Privacy Policy

Pagpapatupad : Agosto 15, 2023

Ang Snap Inc. ay isang kumpanya ng teknolohiya. Ang mga product at serbisyo namin— kasama ang Snapchat, Bitmoji, Spectacles, at iba pang hardware, advertising, commerce, at iba pang naka-link sa Privacy Policy na ito— ay naghahatid ng mabilis, masaya, at mga naka-personalize na paraan para ipahayag ang sarili mo, i-enjoy ang buhay, matuto tungkol sa mundo, at sama-samang magsaya!

Kapag ginamit mo ang mga serbisyong ito, magse-share ka ng ilang impormasyon sa amin. Kaya gusto naming maging tapat tungkol sa impormasyong kinokolekta namin, paano namin ito ginagamit, paano ito sine-share, at ang mga kontrol na mayroon ka.

Ginawa namin ang aming makakaya para isulat at Privacy Policy na ito sa paraang madali itong maunawaan ng lahat ng user namin at walang malalalim na salita at legal na pahayag. Kung may gusto kang i-review sa ibang pagkakataon, pwede mo itong balikan sa Privacy Center namin. Idinisenyo namin ito para bigyan ka ng mga madaling ma-disest na buod ng aming mga kasanayan sa privacy. Halimbawa, nagbibigay ang pahina naming Privacy ayon sa Product ng product-specific na impormasyon at mga link para suportahan ang mga pahina ng tips at tricks. Mayroon pa ring mga tanong? Makipag-ugnayan lang sa amin.

Impormasyong Kinokolekta Namin

May tatlong pangunahing kategorya ng impormasyong kinokolekta namin:

  • Impormasyong ibinibigay mo.

  • Impormasyong nakukuha namin kapag ginagamit mo ang aming serbisyo.

  • Impormasyong nakukuha namin sa mga third party.

Narito ang ilan pang detalye sa bawat isa sa mga kategoryang ito.

Impormasyong Iyong Ibinibigay

Kapag nakipag-ugnayan ka sa aming mga serbisyo, kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin. Halimbawa, marami sa mga serbisyo namin ang mangangailangang mag-set up ka ng account, kaya kailangan naming mangolekta ng ilang mahalagang detalye tungkol sa iyo, gaya ng pangalan, username, password, email address, phone number, at petsa mg kapanganakan mo. Maaari din naming hilingin sa iyong ibigay sa amin ang ilang karagdagang impormasyong makikita ng publiko sa aming mga serbisyo, gaya ng profile picture o Bitmoji avatar. At kung ginagamit mo ang mga produkto naming pang-commerce para bumili ng isang bagay, tulad ng pinakabagong sneakers na iyon, pwede naming hingin ang impormasyon mo sa pagbabayad, tulad ng numero ng debit o credit card, at nauugnay na impormasyon ng account.

Siyempre, bibigyan mo rin kami ng anumang impormasyong ise-send mo sa pamamagitan ng mga serbisyo namin, gaya ng Mga Snap at Chat, mga pag-uusap sa My AI, mga pagsusumite sa Spotlight, impormasyon sa Public Profile, Memories, at higit pa. Tandaan na ang mga user na tumitingin sa iyong Mga Snap, Chat, at anumang iba pang content ay maaaring palaging i-save ang content na iyon o kopyahin ito sa labas ng app. Kaya, ang parehong common sense na nalalapat sa internet sa pangkalahatan ay nalalapat din sa aming mga serbisyo: huwag mag-send ng mga mensahe o mag-share ng content na hindi mo gugustuhing i-save o i-share ng sinuman.

Kapag kinontak mo ang Support o makipag-ugnayan ka sa amin sa anumang iba pang paraan, kokolektahin namin ang anumang impormasyong iboboluntaryo mo o na kailangan namin para maresolba ang katanungan mo.

