Inilalathala ang Aming Ikalawang CitizenSnap Report

Mayo 17, 2021

Note ng editor: Ipinadala ng CEO ng Snap, Evan Spiegel ang sumusunod na memo sa lahat ng miyembro ng Snap team noong Mayo 17. 

Team, 

Ngayon ay inilalathala namin ang aming ikalawang taunang CitizenSnap Report. Binabalangkas ng ulat ang ating mga pagsusumikap sa Environmental, Social, at Governance (ESG), na nakatuon sa pagpapatakbo ng aming negosyo sa responsableng paraan para sa aming team, ating komunidad sa Snapchat, ating mga kasosyo, at sa mas malawak na mundong pinagsasaluhan natin.

Ipinapakilala rin ng ating ulat ang una nating diskarte sa klima, para gawin ang ating bahagi para kumilos sa bilis at sukat na kinakailangan. Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, tayo ay naging carbon neutral na kumpanya, nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap; pinagtitibay natin ang mga target ng pagbabawas ng mga emission na nakabatay sa agham; at nangangako tayo sa pagbili ng 100% renewable na kuryente para sa ating mga pasilidad sa buong mundo. Sa pagpapatuloy, patuloy nating bubuuin ang ating mga programa sa klima para makasabay sa pinakamahuhusay na kasanayan.

Ngayon ay nagpapakilala rin tayo ng binagong Code of Conduct, na umaakma sa ating gawain sa ESG. Nag-aalok sa mga miyembro ng ating team ang bagong Code ng etikal na balangkas sa paggawa ng desisyong idinisenyo para tulungan tayong mag-isip nang malawakan tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng gawin ang tamang bagay para sa lahat ng ating stakeholder.

Naniniwala tayong moral na kinakailangang magtrabaho tungo sa paggawa ng maganda at ligtas na lipunan, at alam nating mahalaga ito sa daan-daang milyong Snapchatter na gumagamit ng ating mga serbisyo araw-araw. Mabuti rin ito para sa negosyo. Tulad ng inilalahad sa ulat ng ating CitizenSnap, pare-pareho tayong gumawa ng makabuluhang hakbang pasulong, at alam nating marami pang dapat gawin, at mga paraang maaari nating pagbutihin.

Ang lahat ng pagsisikap na ito ay repleksyon ng pagsusumikap at hilig ng napakaraming team sa buong kumpanya natin, sa partikular na mapaghamong taon. Lubos akong nagpapasalamat sa kung gaano kalayo ang ating narating -- at pinasisigla ng gawaing naghihintay sa hinaharap.

Evan

Bumalik sa Mga Balita