Privacy, Safety, and Policy Hub

Pagpupugay sa Ikatlong Taunang National Fentanyl Awareness Day

May 7, 2024

Sa Snap, patuloy kaming nagsusumikap para maiwasan ang pang-aabuso sa aming serbisyo ng mga kriminal na naglalayong mamahagi ng mga ipinagbabawal na gamot, kabilang ang pekeng pills. Ngayon, ikinararangal naming makipagtulungan kasama ng mga bayani - mga eksperto sa pampublikong kalusugan, tagapagpatupad ng batas, at mga grupo ng magulang at pamilya - para gunitain ang ikatlong taunang National Fentanyl Awareness Day.

Habang ginugunita natin ang araw na ito, gusto naming bigyan ng update ang aming komunidad sa aming patuloy na gawain para makatulong na labanan ang mapangwasak at agarang krisis sa pampublikong kalusugan na ito.

KALIGTASAN SA TEKNOLOHIYA AT PLATFORM

Ang Snapchat ay isang app na idinisenyo para ilapit ang mga tao sa mga pinakamahalagang tao sa kanila sa totoong buhay sa pamamagitan ng pribadong pakikipag-ugnayan, tulad ng mga harapang pag-uusap o pakikipag-usap sa telepono. Kahit na default na tinatanggal ang mga mensahe, kung gagawa kami ng aksyon sa ilegal o mapang-abusong content, dahil maagap namin itong natukoy o naiulat ito sa amin, pananatilihin namin ang content na iyon sa pinalawig na panahon. Maraming taon na kaming nagtatrabaho para alisin ang mga nagbebenta ng droga na sumusubok na patakbuhin ang aming platform, kabilang ang paggamit ng mga advanced na teknolohiya.

  • Mga Tool para sa Maagap na Pagtukoy: Nagpapatupad kami at regular na nagpapahusay ng teknolohiya na tumutulong sa amin na maagap na mahanap at isara ang mga account ng mga dealer. Tumutulong sa amin ang aming mga pinaka-advanced na modelo ngayon na maagap na tukuyin ang humigit-kumulang 94% ng natukoy na iligal na aktibidad ng ipinagbabawal na gamot, na nagpapahintulot sa amin na alisin ang content na ito bago pa ito maiulat sa amin.

  • Mabilis na Pag-aksyon sa mga Report: Nagtatrabaho araw-gabi ang aming Team para sa Pagtitiwala at Kaligtasan para tumugon sa anumang mga report na natatanggap namin tungkol sa content na may kaugnayan sa droga sa lalong madaling panahon. Ipinapakita sa aming pinakahuling Transparency Report na kadalasang tumutugon nang hindi lumalampas sa isang oras ang aming team sa mga report na may kaugnayan sa droga. 

  • Pagba-block sa mga Search: Bina-block namin ang mga search result para sa malawak na hanay ng mga term na may kaugnayan s droga, sa halip ay nire-redirect namin ang mga Snapchatters sa mga sanggunian mula sa mga eksperto tungkol sa mga panganib ng fentanyl. 

  • Pag-coordinate sa ibang Platform: Dahil alam namin na ang mga nagbebenta ng droga ay gumagamit ng iba't ibang serbisyo para makipag-ugnayan, nakikipagtulungan kami sa mga eksperto at iba pang kompanya ng tech para magbahagi ng mga pattern at senyales ng content at aktibidad na may kaugnayan sa droga - na nagbibigay-daan sa amin na pagbutihin ang aming mga pagsisikap para sa maagap na pagtukoy para mahanap at alisin ang content tungkol sa droga at mga account ng dealer 

KOORDINASYON SA TAGAPAGPATUPAD NG BATAS

Nakatuon ang aming team sa mga Operasyon sa Pagpapatupad ng Batas sa mabilis na pagtugon sa mga tanong sa pagpapatupad ng batas, na tumutulong na dalhin ang mga kriminal sa hustisya. Pinapanatili namin ang matibay na ugnayan sa tagapagpatupad ng batas para matiyak na makakagawa sila ng mabilis at naaangkop na aksyon patungkol sa ilegal na aktibidad sa aming platform. Kabilang sa aming mga pangunahing priyoridad ang:

  • Pag-i-expand ng aming Team: Lumago ang team sa mga Operasyon sa Pagpapatupad ng Batas nang higit sa 200% sa nakalipas na 5 taon, at humigit-kumulang 80% mula noong 2020. Karaniwan kaming tumutugon sa mga valid na legal na kahilingan sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, at sa mga kahilingan para sa emergency na pagbubunyag sa loob ng 30 minuto.