Impormasyong Nakukuha Namin Kapag Ginagamit Mo ang Aming Mga Serbisyo

Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa kung alin sa mga serbisyo na iyon ang ginamit mo at kung paano mo ginamit ang mga ito. Maaaring alam namin, halimbawa, na nanood ka ng partikular na Story, nanood ng mga video ng pusa sa Spotlight, nakakita ng partikular na ad para sa partikular na yugto ng panahon, nag-explore sa Snap Map, at nagpadala ng ilang Snap. Narito ang mas kumpletong paliwanag tungkol sa mga uri ng impormasyong kinokolekta namin kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo:

  • Impormasyon sa Paggamit. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa pamamagitan ng aming services. Halimbawa, maaari naming kolektahin ang impormasyon tungkol sa:

    • kung paano ka mag-interact sa mga serbisyo namin, gaya ng kung aling Mga Filter o Lenses ang tinitingnan o inilalapat mo sa Mga Snap, kung aling Stories ang pinapanood mo, kung gumagamit ka man ng Spectacles, ang mga interaksyon mo sa My AI, o kung aling mga search query ang isina-submit mo.

    • kung paano ka nakikipag-usap sa iba pang Mga Snapchatter, tulad ng mga pangalan nila, oras at petsa ng mga komunikasyon mo, ang bilang ng mga mensaheng ipinagpapalit mo sa friends mo, kung sinong friends ang pinakamadalas mong nakakapalitan ng mensahe, at ang mga interaksyon mo sa mga message (tulad ng kapag nagbukas ka ng mensahe o nakita naming naka-capture ka ng screenshot).

  • Impormasyon ng Content. Kapag ginamit mo ang mga serbisyo namin, pwede kang makipag-ugnayan sa camera o creative tools at gumawa at mag-share ng iba't ibang uri ng content kabilang ang Stories, Mga Snap, at higit pa. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa content na iyong ginagawa o ibinibigay sa mga serbisyo namin, at ang iyong pakikipag-ugnayan sa camera at creative tools. Para sa ilang partikular na content, pwedeng kabilang dito ang impormasyon batay sa content ng imahe, video, at audio. Halimbawa, kung mag-post ka ng Snap ng Spotlight na naglalaro ka ng basketball, pwede naming ipakita sa iyo ang iba pang Mga Snap ng Spotlight tungkol sa basketball. Pwede rin kaming mangolekta ng iba pang impormasyon tungkol sa content, kabilang ang metadata — na impormasyon tungkol sa content mismo tulad ng petsa at oras na ito ay nai-post at kung sino ang nag-view rito.

  • Impormasyon ng Device. Kinokolekta namin ang impormasyon mula at tungkol sa mga device na ginagamit mo. Halimbawa, maaari tayong manglekta ng:

    • impormasyon tungkol sa iyong hardware at software, tulad ng modelo ng hardware, bersyon ng operating system, memory ng device, mga identifier sa pag-advertise, mga natatanging identifier ng application, mga app na naka-install, mga natatanging identifier ng device, data ng paggamit sa device, uri ng browser, mga keyboard na naka-install, wika, level ng baterya, at time zone;

    • impormasyon mula sa mga sensor ng device, tulad ng mga accelerometer, gyroscope, compass, mikropono, at kung may nakakonekta kang mga headphones; at

    • impormasyon tungkol sa iyong mga koneksyon sa network sa wireless at mobile, tulad ng mobile phone number, service provider, IP address, at lakas ng signal.

  • Phonebook ng Device. Dahil tungkol sa pakikipag-ugnayan sa friends ang mga serbisyo namin, maaari kaming — nang may pahintulot mo — mangolekta ng impormasyon mula sa phonebook ng device mo, gaya ng contacts at kaugnay na impormasyon mo.

  • Camera, Mga Larawan, at Audio. Marami sa aming mga serbisyo ang nangangailangang mangolekta kami ng mga imahe at iba pang impormasyon mula sa camera, mga larawan, at microphone ng device mo. Halimbawa, hindi ka makakapagpadala ng Snaps o makakapag-upload ng mga larawan mula sa iyong camera roll maliban kung maa-access namin ang iyong camera o mga larawan.

  • Impormasyon ng Location. Kapag ginagamit mo ang aming mga serbisyo, maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong location. Sa pahintulot mo, pwede rin kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa eksaktong location mong kinabibilangan ng mga pamamaraan tulad ng mga signal ng GPS.

