Pagbantay ng mga Kaibigan sa Snap Map

Pebrero 18, 2022

Sa Snap, tinutulungan namin ang mga kaibigan na manatiling konektado kahit nasaan sila, at gusto naming bigyan ang aming komunidad ng higit pang mga tool upang ligtas na tuklasin ang mundo sa kanilang paligid. Kaya ngayon, nagpapakilala kami ng bagong feature ng pangkaligtasan para sa Snap Map na tutulong sa mga Snapchatter na bantayan ang isa't-isa habang sila ay nasa labas, papunta man upang makipagkita, o pauwi na sa kanilang tahanan sa gabi.

Mula noong 2017, ang mga Snapchatter ay nakapag-opt in upang ibahagi ang kanilang lokasyon sa kanilang mga kaibigan sa Snap Map, ngunit hanggang ngayon ay kailangan nakabukas ang app para ma-update ang kanilang lokasyon. Ang bagong tool na ito ay magbibigay sa mga Snapchatter ng opsyon na ibahagi ang kanilang real-time na lokasyon sa isang malapit na kaibigan kahit na sarado ang kanilang app. Gamit ang bagong buddy system na ito, ang mga Snapchatter ay maaaring itago ang kanilang mga phone sa bulsa nila at lumabas ng bahay, na kumpiyansadong ang mga taong pinagkakatiwalaan nila ay binabantayan sila habang sila ay bumabyahe.

Ang pagbabahagi ng lokasyon sa Snap Map ay palagi, at magpapatuloy na, naka-off by default, ibig sabihin ang mga Snapchatter ay kailangang aktibong mag-opt in upang ibahagi kung nasaan sila. Ang mahalaga, ang mga Snapchatter ay maaari lamang ibahagi ang kanilang kinaroroonan sa kanilang kasalukuyang mga kaibigan sa Snapchat - walang opsyon na i-broadcast ang kanilang lokasyon sa mas malawakang komunidad ng Snapchat.

Bilang isang plataporma na binuo para makipag-usap sa mga malalapit na kaibigan, alam namin na ang pagbabahagi ng lokasyon ay maaaring maging madali at maimpluwensiyang paraan para manatiling konektado at ligtas ang mga kabataan. Sa katunayan, ayon sa isang feedback mula sa aming komunidad, alam namin na ang mga Snapchatter ay mas nakadarama ng koneksyon sa kanilang mga kaibigan kapag nakita nila sila sa Snap Map, at na sila ay naudyukan na ibahagi din ang kanilang lokasyon sa kanilang mga kaibigan dahil tingin nila ito ay ligtas at isang masayang paraan upang manatiling konektado.

Binuo namin ang bagong tool na ito upang mag-alok sa mga Snapchatter ng buddy system, at nagsama kami ng ilang elemento ng kaligtasan sa simula, kabilang ang:

  • Isang mabilis at malinaw na paraan para mag-activate, upang maibahagi ng mga Snapchatter ang kanilang real-time na lokasyon sa isang iglap kung tingin nila ay hindi sila ligtas.

  • Limitadong pagbabahagi ng oras & pag-pause ng walang notification para madaling ma-off ng mga Snapchatter ito kung sila ay nakarating na sa kanilang patutunguhan. Karagdagan pa, binabawasan nito ang anumang pressure na patuloy na magbahagi.

  • Nangangailangan ng two-way na pakikipagkaibigan na nangangahulugang ang mga nadagdag lamang bilang mga kaibigan sa Snapchat ang makakapagbahagi ng kanilang lokasyon, na naaayon sa umiiral na patakaran ng Snap Map.

  • Isang abiso sa kaligtasan na lumalabas kapag ginamit ng mga Snapchatter ang feature sa unang pagkakataon, na tinitiyak na alam ng aming komunidad na ito ay sinadyang gamitin lamang para sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya.

  • Napakalinaw na disenyo upang laging maunawaan ng mga Snapchatter ang kanilang mga piniling setting at kung sino ang nakakakita ng kanilang lokasyon.

