Pagbabalik sa paaralan at ang kahalagahan ng pag-uulat ng mga isyu sa kaligtasan
Setyembre 3, 2024
Pagbabalik sa paaralan na sa maraming bahagi ng mundo at anong mas magandang pagkakataon para paalalahanan ang mga kabataan, magulang, at tagapagturo tungkol sa kahalagahan ng pag-report ng mga safety concern sa mga online platform at service.
Sa kasamaang palad, nagkaroon ng negatibong pananaw ang pag-report sa paglipas ng mga taon, dahil ang mga kabataan ay nasanay na sa pagkakaroon ng problematikong content at pag-uugali online, o iniuugnay ang pag-uulat sa pagiging tattletale. At, ang mga sentimentong iyon at makikita sa data. Ang mga resulta mula sa aming pinakabagong pananaliksik sa Digital Well-Being ay nagpapakita na kahit na mas maraming kabataan at mga young adult ang nakipag-usap sa iba o gumawa ng aksyon matapos makaranas ng online risk ngayong taon, halos isa sa limang tao lamang ang nag-report ng insidente sa online platform o service. Ang pag-uulat ng problematikong content at mga account ay napakahalaga upang matulungan ang mga kumpanya ng teknolohiya na alisin ang mga masamang elemento mula sa kanilang mga serbisyo at pigilan ang karagdagang aktibidad bago pa man ito magdulot ng pinsala sa iba.
Ipinapakita ng mga resulta ng survey na halos 60% ng mga kabataan at mga young adult mula sa Generation Z sa anim na bansa 1 na nakaranas ng online na panganib sa anumang platform o service – hindi lamang sa Snapchat – ay nakipag-usap sa iba o humingi ng tulong pagkatapos ng insidente. Ito ay isang nakakaaya na pagtaas ng siyam na porsyento mula noong 2023. Gayunpaman, 22% lamang ang nag-ulat ng isyu sa online na platform o service, at 21% lamang ang nag-ulat sa isang hotline o helpline, tulad ng U.S National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC) o UK's Internet Watch Foundation (IWF). Labimpitong porsyento ang nag-ulat sa mga ahensya ng batas. Sa kasamaang palad, isa pang 17% ang hindi nagsabi sa sinuman tungkol sa nangyari.
Bakit nag-aatubili ang mga kabataan na makipag-usap sa iba o magsumite ng ulat? Ipinapakita ng datos na isang napakabigat na 62% – na halos dalawang-katlo ng mga kabataan (65%) at 60% ng mga young adult – ang nagsabi na hindi nila iniisip na problema ang insidente, at sa halip at itinuturing itong isang bagay na "madalas nang nangyayari sa mga tao online." Isang-kapat (26%) ang nagsabi na hindi nila iniisip na makakaroon ng anumang mga parusa ang may sala. Ang mga pakiramdam ng kahihiyan, pagkakasala, o pagkapahiya (17%); takot na husgahan nang negatibo (15%); at "hindi nais na makapasok sa problema" ang isang kaibigan o miyembro ng pamilya (12%) ang iba pang pangunahing dahilan para sa hindi pag-uulat. Ito ay nagdudulot ng tanong sa mga pagsusuri ng ilang kabataan sa pag-moderate ng online content: Isang-kapat ng mga sumagot ang nagsabi na hindi nila iniisip na magkakaroon ng anumang mangyayari sa may sala, subalit higit sa isa sa 10 ang nagsabi na ayaw nilang maparusahan ang isang kaibigan o miyembro ng pamilya para sa paglabag sa asal. Mas maliit na porsyento ang sinisi ang kanilang sarili para sa insidente (10%) o natakot sa paghihiganti ng may sala (7%)
Pag-uulat sa Snapchat
Sa 2024 at sa hinaharap, layunin naming sirain ang mga maling paniniwala at baguhin ang pananaw tungkol sa pag-uulat sa Snapchat, at aming hinihingi ang tulong ng aming bagong Council for Digital Well-Being (CDWB), isang grupo ng 18 na mga kabataan mula sa iba't ibang bahagi ng US., na pinili upang makatulong sa pagpapalaganap ng online na kaligtasan at digital na kapakanan sa kanilang mga paaralan at komunidad.
"Papalabo ang hangganan sa pagitan ng privacy at kaligtasan ng user," sabi ni Jeremy, isang 16-taong gulang na miyembro ng CDWB mula sa California. "Ang report button ang nagpapalinaw sa malabong hangganan na iyon. Nakakatulong itong gawing mas ligtas ang Snapchat habang pinapanatili ang privacy para sa lahat. Ito ang dahilan kung bakit kailangang gamitin ng lahat ang report button kapag kinakailangan – upang makatulong na gawing mas ligtas na lugar ang Snapchat."