  • Impormasyong Kinokolekta ng Cookies at Iba Pang Mga Teknolohiya. Tulad ng karamihan ng online na serbisyo at mobile application, maaari kaming gumamit ng cookies at iba pang mga teknolohiya, gaya ng mga web beacon, web storage, at natatanging advertising identifier, para mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad, browser, at device. Maaari rin naming gamitin ang mga teknolohiya na ito para mangolekta ng impormasyon kapag nakipag-ugnayan ka sa mga serbisyong ibinibigay namin sa pamamagitan ng isa sa aming mga kaakibat, gaya ng mga tampok sa pagpapatalastas at komersyo. Halimbawa, maaari naming gamitin ang impormasyong nakolekta namin sa ibang mga website para pakitaan ka ng marami pang nauugnay na mga ads. Nakatakda ang karamihan ng mga web browser na tumanggap ng cookies bilang default. Kung gusto mo, karaniwan ay maaari mong tanggalin o tanggihan ang mga cookies ng browser mula sa mga settings sa iyong browser o device. Gayunpaman, tandaang maaaring makaapekto sa availability at functionality ng aming mga serbisyo ang pag-alis o pagtanggi sa cookies. Para higit pang makaalam kung paano namin at ng aming mga partner ginagamit ang cookies sa aming mga serbisyo at sa iyong mga pinipili, pakitingnan ang aming Cookie Policy.

  • Impormasyon ng Log Pwede rin kaming mangolekta ng impormasyon ng log kapag ginamit mo ang website namin, tulad ng:

    • mga detalye kung paano mo ginamit ang aming mga serbisyo;

    • impormasyon ng device, tulad ng uri ng iyong web browser at wika;

    • mga oras ng pag-access;

    • mga page na tiningnan;

    • IP address;

    • mga identifier na nauugnay sa mga cookies o iba pang mga teknolohiya na maaaring natatanging makatukoy sa iyong device o browser; at

    • mga page na binisita mo bago o pagkatapos bisitahin ang aming website.

  • Iba pang impormasyon, nang may pahintulot mo. Pwedeng may mga pagkakataon kapag nakipag-interact ka sa mga serbisyo naming hihilingin namin ang pahintulot mong mangolekta ng karagdagang impormasyon. Halimbawa, kung gusto mong lumahok sa Made For Me Panel namin o manirahan sa hurisdiksyon kung saan itinuturing ang ilang partikular na data na sensitibo, hihilingin namin ang pahintulot mo at magbibigay sa iyo ng heads up sa kung anong data, kabilang ang sensitibong data, kung mayroon man, ang kinokolekta namin.

Impormasyong Kinokolekta Namin mula sa Mga Third Party

Maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyo o sa iba pang user, sa aming mga affiliate, at mga third party. Narito ang ilang mga halimbawa:

  • Kung ni-link mo ang iyong Snapchat account sa isa pang serbisto (kagaya ng Bitmoji o ng third party na app), maaaring kaming makatanggap ng impormasyon mula sa ibang serbisyo, kagaya ng kung paano mo ginagamit ang serbisyo na iyon.

  • Pwede kaming makakuha ng impormasyon mula sa mga advertiser, developer ng app, publisher, at iba pang mga third party. Maaari naming gamitin ang impormasyong ito, bukod sa iba pang paraan, para makatulong na ma-target o masukat ang pagganap ng ads. Pwede ka pang makaalam tungkol sa paggamit namin ng ganitong uri ng third-party data sa Site ng Support namin.

  • Kung isa pang user ang nag-a-upload ng listahan nila ng contact, pwede naming pagsamahin ang impormasyon tungkol sa iyo mula sa listahan ng contact ng user na iyon sa iba pang impormasyong nakolekta namin tungkol sa iyo.

  • Kung ibibigay mo sa amin ang impormasyon mo sa pakikipag-ugnayan, pwede naming gamitin ang impormasyong iyon at impormasyong nakuha mula sa mga third party para matukoy kung pwede kaming makipag-ugnayan sa iyo sa iba pang platforms ng pagmemensahe.

