Isang Natatanging Campaign para Labanan ang Online na Sekswal na Pananamantala at Pang-aabuso ng Bata

Abril 17, 2024

Ilegal, napakasama, at bilang paksa ng isang magalang na chat, karaniwang taboo, ang sekswal na pananamantala at pang-aabuso ng mga bata. Pero hindi puwedeng ipagsawalang-bahala ang ganitong karumal-dumal na krimen. Kailangang talakayin ang mga ito ng pamahalaan, mga boardroom, at sa mga kusina. Kailangang matutunan ng kabataan ang mga sekswal na panganib online, at kailangang maunawaan ng mga nasa hustong gulang ang mga isyu para matulungan nila ang kabataang nakararanas ng krisis. Ito ang dahilan kung bakit isang karangalan para sa Snap na maging isang founding supporter ng “Know2Protect,” ang natatanging campaign para sa pampublikong kaalaman na inilunsad ngayong araw ng U.S. Department of Homeland Security (DHS).

Mula sa paggawa at pamamahagi ng mga ipinagbabawal na larawan hanggang sa grooming ng mga bata para sa mga layuning sekswal at pinansyal na nauudyukan na "sextortion," magdadala ng liwanag ang Know2Protect sa isang range ng mga sekswal na pinsala na nakakaapekto sa mga bata at teenager. Magbibigay ng kaalaman at kakayahan ang campaign sa mga kabataan, magulang, pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang, at mga gumagawa ng batas para tumulong sa pag-iwas at paglaban sa ganitong mga krimen. 

Isang maagang collaborator ang Snap sa DHS at sumasang-ayon na may pangangailangan para sa isang umaalingawngaw na mensahe para maabot ang range na ito ng mga audience sa buong bansa at sa buong mundo. Bilang suporta, nag-donate kami ng advertising space para sa Know2Protect para mag-post ng pang-edukasyong material sa Snapchat, na nakakatulong na maabot ang mga teenager nasaan man sila, at itatampok namin ang campaign sa aming platform at sa aming Hub ng Privacy at Kaligtasan.

Dagdag pa, nagsasagawa kami ng bagong pananaliksik sa mga teenager (edad 13–17) at mga yound adult (edad 18–24) sa U.S. tungkol sa iba't ibang dimensyon ng sekswal na pananamantala at pang-aabuso ng bata (child sexual exploitation and abuse, CSEA) online, na tutulong para lalong magkaroon ng kaalaman para sa campaign at sa aming mga sariling pagsisikap na patuloy na labanan ang nakakakilabot na pang-aabuso sa lahat ng platform at serbisyo. 

Mga resulta ng pananaliksik

Mula Marso 28, 2024 hanggang Abril 1, 2024, nagtanong kami sa 1,037 na teenager at young adult, tungkol sa kanilang pagkalantad sa at kaalaman tungkol sa iba't ibang online na sekswal na krimen laban sa mga menor-de-edad. Tumugon ang mga kalahok, na binanggit ang kanilang mga karanasan sa isang range ng mga online platform at serbisyo, hindi lang sa Snapchat. Kasama sa ilang paunang mahalagang natuklasan ang:

  • Karaniwan ang mga online na panganib sa maraming teenager at young adult, kung saan mahigit two-thirds (68%) ang nag-ulat na nakapag-share ng maselang larawan online o nakaranas ng "grooming" 1 o "catfishing" 2 na asal.

  • Laganap ang mga peke o nagpapanggap na tao online at pangunahing nagdudulot ng pagkalantad sa digital na panganib. Sa mga nagbahagi ng maseselang larawan, o nakaranas ng grooming o catfishing na gawi, siyam sa 10 (90%) ang nagsabing nagsinungaling ang kabilang panig (iba pang tao) tungkol sa kanilang pagkakakilanlan. ​

  • Ang pagsi-share ng maseselang larawan at catfishing ay mga paraan na may mataas na panganib para magkaroon ng online na "sextortion," 3 at halos kalahati ng mga ito na nag-share ng maseselang larawan ang nakaranas mapagbantaan ng sextortion. Mas madaling mabiktima ng sextortion ang mga lalaki kaysa sa mga babaw (51% vs. 42%), at mas karaniwan sa mga lalaki (34% vs 9%) ang sextortion sa pananalapi—paghingi ng pera, mga gift card, o iba pang bagay na may halaga mula sa target. Sa ganoong mga sitwasyon mas madalas humiling sa mga babae ng karagdagang sekswal na larawan (57% vs 37%). ​

  • Sa kasamaang palad, bagama't hindi na nakakagulat, malaking bahagdan ng mga teenager at young adult (41%) na nakararanas ng isa sa tatlong panganib na ito ang itinatago lang ito sa kanilang sarili. 37% lang ang nag-report na nakaranas ng grooming sa online platform, sa tagapagpatupad ng batas, at/o sa isang hotline.​ Ang maselang larawan ang tanging panganib kung saan isang malusog—pero hindi pa rin sapat—na bahagdan ng mga tina-target (63%) ang nag-report ng problema; mahigit kalahati (56%) ang nagsabing nag-report sila ng sextortion sa pananalapi na nangyari sa pamamagitan ng catfishing.

Binibigyang-diin ng mga pinakahuling finding na ito ang kasalukuyang pag-aaral ng Snap tungkol sa digital na kalagayan, na noong nakaraang taon ay may kasamang mas malalim na pagsusuri ng online sextortion sa mga teenager at young adult. 

