Paggawa ng aming Bahagi para Labanan ang Online Hate
Hulyo 16, 2021
Paggawa ng aming Bahagi para Labanan ang Online Hate
Hulyo 16, 2021
Kami ay nalulungkot qat nabigla sa racist na pang-aabuso na naranasan mga manlalaro ng football ng England sa ilang online platforms kasunod ng Euro 2020 final. Nais naming magbigay ng pangkalahatang ideya para sa aming kasalukuyang gawain para labanan ang pagtatangi, galit na pagsasalita, panliligalig, at pag-abuso sa Snapchat, pati ng aming mga hakbang na ginagawa para sa pagtuturo sa komunidad.
Naglaan kami ng maraming pagsisikap sa pagdidisenyo ng isang platform na pipigil sa pagkakataon para sa galit na pagsasalita o pagkakalat ng pang-aabuso. Ang Snapchat ay dinisenyo na iba kaysa sa tradisyunal na social media. Ang app ay dinesenyo sa palibot ng camera para makagawa ng isang pamamaraan para sa mga tao para makipag-usap ng mas makabuluhan at makatotohanan, kasama ng kanilang tunay na mga kaibigan at mga minamahal, kaysa sa mga tao na hindi nila kilala.
Ang Snapchat ay hindi nag-aalok ng mga balita kung saan ang mga hindi kilalang mga mamamahayag o mga indibidwal ay magkaroon ng pagkakataon para iharap ang galit o mapang-abusong nilalaman. Ang aming Discover platform para sa mga balita at paglilibang, at ang aming Spotlight platform para sa pinakamahusay na komunidad ng Snaps, ay maayos at sa katamtamang kapaligiran. Nangangahulugan ito na ang nilalaman ng Discover o Spotlight ay inilalaan alinman ng mga propesyonal na mga media partners, na sumasang-ayon na sumunod ng mahigpit sa Content Guidelines, o sa mga gumagamit ng mga nilalaman na pre-moderated gamit ang mga pananaw ng tao, bago mailabas sa mas malaking grupo ng Snachatters. At ang Snapchat ay hindi nagpapahintulot sa pampublikong mga komento na magpapasimula ng pang-aabuso.
Nilinaw din namin na hindi kami magsusulong ng mga accounts na naka-link sa mga tao na nag-uudyok ng pagtatangi, ginagawa man nila ito sa loob o sa labas ng aming platform, lalu na noong unang magpasya para pahintuin ang pagtataguyod ng President's Trump's account sa Discover noong Hunyo, 2020.
Ang ganitong mga barandilya ay tumutulong para mapanatili ang mga aktibidad na lumalabag sa aming polisiya mula sa mga pampublikong mga lugar sa aming platform. Noong 2018, ang Snap ay lumagda sa European Commission's Code of Conduct sa mga galit na pananalita, na kung saan, bilang bahagi ng pangangasiwa sa proseso, kumukuha ng mga ulat mula sa 39 NGOs na partikular na nangangasiwa sa pag-uulat ng galit online. Sa dalawang pinakabagong ulat ng Commission sa pagsunod sa mga code, mayroon zero na ulat ng galit na pananalita sa Snapchat. Ang aming sariling transparency report ay nagpapakita na, para sa UK sa pinakahuling anim na buwang panahon ng pag-uulat, gumawa kami ng aksyon laban sa 6,734 na account. Ang karamihan sa nilalamang ito ay may kinalaman sa mga nag-ulat na pribadong Snaps, hindi sa pampublikong lugar ng nilalaman -- binabawasan ang anumang mas malawak na epekto.
Nagsusumikap din kami upang labanan ang ilegal at mapaminsalang aktibidad sa panig ng pribadong komunikasyon ng Snapchat. Nagbibigay kami ng madaling gamitin na in-app na mga tool sa pag-uulat kung saan maaabisuhan kami ng mga Snapchatter tungkol sa anumang ilegal o nakakapinsalang aktibidad. Ang aming pandaigdigang, 24/7 Trust & Safety team ay nagsusuri ng mga ulat at nagsasagawa ng naaangkop na aksyon laban sa lumalabag na account. Ang team ay sinanay na tumukoy ng iba't-ibang senyales pagdating sa racist na wika, kabilang ang paggamit ng mga emoji upang kumatawan sa mga panlilibak o stereotype ng lahi. Patuloy kaming umaagapay sa paggamit ng mga emoji at iba pang anyo ng pagpapahayag gaya ng nakabase sa text na caption para maunawaan ang mga umuusbong na uso na nagpapakita ng potensyal na pang-aabuso at gamitin ang insight na ito para patuloy na baguhin ang aming mga patakaran sa lugar na ito.
Siyempre, marami pa tayong magagawa, kabilang ang pagtuturo sa ating komunidad, at kasalukuyan kaming gumagawa ng isang programa para iangat ang mga kwentong maiitim na British sa pamamagitan ng kapangyarihan ng augmented reality. Ang aming unang initiative sa unang bahagi ng taong ito ay isang augmented reality (AR) na karanasan na idinisenyo sa pakikipagtulungan sa Kick It Out at isang kolektibong itim na creative na tinatawag na Kugali upang gunitain ang apat sa pinakamahuhusay na itim na mga footballer ng England.
Bilang pangwakas, walang lugar sa Snapchat para sa diskriminasyon, racism o pang-aabuso. Patuloy kaming magsisikap na pigilan ang content na ito na lumabas, at gumawa ng mabilis at epektibong pagkilos kapag nangyari ito.
-Henry Turnbull, Head of Public Policy UK & Nordics