  • Pwede kaming makatanggap ng impormasyon mula sa mga third party, kabilang ang mga publisher ng website, provider ng social network, tagapagpatupad ng batas, at iba pa, tungkol sa mga potensyal na lumalabag sa Terms of Service at Community Guidelines namin.

Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon

Ano ang ginagawa namin sa impormasyong aming kinokolekta? Para sa detalyadong sagot, pumunta rito. Ang maikling sagot ay: bigyan ka ng nakamamanghang set ng mga produkto at serbisyo na patuloy naming pinapaganda. Narito ang mga paraan kung paano namin ginagawa ang mga ito:

  • nagpapaunlad, nagpapagana, nagpapahusay, naghahatid, nagpapanatili, at pumoprotekta sa aming mga produkto at serbisyo.

  • ibigay, i-personalize, at pahusayin ang aming mga serbisyo sa advertising, ad targeting, at ad measurement, kasama ang sa pamamagitan ng paggamit ng content at impormasyon ng eksaktong location mo (muli, kung nagbigay ka sa amin ng pahintulot na kolektahin ang impormasyon ng ekasaktong location), parehong sa loob at labas ng aming mga serbisyo. Maaari din kaming mag-store ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng mga third-party na app at website sa device mo para magawa ito. Alamin pa. Tingnan ang seksyon na Kontrol sa Iyong Impormasyon sa ibaba para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan sa advertising at mga mapagpipilian mo.

  • mag-add ng konteksto sa iyong karanasan sa Snapchat, halimbawa, sa pamamagitan ng pag-tag sa iyong Memories na may mga mahahanap na label batay sa location mo (siyempre, kung binigyan mo kami ng pahintulot na kolektahin ang iyong eksaktong location) at ang content ng photo o video mo (halimbawa, kung may aso sa photo mo, puwede itong mahanap sa Memories sa pamamagitan ng salitang "aso"). 

  • i-personalize ang aming mga serbisyo sa pamamagitan, higit sa iba pang bagay, ng pagmumungkahi ng mga kaibigan, paglalagay ng mga rekomendasyon sa Snap Map, impormasyon ng profile, o mga sticker ng Cameos, na tinutulungan ang mga Snapchatter na mahanap ang isa't isa sa Snapchat, affiliate at mga third-party app at serbisyo, na hinuhulaan ang iyong mga interes batay sa iyong content o aktibidad, o pag-customize ng content na ipinapakita namin sa iyo, kasama ang mga ad.

  • bumuo at pahusayin ang aming mga algorithm at machine learning model, kasama ang personalization, advertising, augmented reality, pagiging makatuwiran, at pagiging inclusive, at para pigilan ang pang-aabuso at iba pang paglabag sa Terms of Service. 

  • magsagawa ng pananaliksik para lalong maunawaan ang mga Snapchatter at ang mga pangkalahatang interes at trend ng consumer, kasama ang mga paraan kung paano ginagamit ang aming mga serbisyo. 

  • gamitin ang impormasyong ibinigay mo para makipag-ugnayan sa iyo sa iba pang messaging platform.

  • pahusayin ang kaligtasan at seguridad ng aming mga product at serbisyo.

  • patunayan ang iyong pagkakakilanlan at pigilan ang panloloko o iba pang hindi awtorisado o iligal na aktibidad.

  • gamitin ang impormasyong nakolekta namin mula sa cookies at iba pang teknolohiya para pahusayin ang aming mga serbisyo at iyong karanasan sa mga ito.

  • ipatupad, imbestigahan, at i-ulat ang pag-uugaling lumalabag sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo at iba pang mga patakaran sa paggamit, tumugon sa mga kahilingan mula sa nagpapatupad ng batas, at sumunod sa mga ligal na kinakailangan.

  • padalhan ka ng mga komunikasyon, kasama ang sa pamamagitan ng email, SMS, o iba pang messaging platform kung pinapahintulutan. Halimbawa, posible kaming gumamit ng email, SMS, o iba pang messaging platform para tumugon at suportahan ang mga inquiry o mag-share ng impormasyon tungkol sa aming mga produkto, serbisyo, at promotional offer na sa palagay namin ay posibleng magkainteres ka.

