Snap Values

Mga Tagubilin sa Pag-access ng Data ng Researcher

Overview ng Saklaw at Proseso

Kung isa kang researcher na may mga hindi komersyal na layunin at nais mong humiling ng access sa data sa Snapchat alinsunod sa Digital Services Act (DSA), puwede mong isumite ang iyong kahilingan para sa pananaliksik sa pamamagitan ng DSA Data Access Portal na pinapanatili ng European Commission.

Kapag nakapagsumite na ng Kahilingan para sa Pag-access ng Data sa pamamagitan ng DSA Data Access Portal, ire-review at ive-vet ng Dutch Digital Services Coordinator ang Kahilingan. Kapag naaprubahan na, ifo-forward ang Kahilingan sa Snap.

Pakitandaang ang mga Kahilingan lang para sa Pag-access ng Data na isinumite sa pamamagitan ng Portal sa itaas at na-review at naaprubahan ng Digital Services Coordinator ang ipoproseso.

Snap DSA Data Catalog

Sa ibaba, makikita ang isang paglalarawan sa mga Asset ng Data na puwedeng i-access kasama ang istruktura ng data at metadata ng mga ito:

  1. Content sa Spotlight

    • Identifier ng User

    • Petsa ng Pagsusumite

    • Bansa 

    • Data sa Engagement

    • Content ID

    • Pampublikong Link

  2. Pampublikong Content ng Story

    • Bansa

    • Identifier ng User

    • Petsa ng Pagsusumite

    • Content ID

    • Pampublikong Link

  3. Content ng Story sa Mapa

    • Content ID

    • Identifier ng User

    • Petsa ng Pagsusumite

    • Bansa 

    • Data sa Engagement

    • Pampublikong Link

  4. Mga Komento sa Spotlight

    • Content ID

    • Petsa ng Pagsusumite

    • String ng Komento

    • Identifier ng User

    • Bansa 

  5. Data sa Pampublikong Profile

    • Identifier ng User

    • Data sa Engagement

    • Pampublikong Link

Modality ng Pag-access ng Data

Magbibigay ang Snap ng isang protektadong link sa cloud storage para sa pag-access sa data.

Point of Contact sa Snap

Para sa anumang tanong na nauugnay sa prosesong ito, maaaring makipag-ugnayan sa amin ang researcher sa pamamagitan ng sumusunod na email address: DSA-Researcher-Access[at]snapchat.com