Ang Aming Transparency Report para sa Unang Bahagi ng 2024
Disyembre 4, 2024
Ngayon, ay ilalabas namin ang aming pinakabagong transparency report na sumasaklaw sa unang bahagi ng 2024.
Sa Snapchat, mahalaga ang mga transparency report upang ibahagi ang aming pag-usad patungo sa isang pangunahing prayoridad: kaligtasan ng mga Snapchatter. Sa bawat report, inaasahan naming mas mapalawak ang kaalaman ng aming komunidad tungkol sa aming mga tool at matibay na pagsisikap para sa kaligtasan.
Bagamat ang malaking bahagi ng aming mga pagpapatupad ay batay sa mga report na natatanggap namin, nagsasagawa rin kami ng mga hakbang upang maagap ang pagtukoy at pagpapatupad laban sa mga paglabag sa Community Guidelines ng Snapchat gamit ang mga tool tulad ng machine learning at keyword detection. Simula sa report na ito, magbabahagi kami ng mas detalyadong data, sa parehong pandaigdigan at pambansang antas, nauugnay sa mga maagap na hakbang na iyon, na magbibigay ng pananaw sa kabuuang bilang ng mga maagap na pagpapatupad, natatanging mga account na naipatupad, at median na oras ng pagtugon sa mga pagpapatupad na iyon. Gaya ng nakabalangkas sa report na ito, nagsagawa kami ng higit sa 3.4 milyong maagap na aksyon sa pagpapatupad sa unang bahagi ng 2024 gamit ang mga tool na ito.
Nagdagdag rin kami ng bagong seksyon sa itaas ng report, na nagbibigay ng pinagsamang pangkalahatang-ideya sa aming mga maagap at reaktibong pagsisikap. Ang bagong seksyong ito ay kumplementaryo sa mga nakalaang seksyon na nagre-report ng mas detalyado tungkol sa aming mga reaktibo at maagap na pagpapatupad.
Sa Snapchat, ang kaligtasan ng aming komunidad ay isang pangunahing prayoridad at patuloy naming ibabahagi ang aming pag-usad sa larangang ito sa pamamagitan ng mga bi-annual na transparency report.