  • subaybayan at suriin ang mga uso at paggamit.

  • Kung gumagamit ka ng isang Apple device na may TrueDepth camera ng Apple, posibleng gamitin namin ang impormasyon mula sa TrueDepth camera ng Apple para mapaganda ang kalidad ng Lenses. Real-time na ginagamit ang impormasyong ito— hindi kami nagso-store ng ganitong impormasyon sa aming mga server o nagse-share nito sa mga third party.

Paano Kami Nagse-share ng Impormasyon

Bakit namin sine-share ang mga impormasyong kinokolekta namin? Kadalasan, ito'y dahil sa hinihiling mo sa amin. Minsan, sine-share namin ito dahil kailangan namin. Narito ang mga paraang pwede kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo:

  • Kasama ng iba pang Snapchatter. Posible naming ibahagi ang sumusunod na impormasyon sa iba pang Snapchatters:

    • impormasyon tungkol sa iyo, tulad ng iyong username, pangalan, at Bitmoji.

    • impormasyon tungkol sa kung paano ka nag-interact sa mga serbisyo at content naming nakaugnayan mo, gaya ng “score” mo sa Snapchat, ang mga pangalan ng Mga Snapchatter na friends mo, kung gaano ka kalapit sa friends mo sa Snapchat, naging aktibo ka man kamakailan sa Snapchat, ang kamakailan mong history sa location (kung pipiliin mong i-share ang tumpak mong location sa Snap Map), at iba pang impormasyong makakatulong sa Mga Snapchatter na maunawaan ang mga koneksyon mo sa iba pa gamit ang mga serbisyo namin. Halimbawa, dahil maaaring hindi malinaw kung nagmumula ang isang bagong friend request sa taong talagang kilala mo, pwede naming i-share kung ikaw at ang humiling ay may Snapchat friends na pareho o nasa parehong lugar.

    • impormasyon tungkol sa iyong device, gaya ng operating system at uri ng device, para tulungan kang makatanggap ng Mga Chat, Snap, at iba pang content sa optimal na format ng pag-view.

    • anumang karagdagang impormasyong sinabi mo sa amin na maaari naming i-share. Halimbawa, ise-share ng Snap ang iyong impormasyon kapag ikinonekta mo ang iyong Snapchat account sa third-party app, at kung nagse-share ka ng impormasyon o content mula sa Snapchat sa third-party app.

    • kung naka-enable, ise-share namin ang real-time na tumpak na location mo sa napili mong friends sa Snap Map (pero para lamang sa tagal na pinili mong i-share ito).

    • content na iyong ipino-post o ipinapadala. Ang lawak ng pagse-share ng iyong content ay nakasalalay sa personal mong settings at ang uri ng serbisyong iyong ginagamit. Halimbawa, pwedeng magpadala ng Snap sa friend lang na pipiliin mo, pero pwedeng makita ang Mga Snap ng Story ng sinumang Snapchatter na pinapayagan mong makita ang Story mo.

  • Sa lahat ng Snapchatter, sa mga partner namin sa negosyo, at sa pangkalahatang publiko. Maaari naming i-share ang sumusunod na impormasyon sa lahat ng Snapchatter pati na rin sa aming mga kasosyo sa negosyo at ang pangkalahatang publiko:

    • pampublikong impormasyon gaya ng pangalan mo, username, mga larawan sa profile, Snapcode, at Public Profile.

    • Ang Pampublikong Content gaya ng iyong Highlights, Custom na Stickers, Lenses, mga pagsusumite ng Story na naka-set na matitingnan ng Lahat ng Tao, at anumang content na isina-submit mo sa likas na pampublikong serbisyo, tulad ng Spotlight, Snap Map, at iba pang mga crowd-sourced na serbisyo. Maaaring matingnan, magamit, at mai-share ng publiko sa kabuuan ang content na ito kapwa sa loob at labas ng aming mga serbisyo, kabilang sa mga resulta ng paghahanap, website, app, at online at offline na pag-broadcast.

