Paano Namin Ginagamit ang Iyong Impormasyon

Ginawa ang services namin para maging simple at madaling gamitin, pero maraming kailangang gawin para mapanatiling gumagana ang mga ito! Ang isa sa mga pangunahing elemento na nagpapatakbo sa aming mga product ay impormasyon na na-share o nalalaman — kaya heto ang maikling walkthrough sa impormasyong ginagamit namin, at kung paano namin ito ginagamit!

Bumuo ng Mga Bagong Feature at Pahusayin Ang Mga Kasalukuyang Feature

Unang paksa: pagbubuo. Mahigpit na nagtutulungan ang aming teams upang bumuo ng masaya at malikhaing bagong features. Matutulungan mo ang aming development team araw-araw sa simpleng paggamit lang ng aming mga produkto!
Halimbawa, tinitingnan namin ang Filters at Lenses na pinakaginagamit ng Snapchatters upang pagpasyahan kung ano ang susunod naming gagawin. Marami sa aming features ang binubuo gamit ang parehong paraan, upang magawa namin ang pinakamahusay at makagawa kami ng mga bagay na gusto mo!
Palagi kaming naghahanap ng mga paraan para mapaunlad rin ang aming mga serbisyo. Minsan, iibahin namin ang paggana ng isang feature o ang hitsura ng app. Matutulungan kami ng impormasyon mo na pagpasyahan kung ano-anong pagpapahusay ang gagawin namin. Halimbawa, kayang hulaan ng Snapchat kung sino-sino ang best friends mo, batay sa pinakamadalas mong kinakausap — kaya mailalagay sila ng app sa pinakataas ng iyong Send To screen upang mas padaliin pa ang pakiki-Snap sa kanila. Matutulungan kami ng pag-aaral ng data mula sa maraming Snapchatter na makita ang mga trend kung paano ginagamit ng mga tao ang app. Nahihimok kami nitong mas paunlarin pa ang Snapchat sa malalaki at mas masaklaw na paraan!

Patuloy na Pinapagana ang Mga Bagay

Susunod: pagpapatakbo. Gumagana ang mga produkto namin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang impormasyong hinihingi ninyo — tulad ng Snap na gusto mong ipadala sa isang friend o i-add sa Spotlight. Pwedeng gamitin ng mga partikular na feature, tulad ng Snap Map, ang iyong lokasyon upang matulungan kang i-explore ang Map at ibahagi ang iyong lokasyon sa friends mo. Pwede mo ring gamitin ang Snapcodes upang mag-share ng mga website, Lenses, at friends sa ibang Snapchatters.
Upang patuloy na paganahin ang mga bagay, sinusubaybayan din namin kung paanong ginagamit ang aming mga produkto at feature, sinusuri namin ang mga trend, at pinakikinggan namin ang inyong feedback upang mapahusay ang mga ito araw-araw! Halimbawa, maaari naming suriin kung gaano ka katagal nasa app, anong Mga Filter o Lenses ang pinakamadalas mong ginagamit, at ang content ng Spotlight na gusto mong panoorin. Natutulungan kami nitong maunawaan kung anong laganap sa ating komunidad — at pinaaalam sa mga publisher kung anong content ang pinaka-ikinatutuwa ng mga tao!
Ginagamit din namin ang ilan sa iyong impormasyon upang mapanatiling napapanahon ang aming mga produkto. Bilang kumpanya ng teknolohiya, mahalagang tiyaking maaaring mag-record ang aming camera sa mataas na kalidad, sa maraming iba't ibang device hangga't maaari. Kaya kung may bago kang phone sa araw ng pag-launch, maaari naming tasahin ang performance ng iyong device upang matiyak na naiaakma namin ang Snapchat dito!
Gayundin, kapag naglabas kami ng mga bagong bersyon ng app, kailangan naming tiyakin na gumagana ito nang maayos sa iba't ibang operating system at device. Mahigit isang bilyong Snaps ang nililikha at naisi-share araw-araw, kaya sinusuri din namin ang dami ng Snaps upang matiyak na maihahatid namin ang mga ito nang mabilis at ligtas.