Sumang-ayon si Josh, isa pang kabataan mula sa California sa CWDB at itinuro ang tatlong pangunahing benepisyo ng pag-uulat sa anumang platform o serbisyo: upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng ilegal at posibleng mapanganib na content; upang alisin ang mga pekeng account o nagtatangkang magpanggap; at upang makatulong na mapigilan ang paglaganap ng maling impormasyon. Parehong pinagtutuunan ng pansin ng dalawang kabataan ang kahalagahan ng pag-uulat bilang pangunahing pokus ng kanilang karanasan sa CWDB sa susunod na taon.
Gayunpaman, kapag isinasaalang-alang ang Snapchat, marami sa mga alalahaning binanggit sa pananaliksik ay hindi talaga naaangkop. Halimbawa, sa aming serbisyo, ang pag-uulat ay kumpidensyal. Hindi namin sinasabi sa naulat na user kung sino ang nag-file ng ulat tungkol sa kanilang content at pag-uugali. Pinaaalam din namin ang mga ulat kapag natanggap namin ang mga ito at, para sa mga nagbigay sa amin ng isang nakumpirmang email address, sinasabi namin sa mga nag-uulat kung ang kanilang pagsusumite ay talagang nakatukoy ng paglabag sa ppatakaran. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na tulungan ang aming komunidad na maunawaan ang mga asal at content na pinapayagan at ipinagbabawal sa aming app. Bukod pa rito, noong nakaraang buwan, inilabas namin ang bagong feature na tinatawag na "My Reports" na nagbibigay sa lahat ng mga Snapchatter ng kakayahang subaybayan ang kalagayan ng kanilang mga ulat tungkol sa Trust and Safety na isinumite sa loob ng nakaraang 30 na araw. Sa "Settings," sa ilalaim ng "My Account." mag-scroll pababa sa "My Reports" at i-click upang tingnan.
Ang mga ipinagbabawal na content at aksyon ay nakasaad sa aming Community Guidelines, at palagi naming nais na hikayatin ang tumpak at napapanahong pag-uulat. Sa isang app na nakatuon sa pribadong mensahe tulad ng Snapchat, napakahalaga ng pag-uulat mula sa komunidad. Hindi namin matutulungan ang isang isyu maliban kung alam naming nangyari ito. At, tulad ng itinuro ng aming mga miyembro ng CDWB, ang pag-uulat ay maaaring makatulong hindi lamang sa target ng isang potensyal na paglabag, kundi pari na rin sa iba pang posibleng biktima ng parehong masamang aktor. Sa Snap, itinuturing namin ang pag-uulat bilang isang "serbisyo sa komunidad." Ang mga Snapchatter ay maaaring mag-ulat ng in-app sa pamamagitan lamang ng pagpindot ng matagal sa isang content o sa pamamagitan ng pagsagot dito sa form sa aming Support Site.
Maari ring gamitin ng mga magulang, tagapag-alaga, guro, at mga opisyal ng paaralan ang pampublikong webform, at ang mga gumagamit ng aming Family Center suite ng mga parental tools at maaaring direktang i-report ang mga nakakaalarmang account sa feature na iyon. Kamakailan lang din naming inilunsad ang Educator's Guide to Snapchat upang higit pang tulungan ang mga opisyal ng paaralan sa pagpapalaganap ng malusog at sumusuportang digital na kapaligiran para sa kanilang mga mag-aaral. Para sa karagdagang impormasyon kung paano mag-ulat kahit na wala kang Snapchat, tingnan ang Fact Sheet na ito.
Pagpapalaganap ng mga positibong karanasan online
Ang pagpapalaganap ng mas ligtas, mas malusog, at mas positibong karanasan online sa Snapchat at sa buong tech ecosystem ay pangunahing priyoridad sa Snap, at walang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan at kapakanan ng aming komunidad. Ang pagkakaroon ng mas mabuting pag-unawa sa mga saloobin at pag-uugali ng mga Snapchatter, pati na rin ng mga gumagamit ng iba pang platform, ay mahalaga sa pagsulong ng layuning iyon at ang pangunahing motibasyon sa aming patuloy na pananaliksik.
Ang buong resulta mula sa aming Year Three na pag-aaral, kabilang ang aming pinakabagong Digital Well-Being Index, ay ilalabas kasabay ng international Safer Internet Day 2025. Ibinabahagi namin ang ilang maagang natuklasan sa panahon ng balik-eskwela upang paalalahanan ang mga pamilya at komunidad ng paaralan tungkol sa kahalagahan ng pananatiling ligtas online.
Inaasahan naming maibahagi ang higit pang impormasyon sa mga buwan bago – at sa mismong – Safer Internet Day 2025, sa Pebrero 11. Hanggang doon, magsimula tayong bumalik sa paaralan na pinapalaganap ang kaligtasan online, at maging handa at bukas sa pag-uulat ng anumang bagay na maaaring magdulot ng alalahanin – sa Snapchat o sa anumang online na serbisyo.
— Jacqueline F. Beauchere, Global Head ng Platform Safety