  • Sa mga third party. Maaari kaming mag-share ng impormasyon sa mga third party sa mga sumusunod na paraan:

    • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo samga tagapagbigay ng serbisyo na nagsasagawa ng mga serbisyo sa ngalan namin, kabilang ang pangangasiwa ng mga pagbabayad at sukatin at i-optimize ang pagganap ng ads at maghatid ng mas nauugnay na ads, kabilang ang nasa third-party na mga website at app.

    • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo sa mga kasosyo sa negosyong nagbibigay ng mga serbisyo at pagpapagana sa aming mga serbisyo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa impormasyong kinokolekta ng mga third party sa aming mga serbisyo, bisitahin ang aming Site ng Suporta.

    • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo, tulad ng impormasyon sa device at paggamit, para matulugan kami at ang iba pang mapigilan ang panloloko.

    • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo para sa mga legal, pangkaligtasan, at pangseguridad na dahilan. Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo kung naniniwala kaming kinakailangang ihayag ang impormasyon para:

      • makasunod sa anumang wastong legal na proseso, request ng pamahalaan, o naaangkop na batas, tuntunin, o regulasyon.

      • imbestigahan, remedyohan, o ipatupad ang mga potensyal na paglabag sa Terms of Service at Community Guidelines.

      • protektahan ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan namin, ng aming mga gumagamit, at iba pa.

      • matukoy at maresolba ang anumang mga pandaraya o alalahanin sa seguridad.

    • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo bilang bahagi ng merger o acquisition. Kung masangkot ang Snap Inc. sa merger, pagbebenta ng asset, financing, liquidation o pagkalugi, o acquisition ng lahat o ng ilang bahagi ng aming negosyo sa isa pang kumpanya, maaari naming i-share ang iyong impormasyon sa kumpanyang iyon bago at pagkatapos magsara ng transaksyon.

  • Hindi personal na impormasyon. Maaari rin kaming mag-share sa mga third party na nagbibigay sa amin ng mga serbisyo o nagsasagawa sa amin ng mga layuning pang-negosyo nang pinagsama, hindi personal na makikilala, o hindi nakikilalang impormasyon.

Nilalaman at mga Integrasyon ng Third Party

Ang aming mga serbisyo ay maaaring maglaman ng mga nilalaman at integrasyon ng third party. Kasama sa mga halimbawa ang mga third-party integration sa Lenses, editing tool sa Camera, para ibigay ang mga resulta ng Scan, at mga integration ng third-party developer. Sa pamamagitan ng mga integrasyong ito, maaaring nagbibigay ka ng impormasyon sa ikatlong partido pati na rin sa Snap. Hindi kami responsable para sa kung paano kinokolekta o ginagamit ng mga ikatlong partido na ito ang iyong impormasyon. Tulad ng palaging ginagawa, hinihikayat ka naming suriin ang mga patakaran sa privacy ng bawat serbisyo ng third-party na binibisita o ginagamit mo, kabilang ang mga third party kung saan nakikipag-ugnayan ka sa pamamagitan ng aming mga serbisyo. Maaari kang higit pang matuto tungkol sa mga serbisyo ng third party sa Snapchat dito.

Gaano Katagal Naming Itinatabi ang Iyong Impormasyon

Nagbibigay-daan sa iyo ang Snapchat na makunan ang iyong karanasan sa sandaling iyon. Sa aming banda, nangangahulugan iyong karamihan sa mga mensahe — tulad ng Mga Snap at Chat — na ipinadala sa Snapchat ay awtomatikong made-delete bilang default mula sa mga server namin pagkatapos naming ma-detect na nabuksan ang mga ito ng lahat ng tatanggap o nag-expire, maliban kung binago mo ang default na settings mo o magpasyang mag-save ng isang bagay. Mas matagal sino-store ang iba pang content, tulad ng mga Story post. Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa kung gaano katagal naming i-store ng ibat-ibang uri ng content, silipin ang aming Site ng Support.

Nagso-store kami ng ibang impormasyon sa loob ng mas matatagal na yugto ng panahon. Halimbawa:

  • Isino-store namin ang pangunahing impormasyon ng account mo — tulad ng iyong pangalan, numero ng telepono, at email address — at listahan ng mga kaibigan hanggang sa hilingin mo sa aming burahin ang mga ito.