Pine-personalize ang Iyong Karanasan at Binibigyang Konteksto ang Mga Bagay

Walang dalawang tao ang magkapareho, kaya ginagamit namin ang ilan sa iyong impormasyon upang mai-akma ang iyong karanasan sa Snapchat nang para lang sa iyo! Halimbawa, pine-personalize namin ang content ng Spotlight na nakikita mo — kaya kung nagpapakita ka ng interes sa sports, maaari kang makakita ng mas maraming sports content. O, kung madalas kang nagpo-post ng mga larawan ng iyong tuta sa My Story, maaaring mahuhulaan namin na mahilig ka sa mga aso at susubukan naming magpakita ng content na akma sa iyong mga interes!
Maaari rin naming i-akma ang Search screen upang itampok ang content kung saan maaaring maging interesado ka, at bigyan ka ng personalisadong buod ng iyong Memories. Kung alam naming kaarawan mo, maaari kaming magbigay sa iyo at sa friends mo ng special Lens para makatulong sa pagdiriwang! Pwede rin naming i-akma ang ads, Search, Filters, Snap Map, at Lenses upang maging tunay na kakaiba ang karanasan mo sa Snapchat.
Gumagamit din kami ng impormasyon upang makatulong sa pagbibigay ng kaunting konteksto sa iyong Snaps, batay sa kinaroroonan mo at sa nangyayari sa paligid mo! Kabilang dito ang stickers na nagpapakita ng oras, lokasyon, panahon, o espesyal na Lenses at Filters na sinadya para sa kinaroroonan mong event. Ginagamit din namin ang impormasyong ito upang i-ayos ang iyong Memories, para maging organisado ito batay sa kung kailan at saan sila kinuha.
Para sa karagdagang kaalaman kung paano namin pine-personalize ang iyong karanasan, pakibasa dito.

Pinapanatiling Safe at Secure ang Aming Services

Mahalaga sa amin na ligtas at secured ka hangga't maaari tuwing ginagamit mo ang aming services, kaya ginagamit namin ang ilan sa iyong impormasyon upang pahusayin ang mga aspetong ito ng aming products! Halimbawa, naglalaan kami ng two-factor authentication upang tiyaking ligtas ang iyong account at pwede kang magpadala ng email o text message kapag may napansin kaming kahina-hinalang aktibidad. Maaari rin naming i-scan ang mga URL na ipinadadala sa Snapchat upang makita kung pwedeng makapinsala ang webpage na iyon, at mabibigyan ka namin ng babala tungkol dito.

Nagbibigay ng Mga May-kaugnayang Ad

Sa tingin namin, pinakamahusay ang ads kung may kaugnayan ang mga ito — mas gusto ng mga advertiser ito at sa tingin namin, mas magugustuhan mo rin ito. Kaya ginagamit namin ang ilan sa mga impormasyong nalalaman namin tungkol sa iyo upang subukan at piliin ang tamang ads sa tamang oras. Halimbawa, kung nag-click ka sa maraming ads para sa video games, maaari naming dagdagan ang ads na iyon! Pero ginagamit din namin ang iyong impormasyon para iwasan ang pagpapakita sa iyo ng ads na malamang na hindi mo magustuhan. Halimbawa, kapag sinabi sa amin ng isang ticketing site na nakabili ka na ng mga ticket para sa isang pelikula — o kung binili mo iyon sa pamamagitan ng Snapchat — pwede naming itigil ang pagpapakita ng ads noon sa iyo. Matuto ng higit pa.

Nakikipag-ugnayan sa Iyo

Minsan, makikipag-ugnayan kami sa iyo upang ipasilip sa iyo ang mga bagong feature na ilalabas namin, mga promotion, at iba pang katulad noon. Halimbawa, nagpadala kami ng Chat sa maraming Snapchatters para ipaalam sa kanila na inilabas na ang Group Video Chat. Pangunahing ginagawa namin ito sa app, pero minsan ay magse-send kami sa iyo ng email, text message, o makikipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng iba pang messaging platforms. Ginagamit din namin ang iyong impormasyon para balikan ka kapag nakipag-ugnayan ka sa aming Support team o para paalalahanan ka tungkol sa mga message o kahilingang naghihintay para sa iyo. Ayaw rin namin ng spam, kaya sinusubukan naming limitahan ang mga email at mensaheng ipinapadala namin.

Ipinapatupad ang Terms at Policies

Ang huling kategorya ay ang legal. Madalas, ito ang pinaka-boring na kategorya, pero mahalaga rin ito! Sa ilang kaso, ginagamit namin ang iyong impormasyon para sa mga layuning legal. Halimbawa, kapag may naka-post na content na labag sa batas sa Snapchat o sa iba pang serbisyo namin, maaaring kailanganin naming ipatupad ang aming mga Palatuntunan sa Serbisyo at iba pang mga policy. Sa ilang mga kaso, maaari rin naming gamitin o ibahagi ang iyong impormasyon upang makipagtulungan sa mga kahilingan sa pagpapatupad ng batas o sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Tingnan ang aming Transparency Report para makaalam pa.