  • Mga Maagap na Pag-escalate: Sa mga sitwasyon kung saan naniniwala kaming may tiyak na banta sa buhay, maagap naming i-escalate ang kaso sa tagapagpatupad ng batas. Pinapanatili rin namin ang lumalabag na content sa pinalawig na panahon pagkatapos naming ipatigil ang mga account na may mga paglabag sa aming Community Guidelins na may kaugnayan sa droga, kung sakaling gustong mag-follow up ng tagapagpatupad ng batas.

  • Pagsuporta sa Paggawa ng Batas: Bukod pa rito, nakipagtulungan kami sa mga miyembro ng Senado para sa bipartisan na pagsasabatas ng, The Cooper Davis Act, na nagbibigay daan para sa higit na kooperasyon sa pagitan ng mga social networking company at tagapagpatupad ng batas para labanan ang fentanyl 

PAGPAPATAAS NG KAMALAYAN TUNGKOL SA KRISIS NG FENTANYL SA PAMAMAGITAN NG EDUKASYON 

Nakatuon kami sa pagtuturo sa mga Snapchatter at sa publiko tungkol sa mga panganib ng fentanyl. Sa nakalipas na dalawang taon, nagpopromote kami ng mga in-app na pang-edukasyon na video at babala na content tungkol sa mga panganib ng pekeng pills at pag-direct sa mga Snapchatter sa mga sanggunian mula sa mga pinagkakatiwalaang eksperto. Patuloy itong pagsisikap, at kasama ang:

  • In-app na Content para Itaas ang Kamalayan sa mga Snapchatter: Nakipagtulungan kami sa Song for Charlie, isang nangungunang organisasyon na nagbibigay kamalayan tungkol sa fentanyl, para magpatakbo ng mga PSA, at gumawa ng espesyal na serye kasama ang Good Luck America, ang orihinal naming show. Maaari mong makita dito ang isang bagong panayam kay Ed Ternan, ang tagapagtatag ng Song for Charlie, na inilabas bilang parangal sa Fentanyl Awareness Day,.

  • Dedicated In-app Education Portal: Naglunsad din kami ng in-app na tool na Heads Up, na nagpapakita ng content na pang-edukasyon mula sa mga eksperto hanggang sa mga Snapchatter kung susubukan nilang magsearch ng content na may kaugnayan sa droga o isang hanay ng mga terms na nauugnay tungkol sa krisis sa fentanyl. Kasama sa mga ekspertong partner namin ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA), Community Anti-Drug Coalitions of America (CADCA), Truth Initiative, at ang SAFE Project.

  • Pakikipagtulungan sa Ad Council: Ilang taon na ang nakaraan, nagsimula kaming makipagtulungan sa Ad Council para gumawa ng isang hindi pa nagagawang national public awareness campaign tungkol sa mga panganib ng fentanyl. Kasama na ngayon sa campaign ang iba pang nangungunang tech platform at nakatutok sa pag-abot sa mga magulang at kabataan nasaan man sila.

Pangunahing priyoridad namin ang pagtulong na panatilihing ligtas ang komunidad ng Snapchat. Marami pang kailangang gawin, at inaasahan namin ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga magulang, gobyerno, iba pang platform, at mga eksperto para puksain ang pagbebenta ng droga sa aming platform at itaas ang kamalayan tungkol sa mga mapaminsalang epekto ng krisis sa fentanyl.

Bumalik sa Mga Balita