  • Nagso-store kami ng impormasyon ng lokasyon sa magkakaibang haba ng panahon batay sa kung gaano ito katumpak at kung aling mga serbisyo ang ginagamit mo. Kung nauugnay ang impormasyon ng location sa Snap — gaya nung mga naka-save sa Memories o naka-post sa Snap Map o Spotlight — papanatilihin namin ang location na iyon hangga't inii-store namin ang Snap. Pro tip: Makikita mo ang data ng lokasyong pinapanatili namin tungkol sa iyo sa pamamagitan ng pag-download sa data mo.

Kung magpasya kang huminto sa paggamit ng Snapchat, maaari mo lang hilingin sa aming burahin ang iyong account. Buburahin din namin ang karamihan sa impormasyong aming nakolekta tungkol sa iyo pagkatapos mong maging hindi aktibo nang ilang panahon!

Tandaan, bagama't idinisenyo ang aming mga sistema na awtomatikong isagawa ang aming mga kasanayan sa pagbura, hindi namin maipapangakong mabubura ito sa loob ng partikular na yugto ng panahon. Posibleng may mga obligasyon sa batas na i-store ang iyong data at posibleng kailangan naming suspindihin ang mga kagawiang iyon sa pag-delete kung makakatanggap kami ng may bisang proseso ng batas na hihiling sa aming magpanatili ng content, kung makakatanggap kami ng mga report tungkol sa pang-aabuso o iba pang paglabag sa Terms of Service, o kung ang iyong account, content na ginawa mo, o content na ginawa kasama ng iba pang user ay i-flag ng iba o ng aming mga system dahil sa pang-aabuso o iba pang paglabag sa Terms of Service. Sa pangwakas, maaari rin naming itabi ang ilang partikular na impormasyon sa backup sa loob ng limitadong yugto ng panahon o ayon sa kinakailangan ng batas.

Kontrol sa Iyong Impormasyon

Gusto naming ikaw ang may kontrol sa iyong impormasyon, kaya binibigyan ka namin ng mga sumusunod na tool.

  • Pag-access, Pagwawasto, at Portability. Maaari mong i-access at i-edit mismo sa aming mga app ang karamihan sa pangunahing impormasyon ng iyong account. Maaari mo ring gamitin ang I-download ang Aking Data para makakuha ng kopya ng impormasyong hindi available sa aming mga app sa portable na format, para iyong mailipat o ma-store ito saan mo man gusto. Dahil mahalaga sa amin ang iyong privacy, maaari naming hilingin sa iyong i-verify ang pagkakakilanlan mo o magbigay ng karagdagang impormasyon bago namin hayaang i-access o i-update mo ang iyong personal na impormasyon. Maaari din naming tanggihan ang iyong kahilingang i-access o i-update ang iyong personal na impormasyon dahil sa ilang bagay, kabilang ang, halimbawa, malalagay sa alanganin ang privacy ng ibang user dahil sa kahilingan o kaya ay labag ito sa batas.

  • Pagbawi ng mga pahintulot. Kadalasan, kung papayagan mo kaming gamitin ang iyong impormasyon, maaari mong bawiin ang pahintulot mo sa pagpapalit ng settings sa app o sa iyong device kung ang iyong device ay nag-aalok ng mga ganoong opsyon. Siyempre, kung gagawin mo iyon, may ilang partikular na serbisyo na posibleng mawala ang buong functionality. Para sa mga pang-promosyong email at mensaheng ipinadala sa pamamagitan ng text o iba pang platforms ng pagmemensahe, pwede kang mag-opt out sa pamamagitan ng pag-click sa link na mag-unsubscribe o katulad na mekanismo gaya ng ibinigay.

  • Pag-delete. Bagama't umaasa kaming mananatili kang Snapchatter habambuhay, kung sakali mang gusto mong burahin ang iyong account sa ilang kadahilanan, pumunta lang dito para malaman kung paano. Pwede mo ring burahin ang ilang impormasyon sa app, tulad ng mga larawang na-save mo sa Memories, mga pag-uusap mo sa My AI, mga pagsusumite sa Spotlight, at search history.

