Araw ng Data Privacy: Matuto Nang Higit Pa Tungkol sa Bagong Privacy at Safety Hub ng Snap at Mga Privacy Setting
Enero 26, 2023
Araw ng Data Privacy: Matuto Nang Higit Pa Tungkol sa Bagong Privacy at Safety Hub ng Snap at Mga Privacy Setting
Enero 26, 2023
Ang privacy ay nasa aming DNA sa Snap. Ang isa sa mga pangunahing tampok ng Snapchat mula sa unang araw ay ang aming pagtuon sa pagtulong sa mga tao na patibayin ang kanilang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pribadong komunikasyon at pag-uusap.
Habang lumalaki kami at umuunlad, patuloy na itinatayo ng aming platform ang sarili nito sa dalawang pangunahin ngunit mahahalagang mga value: privacy at kaligtasan. Ang pagkakaroon ng malinaw na mga prinsipyo sa privacy ay mahalaga sa pagpapanatiling ligtas at may seguridad ang mga Snapchatter, at nakakatulong ang matitinding kasanayan sa kaligtasan na protektahan ang privacy ng Snapchatter. Kaya, ang bawat bagong feature na binuo namin ay dumadaan sa isang masinsinang pagsusuri sa privacy at kaligtasan, at kung ang isang bagong feature ay hindi makapasa sa test, hindi namin isusulong.
Kaya naman bilang pagpupugay sa Data Privacy Day, inilunsad namin kamakailan ang aming Privacy at Safety Hub - values.snap.com - isang bagong one-stop-shop na naglalaman ng aming materyales at polisiya sa privacy at kaligtasan sa ilalim ng isang bubong. Maaari na ngayong bisitahin ng mga tao ang hub na ito at makahanap ng short-form content na nagtuturo sa kanila sa natatanging paraan ng Snap sa privacy at kaligtasan sa paraang madaling maunawaan. Dati, hiwalay ang aming mga privacy at safety center, at umaasa kaming sa pamamagitan ng pag-steamline ng impormasyon at paglikha ng isang sentral na lugar, mas maraming tao ang mag-e-explore sa aming mga patakaran, mapagkukunan at tool at mas mauunawaan kung ano ang ginagawa ng Snap para protektahan ang mga tao sa aming platform at kung ano ang magagawa nila upang protektahan ang kanilang sarili.
Gusto naming magkaroon ng kontrol ang mga Snapchatter sa mga bagay na ibinabahagi nila, at para gawing mas madali ito, nire-refresh namin ang aming page ng Mga Setting, upang gawing mas madaling mahanap at maunawaan ang mga nauugnay na setting. Ang Snapchat ay isang app na nagbibigay kapangyarihan sa mga tao na ipahayag ang kanilang sarili, mabuhay sa sandaling ito, matuto tungkol sa mundo, at magsaya nang sama-sama, kaya naman naglulunsad din kami ng hanay ng mga interactive na tool, tulad ng Bitmoji na may temang privacy, isang sticker pack katuwang ng International Association of Privacy Professionals (IAPP), at isang Lens na ginawa kasama ng Future Privacy Forum (FPF), isang nangungunang organisasyon sa privacy, na may kasamang swipe-up na link sa mga mapagkukunan na may pinakamahuhusay na kagawian upang protektahan ang iyong privacy online, tulad ng student privacy pangkomunikasyon na toolkit. Panghuli, mapapanood ng mga Snapchatter ang isang episode ng Safety Snapshot, ang aming channel na nakatuon sa privacy sa aming pahina ng Mga Story, na nagtatampok ng content mula sa mga kasosyo sa media at mga creator. Nagbibigay ang episode ng mga tip tungkol sa paggawa ng mga natatanging kredensyal ng account at kung paano mag-set up ng two-factor authentication.
Ngayong Araw ng Data Privacy at araw-araw, nananatiling nakatuon ang Snap sa pagprotekta sa privacy at kaligtasan ng aming komunidad. Ipagpapatuloy naming panindigan ang aming sarili sa pinakamataas na pamantayan ng privacy at kasanayan sa kaligtasan habang pinapanatili ang isang masaya, nakakaengganto at ligtas na kapaligiran para sa mga Snapchatter sa buong mundo.