Pinaplano naming ulitin ang pag-aaral sa ibang pagkakataon ngayong taon para tulungang sukatin ang impact ng Know2Protect campaign sa mga teenager at young adult sa buong bansa.

Ginagawa ng Snap para labanan ang online na sekswal na pang-aabuso 

Dagdag pa sa pagsusulong ng kamalayan tungol sa mga potensyal na pinsalang ito, nakatuon kami sa pag-aalis ng content at gawi na ito sa aming serbisyo. 

Determinado kaming gawing isang hostile environment ang Snapchat sa mga ilegal na aktibidad at magkaroon ng patakarang zero-tolerance sa anumang content o aksyon na nagsasangkot ng maling gawi sa isang menor-de-edad. Mabilis namin tinatanggal ang lumalabag na content, nagsasagawa ng aksyon laban sa mga nakakasakit na account, at i-report ang mga ito sa U.S. National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), saanman sa mundo makikita ang content. Gumagamit kami ng advanced na teknolohiya para proactive na tukuyin ang mapaglabag na material, at hinihikayat namin ang mga miyembro ng komunidad ng Snapchat, pati na rin ang kanilang mga kaibigan at kapamilya, na posibleng gumagamit ng app, na i-report ang mga isyu sa amin at sa lokal na nagpapatupad ng batas. Nagsasagawa ng magandang serbisyo ang mga miyembro ng ating komunidad kapag nakikipag-ugnayan sila, na pinoprotektahan ang iba laban sa potensyal na pinsala. Nakikilahok din tayo sa Take It Down initiative ng NCMEC at hinihikayat ang kabataan na alamin pa ang tungkol dito at, kung kailangan, lumahok sa programa. (Mayroon ding katumbas nito para sa mga nasa hustong gulang, na sinalihan din ng Snap noong nakaraang taon, at tinatawag na StopNCII.)   

Nakikipag-ugnayan din kami sa iba pang eksperto sa buong mundo, dahil walang iisan entity o organisaayon ang makakagawa ng malaking impact sa mga isyung ito. Kinakatawan ng Snap ang lahat tng industriya sa pandaigdigang Policy Board ng WeProtect Global Alliance; miyembro kami ng Advisory Council ng INHOPE at Funding Council ng UK Internet Watch Foundation; at noon nakaraang taon, natapos namin ang dalawang taong termino sa Executive Committee ng Board of Directors ng Technology Coalition. Pangunahing misyon ng lahat ng organisasyong ito ang pagpuksa sa online CSEA.

Sinusuportahan namin ang mga solusyong batas gaya ng Kids Online Safety Act, ang REPORT Act, at ang SHIELD Act sa U.S., at tinutulungan namin ang mga ahensya ng nagpapatupad ng batas sa kanilang mga imbestigasyon para mapatawan ng parusa ang mga nang-aabuso. Namumuhunan din kami sa mga pang-edukasyong resource sa app at sa aming website at noong nakaraang taon, nagdagdag kami ng apat na bagong short-form video tungkol sa iba't ibang sekswal na panganib.  

Ang pagsuporta sa Know2Protect ay bahagi ng pagsisikap ng Snap sa loob ng maraming taon. Binabati namin ang DHS sa kanilang paglulunsad ngayon at kinikilala ang mga pagsisikap nito na mabigyan ng kaaalam ang publiko tungkol sa mahalagang role ng bawat isa sa atin sa pagtulong na pigilan ang ganitong masasamang pinsala sa buong tech ecosystem.   

— Jacqueline Beauchere, Global Head of Platform Safety

Bumalik sa Mga Balita

1

Nangyayari ang online grooming para sa mga layuning sekswal kapag nakikipagkaibigan ang isang tao, karaniwang nasa hustong gulang, sa isang menor de edad para sa layuning makisali sa sekswal na pagsasamantala, paggawa ng imahe, o personal na pakikipag-ugnayan.

2

Nangyayari ang catfishing kapag nagpapanggap ang isang offender na isang taong hindi siya para umakit ng target na magbahagi ng personal na impormasyon o sekswal na imahe.

3

Nangyayari ang online sextortion kapag ang isang nang-aabuso ay nakakuha sa anumang paraan o nag-aangking nagmamay-ari ng intimate imagery ng indibidwal at pagkatapos ay nagbabanta o naghahangad na i-blackmail ang target sa pamamagitan ng paghingi ng pera, gift card, marami pang sekswal na imahe, o iba pang personal na impormasyon bilang kapalit ng hindi paglalabas sa materyal sa pamilya at friends ng tinedyer sa pamamagitan ng mga online na channel.

1

Nangyayari ang online grooming para sa mga layuning sekswal kapag nakikipagkaibigan ang isang tao, karaniwang nasa hustong gulang, sa isang menor de edad para sa layuning makisali sa sekswal na pagsasamantala, paggawa ng imahe, o personal na pakikipag-ugnayan.

2

Nangyayari ang catfishing kapag nagpapanggap ang isang offender na isang taong hindi siya para umakit ng target na magbahagi ng personal na impormasyon o sekswal na imahe.

3

Nangyayari ang online sextortion kapag ang isang nang-aabuso ay nakakuha sa anumang paraan o nag-aangking nagmamay-ari ng intimate imagery ng indibidwal at pagkatapos ay nagbabanta o naghahangad na i-blackmail ang target sa pamamagitan ng paghingi ng pera, gift card, marami pang sekswal na imahe, o iba pang personal na impormasyon bilang kapalit ng hindi paglalabas sa materyal sa pamilya at friends ng tinedyer sa pamamagitan ng mga online na channel.