Pinapalawak ang Aming In-App Parental Tools

Enero 11, 2024

Sa Snap, nakatuon kami sa pagbibigay sa mga magulang ng mga karagdagang tool at mapagkukunan para tulungan silang i-support ang ligtas na paggamit ng kanilang mga tinedyer sa Snapchat. 

Noong 2022, inilunsad namin ang Family Center, ang aming hanay ng parental tools na nagbibigay-daan sa mga magulang na makita kung sinong friends ang kausap ng kanilang mga tinedyer sa Snapchat, kumpidensyal na i-report ang anumang mga alalahanin, at magtakda ng mga kontrol sa content - lahat ng ito ay idinisenyo para makatulong na panatilihing ligtas ang mga tinedyer sa Snapchat. 

Binuo ang Snapchat para tulungan ang mga taong makipag-usap sa kanilang friends sa parehong paraan kung paano sila offline, at ipinapakita ng Family Center ang dynamics ng mga relasyon sa totoong mundo sa pagitan ng mga magulang at kabataan, kung saan ang mga magulang ay may insight sa kung kanino nakakasama ang kanilang mga tinedyer, habang iginagalang pa rin ang privacy ng mga personal na komunikasyon nila. Mahigpit kaming nakipagtulungan sa mga pamilya at online na mga eksperto sa kaligtasan para bumuo ng Family Center at gamitin ang kanilang feedback para i-update ito ng mga karagdagang feature sa regular na batayan. 

Ngayon, ipinapakilala namin ang mga pinalawak na feature ng Family Center para bigyan ang mga magulang ng higit na kakayahang makita at higit na bigyang kapangyarihan silang magkaroon ng mga produktibong pag-uusap tungkol sa online na kaligtasan. Sa mga darating na linggo, ilalabas namin ang: 

Visibility sa Settings ng Kanilang Tinedyer: Dine-default namin ang settings para sa pangunahing kaligtasan at privacy para sa mga kabataan sa pinakamahigpit na pamantayan bilang default. Ngayon, pwedeng i-view ng mga magulang ang: 

  • Settings ng Story ng kanilang mga tinedyer: Ang mga kabataan ay may kakayahang i-share ang kanilang Story sa friends nila, o pumili ng mas maliit na group ng malalapit na friends at pamilya. 

  • Settings ng contact ng kanilang mga tinedyer: Pwede lang ma-contact ang Mga Snapchatter ng mga taong idinagdag nila bilang friend o contacts ng phone nila nang opsyonal. 

  • Kung ibinabahagi ng kanilang tinedyer ang location nila sa friends sa Snap Map: Nagbibigay-daan ang Snap Map sa Mga Snapchatter na makita kung nasaan ang kanilang friends at kung ano ang ginagawa nila, mag-discover ng kawili-wiling mga lugar, at mag-view ng content na isinumite ng Mga Snapchatter sa buong mundo. Dapat mag-opt in ang Mga Snapchatter para i-share ang kanilang location – at magkaroon lang ng opsyong i-share ang location nila sa friends. 

Parental Controls para sa AI: Magagawa na ngayon ng mga magulang na higpitan ang kakayahan ng My AI, ang aming chatbot na pinapagana ng AI, na tumugon sa mga chat mula sa kanilang tinedyer. Binubuo ang feature na ito sa mga pag-iingat na nabuo na sa My AI, kabilang ang mga proteksyon laban sa mga hindi naaangkop o mapaminsalang tugon, pansamantalang paghihigpit sa paggamit kung paulit-ulit na ginagamit ng Mga Snapchatter ang serbisyo, at kamalayan sa edad.

Madaling Access sa Family Center: Para sa mga magulang na pwedeng hindi pamilyar sa Snapchat, ginagawa naming mas madaling mahanap ang Family Center. Ngayon, pwedeng i-access ng mga magulang ang Family Center mula mismo sa kanilang profile, o sa pamamagitan ng pagpunta sa settings, na matatagpuan sa kanang sulok sa itaas ng profile ng magulang. Ang aming layunin ay tulungan ang mga magulang at kabataang pwedeng bago sa Snapchat na maghanap at sumali nang madali sa Family Center. 

Inaasahan namin ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga magulang at mga eksperto sa kaligtasan online para tumulong na gawing masaya at ligtas na kapaligiran ang Snapchat para sa aming buong komunidad.

Bumalik sa Mga Balita