Lahat tayo ay nag-aadjust sa mga bagong paraan ng mga kaganapan sa mundo -- lalong higit sa mga campus ng kolehiyo, kung saan ang Snapchat ay malawakang ginagamit. Maraming mga mag-aaral ang bumalik sa campus upang makasama ang kanilang mga kaibigan sa kabila ng malayo o hybrid na pag-aaral, ngunit sa mga paaralan na umaasa ng mas kaunting aktibidad, maaaring may mga pagkukulang sa normal na seguridad at mga pag-iingat. Iyon ang dahilan kung bakit inilulunsad namin ang bagong tool na ito bilang bahagi ng pakikipagsosyo sa Tayo Ang Bahala, isang pambansang non-profit na nakatuon sa paglaban sa seksuwal na mga karahasan sa campus sa pamamagitan ng mga campus awareness at pag-iwas na mga programa. Simula ngayon, isang PSA mula sa Tayo Ang Bahala ang magde-debut sa aming app, na humihikayat sa aming komunidad na bantayan ang isa't-isa.

Alam namin na maraming mga magulang ang maaaring may mga tanong tungkol sa kung paano gumagana ang Map, kung sino ang makakakita sa lokasyon ng mga Snapchatter (kung pipiliin nilang ibahagi ito), at ang mga patakaran at tool na mayroon kami. Dahil dito, nais namin na magbahagi pa ng higit na key safety at mga privacy feature ng Snap Map:

  • Ang Pagbabahagi ng Lokasyon ay OFF sa pamamagitan ng Default at Para lang sa mga Kaibigan:Para sa lahat ng mga Snapchatter, ang pagbabahagi ng lokasyon ay offbilang default at ganap na opsyonal. Maaaring i-update ng mga Snapchatter ang kanilang mga kagustuhan sa pagbabahagi ng lokasyon anumang oras sa pamamagitan ng pag-tap sa gear ng mga setting sa itaas ng Snap Map. Doon, maaari nilang piliin kung sinong mga umiiral na kaibigan ang makakakita sa kanilang lokasyon, o ganap na itatago ang kanilang mga sarili gamit ang 'Ghost Mode.' Ang mga Snapchatter na nagpasya na ibahagi ang kanilang lokasyon sa Map ay makikita lamang ng mga napili nila -- hindi namin binibigyan ang sinuman ng opsyon na ibahagi ang kanilang lokasyon sa publiko sa mga taong hindi nila nakasalamuha at kapwa in-add bilang kaibigan.

  • Edukasyon & Mga Paalaala: Ang mga Snapchatter ay dadalhin sa isang tutorial kapag ginamit nila ang Snap Map sa unang pagkakataon. Dito, matututunan nila kung paano mag-opt-in para sa pagbabahagi ng lokasyon, kung paano pumili ng mga kaibigan na pagbabahagian, at kung paano i-update ang settings anumang oras. Ang mga Snapchatter na pipiliing ibahagi ang kanilang lokasyon sa kanilang mga kaibigan ay tumatanggap ng pana-panahong paalala na humihiling sa kanila na kumpirmahin kung sila ay kumportable pa rin sa kanilang settings at kung hindi na, madali nilang i-off ang pagbabahagi ng lokasyon nang hindi nalalaman ng ibang mga user.

  • Mga Karagdagang Pag-iingat sa Privacy: Ang nilalaman lamang na aktibong isinumite sa Snap Map ang lalabas mula rito; Nananatiling pribado ang mga Snap sa pagitan ng magkakaibigan. Para sa mga Snapchatter na nagpapanatili ng aming default privacy na setting, ang nilalamang ipinapakita sa Map ay awtomatikong hindi makikilala, kaya sinumang tumitingin sa Map ay hindi makikita ang pangalan, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, o ang eksaktong lokasyon ng taong nagbahagi. Pinoprotektahan din namin ang mga sensitibong mga negosyo at mga lokasyon sa Map.

Alam namin na sensitibo ang pagbabahagi ng lokasyon sa mobile at kailangang gamitin ito nang may pag-iingat, ngunit naniniwala kami na kung ito ay may tamang pag-iingat, maaari itong maging isang mabisang paraan para hindi lamang manatiling konektado sa mga kaibigan, kundi tumutulong din na panatilihing ligtas ang isa't-isa. Inaanyayahan namin kayo na bisitahin ang aming support page dito para sa iba pang mga impormasyon.

Bumalik sa Mga Balita