Pagpapakita ng respeto at empathy sa World Kindness Day

November 13, 2023

Ngayon ang World Kindness Day, at wala nang ibang mas mainam na panahon para isulong ang positibong pag-iisip at aksyon sa pamamagitan ng pamumuno nang may respeto, empathy, at compassion sa lahat ng interaksyon - online man o offline. Company value ng Snap ang kindness o kabutihan. Mahalaga ito sa ating negosyo, at mahalaga ang role nito sa ating gawaing pangkaligtasan. Sa kasamaang-palad, maaaring magsimula sa mga negatibo o hindi mabuting pag-uugali ang ilang isyu sa online safety.

Isang halimbawa ang non-consensual na paggawa o pagshe-share ng intimate imagery o maseselang larawan online — isang nakakalungkot at lumalaganap na trend sa lahat ng platform at serbisyo.

Kakasali lang ng Snap sa StopNCII collaboration ng SWGfL para makatulong na pigilan ang pagkalat ng non-consensual intimate imagery (NCII) sa Snapchat sa pamamagitan ng paggamit ng hash database ng StopNCII. Kagaya ng ating matagal na at nagpapatuloy na pagsisikap para matukoy, tanggalin, at i-report ang mga alam at ilegal na larawan at videos ng sekswal na pang-aabuso ng bata at pang-aabuso sa pamamagitan ng tinatawag na "hash-matching," naglalaan ang StopNCII ng dedicated database ng "hashes" ng NCII images. Sa pamamagitan ng pag-i-ingest at pagsa-scan laban sa mga hash na ito, makakatulong tayong pigilan ang online na pagkalat ng ipinagbabawal na material at suportahan ang mga biktima sa kanilang pagsisikap na mabawi ang kontrol sa pinakapribado at personal nilang data.

"Ikinagagalak namin ang pakikiisa ng Snap sa StopNCII para labanan ang online sharing ng non-consensual intimate images," sabi ni David Wright, CEO ng SWGfL, isang UK-based NGO. "Mula noong mag-launch tayo noong Disyembre 2021, nabigyan na natin ng kakayahan ang mga biktima na mabawi ang kontrol at maibsan ang mga kinatatakutan nila. Nakasalalay ang tagumpay natin sa mga pakikipagtulungan sa mga platform tulad ng Snap, sapagkat ang ibayong pagtutulungan ay nagdudulot ng mas kaunting takot para sa mga biktima sa buong mundo."

Ipinagbabawal ng Snap ang NCII at nililinaw ito sa ating mga patakaran laban sa bullying at pangha-harass. Partikular na nakasaad sa ating Community Guidelines na sinasaklaw ng lahat ng pagbabawal na ito ang "lahat ng anyo ng sexual harassment," kabilang ang pagpapadala ng sekswal, mahalay, o hubad na mga larawan sa ibang users. Ayaw natin ng ganitong content o asal sa ating platform; hindi ito tumutugma sa goal ng Snapchat na maging lugar para sa pagshe-share at pag-e-enjoy sa saya ng tunay na ekspresyon. Kapag may taong nakakaranas o nakakakita ng posibleng paglabag sa ating mga patakaran, kabilang ang pagpaparami, pagshe-share, o pagdi-distribute ng non-consensual intimate imagery, hinihikayat natin silang i-report ito sa atin kaagad, at kung posible, sa mga lokal na awtoridad din.

Bagong Snap research

Ipinakikita ng pinakabagong research natin sa lahat ng platform at serbisyo — hindi lang sa Snapchat — na 54% ng mga kabataan, na may edad 18 hanggang 24, ay nakakita ng intimate imagery sa unang bahagi ng taong ito, at mahigit sangkatlo (35%) ay hiningang mag-share ng sexual photos o videos online. Halos kalahati (47%) ang nagsabing nakatanggap sila ng hindi kanais-nais na sexual imagery, at 16% ang umaming nag-share ng ganitong content. Ang mga tunay na nag-share ng naturang imagery ay malamang na hindi sinabi ang buong katotohanan tungkol sa kanilang asal, dahil tatlong beses na mas marami ang mga nakatanggap ng intimate photos at videos kaysa sa mga nag-report na nag-share.

Ang mga natuklasang ito ay mula sa Year Two ng ating Snap Digital Well-Beinng Research sa anim na bansa: Australia, France, Germany, India, the UK, at sa U.S. Dalawang magkasunod na taon na nating sinu-survey ang mga teenager (edad 13-17), kabataan (18-24), at mga magulang ng mga teenager na may edad na 13 hanggang 19 tungkol sa online activities nila. Tumakbo ang survey mula April 28 hanggang May 23, 2023. Nakapag-poll tayo ng kabuuang 9,010 participants, at binuo ng mga sagot nila ang mga online na karanasan mula humigit-kumulang February hanggang April. Ipa-publish natin ang lahat ng global findings sa Safer Internet Day 2024 sa February, pero paunang ipapakita ang data na ito sa World Kindness Day.

