng salarin na ilabas ang larawan sa mga pamilya at kaibigan ng mga respondent at sa halos isa sa tatlong beses pa, pinagbabantaan ng mga maysala na ilabas ang personal na impormasyon sa mas marami pa. Sa lahat ng kaso, mas mataas ang hinihingi sa mga menor de edad na kabataan kaysa sa mga young adult na Gen Z. (Tingnan ang chart para sa mga detalye).

Ang magandang balita, 85% ng mga biktima ang nagsabing gumawa sila ng aksyon bilang tugon sa sextortion, tumaas mula sa 56% 5noong nakaraang taon. Kabilang sa malawakang aksyon ang paghingi ng tulong (70%) mula sa magulang, kapwa kabataan, o ibang pinagkakatiwalaang adult; pag-uulat ng insidente (67%); paggawa ng iba pang hakbang sa proteksyon (64%) katulad ng pag-block sa salarin – ang pinakakaraniwang aksyon; pag-update ng mga hakbang pangseguridad sa mga account, at maging pagsarado ng mga account. Gayunpaman, 18% ang nagsabing sinarili nila ang insidente o walang hakbang na ginawa (8%),
Kami sa Snap ay nagsusumikap na baguhin ang sitwasyon sa pag-uulat at patuloy na hinihikayat ang tamang pakikilahok sa mga kabataan, young adult, at lahat na miyembro ng komunidad, lubos na interesado kami sa data tungkol sa mga biktima na nag-ulat sa mga platform at sa mga awtoridad. Ipinapakita sa pinakabago naming pag-aaral na 36% ng mga Gen Z ang nag-ulat sa mga may kaugnayan na platform, habang 30% ang nag-ulat sa hotline o helpline, at 27% ang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad. Tumaas ang lahat ng porsyento ng pag-uulat na ito mula 2023.
Ang patuloy na commitment ng Snap
Halos dalawang taon nang nakikipaglaban ang Snap sa sextortion sa aming platform. Palagi kaming nagbibigay ng mahahalagang tool para sa pag-block at pag-uulat. Noong nakaraang taon, nagdagdag kami ng nakalaang dahilan para sa pag-uulat tungkol sa sextortion, pati na rin ang mga bagong in-app na pagpapataas ng kamalayaan at edukasyon na mga sanggunian. Ngayong taon, sinundan namin ito ng naka-update na mga in-app warnings para i-alerto ang mga kabataan at young adult tungkol sa mga kaduda-dudang friend request. Regular din kaming nagdadagdag ng mga bagong functionality sa aming iba't ibang tool para sa pamamahala ng magulang, Family Center, na nakadisenyo para magsimula ng mga pag-uusap sa pagitan ng mga kabataan, mga magulang, mga tagapangalaga, at iba pang pinagkakatiwalaang matanda tungkol sa pananatiling ligtas sa Snapchat at sa online sa pangkalahatan.
Nagpapakita ang mga kuwentong feedback na mas may kamalayan ang mga kabataan sa panganib ng sextortion at nakakatulong ang aming mga in-app na babala. "Malaking bagay ang sandaling pagninilay-nilay," binanggit ng isang European na lider ng NGO na kinu-quote ang isang kabataan.
Ang pag-aalis sa panganib ng sextortion bago pa man ito makapag-ugat ang aming pangunahing layunin, pero isa itong malawakang problema ng komunidad na nangangailangan ng aktibong pakikisangkot ng malawak na stakeholder at sektor – mga technology platform at serbisyo, mga ahensiya na nagpapatupad ng batas, mga magulang, tagapangalaga, mga guro, at mga kabataan mismo. Ikinagagalak namin ang patuloy na pakikipagtulungan at pakikilahok mula sa The Tech Coalition at mga miyembro nito, ang National Center for Missing and Exploited Children, Thorn, aming mga miyembro sa Safety Advisory Board, at iba pa, at umaasa kami na ang pinakabagong installment ng cross-platform na research na ito ay makapagbigay ng bagong pananaw para sa marami. Inaasahan namin ang mga dagdag na oportunidad para sa research, pagkatuto, at pamumuhunan habang sama-sama tayong nagsisikap na protektahan ang mga tao mula sa sextortion at iba pang potensyal na panganib online.