  • Mga Kagustuhan sa Advertising. Susubukan naming magpakita sa iyo ng ads na tingin namin ay nauugnay sa iyong mga interes. Kung gusto mong baguhin ang impormasyong ginagamit namin ng mga kasosyo namin sa pag-advertise para piliin ang ads na ito, maaari mo itong gawin sa app at sa pamamagitan ng mga kagustuhan mo sa device. Pumunta rito para matuto pa.

  • Pag-track. Para sa mga user na nagpapagana ng mga device na may iOS 14.5 o mas bago, nalalapat ang ilang partikular na kinakailangan. Tinukoy namin ang mga iyon dito

  • Pakikipag-ugnayan sa iba pang Mga Snapchatter. Mahalaga sa amin na manatili kang may kontrol sa kung kanino ka nakikipag-ugnayan. Kaya naman bumuo kami ng ilang tool sa Settings na hinahayaan kang ipahiwatig, bukod sa iba pang mga bagay, kung sino ang gusto mong makakita sa Stories mo, kung gusto mong makatanggap ng Snaps mula lang sa friends mo, friends at contacts mo, o lahat ng Snapchatter, at kung gusto mong mag-block ng isa pang Snapchatter mula sa pakikipag-ugnayan muli sa iyo. Pumunta rito para matuto pa.

Internasyonal na Paglilipat ng mga Data

Posible naming kolektahin ang iyong personal na impormasyon mula sa, ilipat ito sa, at iimbak at iproseso ito sa Estados Unidos at iba pang mga bansa na hindi sakop ng iyong tinitirhan. Kapag nagbabahagi kami ng impormasyon sa lugar kung saan hindi ka nakatira, at kung pinapahintulutan kaming gawin ito nang ligal, sinisiguro namin na napapatupad ang isang sapat na mekanismo ng paglilipat. Sinisiguro rin namin na mayroong sapat na mekanismo ng paglilipat ang anumang third party na binabahagian namin ng impormasyon. Makakahanap ka ng higit pang impormasyon sa mga kategorya ng mga third party na binabahagian namin ng impormasyon dito.

Impormasyong Partikular sa Estado at Rehiyon

Maaaring mayroon kang partikular na mga karapatan sa privacy sa iyong estado o rehiyon. Halimbawa, sa Estados Unidos, mayroong partikular na mga karapatan sa privacy ang mga residente ng California at iba pang mga estado. Ang Mga Snapchatter sa European Economic Area (EEA), ang UK, Brazil, ang Republika ng Korea, at iba pang mga nasasakupan ay mayroon ding partikular na mga karapatan. Nagpapanatili kami ng up-to-date na overview ng mga pagsisiwalat na partikular sa estado at rehiyon dito.

Aming Audience

Hindi namin inilaan ang aming mga serbisyo para sa— at hindi namin idinidirekta ang mga ito sa—kahit sinong wala pang 13 taong gulang. Iyon ang dahilan kung bakit hindi kami sadyang nangongolekta ng personal na impormasyon ng kahit sinong wala pang 13 taong gulang. Dagdag pa, posible naming limitahan ang paraan kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at inii-store ang ilan sa mga impormasyon ng user na walang pang 18 taong gulang. Sa ilang sitwasyon, nangangahulugan ito na hindi kami makapagbibigay ng ilang partikular na functionality sa mga user na ito.

Mga Update sa Privacy Policy

Posible naming pana-panahong baguhin ang Privacy Policy na ito. Ngunit kapag ginawa namin ito, gagawa kami ng paraan upang sabihin ito sa iyo. Kung minsan, ipapaalam namin sa iyo sa pamamagitan ng pagbago sa petsa sa itaas ng Polisiya sa Privacy na makikita sa aming website at mobile application. Sa ibang pagkakataon, posibleng magbigay kami sa iyo ng karagdagang abiso (gaya ng pagdaragdag ng pahayag sa homepage ng aming mga website o pagbibigay sa iyo ng in-app na notipikasyon).