Kanino nila shine-share

Ipinakikita ng findings na sinabi ng mga teenager at kabataan na nag-share sila ng intimate o sexually suggestive imagery panguanhin sa mga taong kilala nila sa totoong buhay. Pero alam nating mabilis na kumakalat ang ganitong material sa mga taong hindi sinadyang makatanggap. Sa 42% ng Generation Z respondents na nasangkot sa intimate imagery (54% ng mga kabataang adult at 30% ng teens), halos three-fourths (73%) ang nagsabing nagpadala sila ng imagery sa taong kilala nila sa totoong buhay, samantalang 44% ang nagpadala ng intimate photos o videos sa taong kilala lang nila online. Sa one-third ng mga pagkakataong ito (33%), nai-share ang material lampas sa orihinal na sinadyang makakatanggap. Ipinakikita ng graph sa ibaba ang mga detalye ng mga dersulta ng mga nag-share sa online contacts.

I-celebrate ang hindi pagshe-share

Sa ating pag-aaral, partikular tayong naging interesado na makarinig sa mga kabataang hiningan ng intimate imagery online pero hindi ginawa iyon sa layunin ng paghihikayat ng kritikal na pag-iisip at reflection. Marami silang dahilan, pero pangunahing sinabi ng parehong age group na hindi sila komportableng mag-share ng ganoon. Dagdag dito, mas nag-aalala ang mga teenager na baka malaman ng kanilang magulang o tagapangalaga, at mas nag-alala ang mga may edad na 18 hanggang 24 na baka maapektuhan ng mga naturang aksyon ang kanilang mga prospect sa hinaharap, tulad ng pagpasok sa college o pagkatanggap sa trabaho. Higit pa sa pinakakaraniwang dahilan na ibinigay ng respondents kung bakit hindi sila nagshe-share:

  • Hindi komportableng mag-share ng imagery na ito: Kabataan: 55%, Teenagers: 56%

  • Nag-aalala na kumalat ang imagery: Kabataan: 27%, Teens: 25%

  • Nag-aalala na baka makaapekto sa mga prospect sa hinaharap (hal., pagkatanggap sa college, trabaho, relasyon): Kabataan: 23%, Teens: 18%

  • Nag-aalala na mai-share ang imagery nang labas sa sinadyang makakatanggap: Kabataan: 21%, Teens: 20%

  • Nag-aalala na baka malaman ng mga magulang/tagapangalaga : Kabataan: 12%, Teens: 20%


Tools at resources ng Snapchat

May mga in-app tools ang Snapchat para sa mai-block ng users ang mga offender at i-report ang mga partikular na Snap (photos o videos) at account. Kailangan lang pindutin nang matagal ng Snapchatters ang isang content para i-report iyon sa amin o kumpletuhin ang online form na ito sa aming Support Site. Maaaring ipasa ang form ng kahit na sino, may Snapchat account man sila o wala. (Alamin pa ang tungkol sa pagre-report sa Snapchat dito.) Nire-review at inaaksyunan ang mga review ng Trust and Safety teams ng Snapchat, na tumatakbo 24/7 sa lahat ng oras, sa lahat ng dako sa buong mundo. Maaaring isama sa mga hakbang ang pagbibigay ng babala sa offender, pagsuspinde ng account, o ganap na pagsasara ng account.

Hinihikayat namin ang lahat na gamitin ang ating tools, dahil makikinabang ang buong komunidad dito. Mas gugustuhin naming hindi umabot sa reporting stage ang mga insidente — kaya gusto naming maging parte ng StopNCII, samantalang mahalaga din ang papel ng pagre-report.

Hinihikayat din namin ang mga kabataan, at lahat ng Snapchatter, na i-check ang aming bagong Safety Snapshot episode sa sexting at pagshe-share ng nudes. I-search lang ang "Safety Snapshot" sa app. Kamakailan ay nagdagdag tayo ng apat na bagong episode tungkol sa iba't ibang sexual risk. Lahat ay na-review ng U.S National Center for Missing and Exploited Children at binibigyang-diin ang pansamantalang pagtigil, pagkuwestiyon sa motibong isang tao, at kritikal na pag-iisip.

Hangad namin ang pagbabahagi ng higit pa mula sa aming research at tungkol sa ating nagpapatuloy na pagsisikap para gawing mas ligtas, malusog, at masaya ang Snapchat para sa creativity at koneksyon. Hanggang mangyari 'yon, Happy World Kindnesss Day, at subukan nating yakapin ang kabutihan hindi lang sa November 13, kundi sa buong taon.

- Jacqueline Beauchere, Snap Global Head of Platform Safety

Bumalik sa Mga Balita