Snap & The Alliance to Prevent Drug Harms
July 11, 2024
Snap & The Alliance to Prevent Drug Harms
July 11, 2024
Ngayon, ipinagmamalaki ng Snap na sumali sa dalawang kapwa tech company, sa gobyerno, at sa United Nations (UN) sa paglulunsad ng The Alliance to Prevent Drug Harms, isang public-private partnership na nakatuon sa paglaban sa ipinagbabawal na online drug activity at pagpapalakas sa mga pagsisikap para magkaroon ng kaalaman at mabigyan ng impormasyon ang mga tao, sa online at offline.
Sa ceremony sa U.S. Mission to the UN sa New York kaninang umaga, lumagda ang Snap, ang U.S. State Department, at mga kasama sa Meta at X bilang mga founding member ng initiative na ito, na pangangasiwaan ng UN Office on Drugs and Crime (UNODC).
Habang nagpapasalamat talaga kami kay U.S. Ambassador to the UN Linda Thomas-Greenfield, Ambassador Christopher Lu, Deputy Assistant Secretary Maggie Nardi, at mga kinatawan mula sa UNODC at mga kapwa tech company, hinihikayat namin ang iba pang technology platform at serbisyo na sumali sa mahalagang laban na ito sa isang isyung panlipunan na nangangailangan ng ating pinagsama-samang aksyon.
Katunayan, ayon nga sa inihayag ng U.S. Drug Enforcement Administration sa website nito, ginagamit ng mga criminal drug network ang mga social media platform para mapalawak ang kanilang naaabot, gumawa ng mga bagong market, at mag-target ng mga bagong customer. Katunayan, umabot na sa antas na epidemic ang fentanyl crisis sa U.S. Mahigit 100,000 tao na sa bansang ito ang namatay dahil sa drug overdose sa loob ng 12 buwan kung saan fentanyl ang pangunahing sanhi. Nakakalungkot na marinig namin ang ganitong mga nakakalungkot na kuwento na nagbibigay ng detalye sa mga trahedyang iyon. Talagang nakakalungot—sa mga magulang at kapamilya, sa amin sa Snap, at sa buong mundo.
Pagdating sa pakikipagkomunikasyon sa ating mga totoong kaibigan, alam naming Snapchat ang pinipiling platform ng mga teenager at young adult sa U.S. at sa maraming bansa sa buong mundo. Naaabot ng Snapchat ang 90% ng mga nasa 13–24 na taong gulang sa bansang ito. Alam namin na susubukan ng masasamang tao na gamitin sa maling paraan at abusuhin ang aming platform para makipag-ugnayan sa mga mahihina at madaling maimpluwensiyahang audience.
Simula noong 2021, nakita sa U.S. ang pagtaas ng bilang ng mga trahedyang dulot ng fentanyl, at mula noon ay nilalabanan na ng Snap ang maling paggamit ng aming platform para sa ganoong aktibidad. Nagtaguyod kami ng strategy para sa buong kompanya para maging isang hostile environment ang Snapchat para sa mga nagpapatakbong drug dealer at kumakalat na drug content. Kasama rito ang pagbuo at paglulunsad ng teknolohiya na proactive na tutukoy sa content tungkol sa ipinagbabawal na gamot at aktibidad na may kaugnayan sa drugs; pagpapaigting ng suporta namin sa mga imbestigasyon ng mga tagapagpatupad ng batas at paggawa ng mga proactive na referral sa mga tagapagpatupad ng batas na umaasang magkakaroon ng imbestigayon; at direktang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga potensyal na nakakamatay na panganib at pinsalang dulot nito sa mga Snapchatter sa aming app at sa mas malaking publiko.
Habang binubuo ang aming mga internal na pagsisikap, noong mga unang buwan ng 2022, nakipag-ugnayan kami sa Meta para i-explore ang pagbabahagi ng mga pattern at signal ng content at aktibidad na nauugnay sa ipinagbabawal na gamot sa aming mga platform. Pagkalipas ng dalawang taon. naging sentro ng mga tech company ang programang iyon, na nagtaguyod sa una sa tatlong layunin ng bagong Alliance:
Pagbabahagi ng best practice para pigilan ang ipinagbabawal at mapaminsalang online drug activity
Mga pagsisikap sa pagbibigay ng kaalaman at impormasyon—sa online at offline—para pigilan ang hindi medikal na paggamit ng mga synthetic drug
Nakatulong ang pagtutulungan ng mga sector sa mga campaign at tool para tugunan ang pagpigil sa overdose at pagsuporta sa mga taong naghahanap ng opsyon sa pagpapagamot.
Sa Snap, palagi naming sinasabi na posibleng hindi matapos ang gawain namin sa space na ito, pero hinihikayat namin ang sama-samang kagustuhan ng Alliance na ito na gagawa ng mapangahas at mahalagang hakbang papunta sa tamang direksyon.
— Jacqueline Beauchere, Global Head of Platform Safety ng Snap